Chapter 9

12.6K 245 0
                                    

MILLER's SERIES 1
BE MY LADY
"DARYLLE"
By..emzalbino

Hindi napigilan ni Darylle ang sarili na pisilin ang palad ni Eloisa dahil kay lambot ito na para bang kamay ng anak mayaman..

Hindi siya makapaniwala isa sa mga empliyada ni Darylle si Eloisa dahil sa hitsura ng dalaga na akala mo ay isa itong prinsesa na hindi makabasag pinggan, at gustong gusto niyang pagmasdan ang dalaga lalo na sa maamo nitong mukha sa tuwing nag ba blush ito dahil mas lalong gumaganda ang kanyang itsura...

"Oh kain na kayo!....ani tatay Lito na siyang pumukaw sa pagtitinginan ng dalawa kaya nahihiyang binawi ni Eloisa ang kamay nito sa nakangiting si Darylle at ipinaghila pa siya ng upuan saka muling bumalik sa kanyang kinauupuan ang binata..

Naging tahimik si Eloisa at panaka nakang tumitingin kay Darylle kaya nahuhuli niyang nakatingin kung minsan sa kanya ang binata kaya pag nagtatama ang kanilang paningin ay hindi maiwasan na pamulahan siya ng mukha na siyang gustong gustong pagmasdan ng binata...

"Ah iho nakita mo na ba ang sirang aircon?....maya maya ay pukaw ni tatay Lito sa katahimikang namamagitan sa may hapag kainan..

"Ah hindi pa ho tatay Lito, saan po ba banda?....sagot na tanong ni Darylle sa matanda habang kumakain ito..

"Sa may guest room iho at pasensiya kana kung hindi sinabi ko nasabi sayo na pinatuloy ko muna sina Eloisa at Fely sa iyong kwarto dahil masyadong mainit doon kung electric fan lang ang gagamitin nila lalo pa at walang bintana ang kwartong iyon"....singit ni nanay Darya..

"Okay lang po iyon nanay Darya at mabuti nga po para kahit papaano ay napagpag ang mga alikabok sa kwarto ko"....ani Darylke saka nilakipan ng biro ang sinabi nito..

"Ay sinabi mo pa iho! Nahihiya nga ako dahil hindi ko na masyadong nalilinisan ng maigi ang bahay na ito hindi gaya noong dati na malakas pa ako at nalilinisan kong mabuti ang bawat sulok ng bahay!......prangkang sabi ni nanay Darya..

"No nanay Darya, ang ibig ko pong sabihin ay napagpag ang alikabok na nakakapit sa kama ko at saka wala namang gumagamit eh kaya mas mainam ipagamit nalang ninyo dahil ni hindi na nga kami nagagawi rito ng madalas, At kung sakaling maayos na iyong usang kwarto ay palipaton nalang ninyo sa kabila iyong isa pang tenant para hindi sila siksikan sa kwarto ko at ng hindi sila nahihirapan sa pagtulog".......nakangiting turan ni Darylle saka muli nitong nilingon si Eloisa at ngumiti ito sa dalaga..

"Salamat po sir".....nahihiyang wika ni Eloisa saka ngumiti ito na siyang dahilan ng paglitaw ng mga biloy nito sa kanyang pisngi..

"Walang anuman Eloisa at kung wala tayo sa opisina o sa trabaho ay Darylle na lang ang itawag mo sa akin dahil parang naaasiwa ako pag tinatawag akong sir na wala naman ako sa opisina".....ani Darylle kay Eloisa habang hindi maalis alis ang tingin sa dalaga at maya maya ay hindi sinasadyang napatingin siya sa may bandang dibdib ng dalaga na bahagyang nakaawang ang sout nitong sleeveless shirt dahil medyo payukong umupo si Eloisa kaya naman biglang sumagi ulit sa isip nito ang nakita kanina...

"Damn!.....murang bulong ni Darylle sa sarili ng biglang parang nag iba ang pakiramdam ng kanyang sarili dahil pakiramdam niya ay naiinitan siya na hindi niya mawari kaya agad niyang inabot ang pitsel na may lamang malamig na tubig at nakailang baso siya ng nainom ng tubig bago bumalik sa dati ang pakiramdam nito at pilit na iniwasan ang mapatitig kay Eloisa ngunit sadyang parang namamagnet ang kanyang mga mata na tumingin sa maganda at maamong mukha ng dalaga...

Alumpihit at hindi mapalagay si Eloisa sa kanyang kinauupuan dahil sa alam niyang parating nakatingin sa kanya ang lalaking kanyang kaharap kaya hindi siya gaanong nakakain at naiilang siya sa bawat titig ni Darylle sa kanya..

MILLER SERIES 1...DARYLLE...BE MY LADY......BY EMMZ(emzalbino)...Where stories live. Discover now