Chapter 14

11.1K 270 4
                                    

MILLER's SERIES 1
BE MY LADY
"DARYLLE"
By...emzalbino

Biglang bumukas ang toilet at pumasok ang kasamahan ni Eloisa sa trabaho na si Mina..

"Eloisa umiyak kaba?.....takang tanong ng dalagang bagong dati.

"Hindi!....tangging sagot ni Eloisa saka isang pilit na ngiti ang ibinigay nito sa dalaga.

"Eh namumula iyang mata mo parang umiyak ka?....giit ni Mina.

"Ah eh napuwing ako kaya ko kinusot ang mata ko".....alibay nito ngunit ngumiti ang dalaga.

"Hmm wag ka ng magsinungaling dahil kitang kita ko naman na galing sa pag iyak iyang ikinapula ng mga mata mo at hindi sa pagkusot mo, Bakit may problema kaba o nami miss mo ang boy friend mong naiwan sa inyo?....nanunuksong tanong nito kaya tuloy napangiti si Eloisa.

"Sira! Wala akong boy friend na naiwan doon at ang mga magulang ko lang at mga kapatid ko ang nami miss ko sa aming probinsiya dahil single po ako at walang attachment sa kahit na sino".....paliwanag ni Eloisa.

"So you're free na ligawan?!....

"Free ng ako but wala pa sa isip ko ang pakikipag boy friend dahil marami pa akong nais na gawin sa buhay ko lalo na sa pamilya ko"....

"Eh hindi naman ibig sabihin na kung makikipag nobyo ka eh mag aasawa kana! Ang boyfriend ay para g inspirasyon ko lang sa pagiging buhay dalaga at hindi ibig sabihin noon na pag may nobyo kana eh hindi kana pwedeng tumulong sa pamilya"...,

"Alam ko iyon Mina kaso lang ay ayaw kong magulo ang isipan ko dahil baka makaapekto pa ito sa paghahanap buhay ko, at saka wala naman akong manliligaw eh kaya papaano ako magkaka nobyo?!....saad ni Eloisa.

"Anong wala! Hindi mo lang kasi binubuksan ang iyong mga mata noh! Alam mo ba na noong una palang na makita ka ni Raymond eh crush kana niya kaso naiilang lang sayo kasi naman napakatahimik mo daw kaya hanggang ligaw tingin nalang iyong tao!....pahayag ni Mina.

"Huh, si Raymond! Iyong chef cook dito?!....hindi makapaniwalang bulalas ni Eloisa.

"Oo!...agad na sagot ni Mina...."Pero sabi niya kanina bago umuwi ay liligawan ka na daw niya dahil baka maunahan pa daw siya ng iba eh"...

"Diba pang umaga siya?...maya maya ay tanong ni Eloisa.

"Oo nga, pero nagkausap kami kanina ng pauwi na siya at saktong dating ko naman kaya nagkausap kami sandali at sabi niya ay aabangan daw niya ang pag uwi mo kaya maaga siyang darating mamaya upang kahit papaano daw ay makausap ka niya"....pagbabalita ni Mina kay Eloisa.

"Eh Mina, Hindi sa ayaw ko kay Raymond pero talagang pakikipag kaibigan lang ang nais ko sa bawat mga kasama natin sa trabaho para hindi masira ang ating samahan o pagkakaibigan"....

"Bakit hindi mo bigyan ng pagkakataon iyong tao eh mabait naman siya at pogi rin naman"....

"Mina hindi naman ako sumasalamin sa panlabas na anyo ng usang tao kundi sa pag uugali, at hindi porke gwapo rin ay gugustuhin ko na, Ang gusto ko kung sakaling iibig na ako ay sa lalaking itinitibok ng aking puso at hindi sa ano pa mang bagay ang maging dahilan"....saad ni Eloisa.

"Okay may point ka Eloisa peto bigyan mo rin ng pagkakataon na maipakita ni Raymond ang kanyang tapat na pag ibig sa iyo para mapatunayan mo ang talagang damdamin niya sayo baka sakaling mahulog ang loob mo at umubig ka sa kanya dahil walang imposible kung talagang meant to be kayo ni Raymond".....pagtatanggol ni Mina sa binatang nagkakagusto raw kay Eloisa.

"Ewan ko Mina pero susubukan kong pakibagayan siya bilang isang kaibigan at kung sakaling magkagustuhan kami ay siguro nga ay kaloob ng Diyos ang lahat"....ani Eloisa saka ngumiti ito at nagpaalam sa kaibigan, ngunit habnag naglalakad ay biglang sumagi sa isip niya si Darylle at ang naganap sa kanila kanina lang.

MILLER SERIES 1...DARYLLE...BE MY LADY......BY EMMZ(emzalbino)...Where stories live. Discover now