Chapter 6

12.2K 273 1
                                    

MILLER's SERIES 1
BE MY LADY
"DARYLLE"
By..emzalbino

Maagang nagising sina Fely at Eloisa upang maghanda para sa kanilang pagpasok at dahil unang araww nila ay kabado silang pareho ngunit sa loob loob ni Eloisa ay kailangan niyang maging matatag para matupad niya ang mga ipinangako sa kanyang mga magulang at mga kapatid...

Matapos niyang ayusin ang sarili ay saka pumanaog at nagtungo sa kusina at nadatnan niya si tatay lito at nanay Darya na nag uusap habang nagkakape...

"Magandang umaga po sa inyo nanay Darya,tatay Lito".... bati ni Eloisa sa mag asawang katiwala sa ancestral house ng mga Miller...

"Maganda ka pa sa umaga iha".....birong bati ni tatay Lito kay Eloisa na ikinangiti nito..

"Hala maupo kana iha at ng makapag agahan ka! O heto ang tinapay at palaman at magtimpla ka nalang diyan ng kape mo dahil hindi ko naman kasi alam ang timplang gusto mo eh".....ani nanay Darya sabay abot nito ng kape at coffee cream kay Eloisa...

"Salamat po nanay Darya".....nahihiyang sagot ng dalaga sabay abot nito sa kape at coffee na inaabot sa kanya ni nanay Darya...

"Eh asan na iyong kasama mo ha Eloisa?...maya maya ay tanong ni nanay Darya ng hindi pa bumababa si Fely...

"Ay nagbibihis pa po"....tanging sagot ni Eloisa saka itinimplahan narin niya ng kape si Fely dahil alam niyang malapit na ring pumanaog ito..

"Ah ganon ba!....ani nanay Darya saka muling ipinagpatuloy ang pag aalmusal nito at ilang sabdali lang ay palapit na si Fely sa kanila na nakangiti ito..

"Magandang umaga po sa lahat"!....bati ni Feky sa mga nadatnan niyang tao sa kusina..

"Magandang umaga rin sayo iha"....sabay na bati naman ng mag asawa at nilapitan ni Fely si Eloisa na noon ay naglalagay ng palaman sa tinapay..

"O hayan ang kape mo at heto ang tinapay"....ani Eloisa sa kaibigan saka inilapag ang tinapay sa may mesa...

"Salamat Eloisa".....nakangiting wika ni Fely sa kaibigan saka naupo ito sa tabi ni Eloisa..

"Walang anuman".....sagot ni Eloisa saka tahimik na hinarap ang biyayang kaloob ng Panginoon ng umagang iyon....

Matapos kumain at mailigpit ang mga ginamit sa kusina ay agad na umakyat sina Eloisa at Fely upang kunin ang kanilang mga gamit at ng masigurong okay na ang lahat ay saka nagmamadaling bumaba ang dalawa at saktong nasa may pintuan ang mag asawa na parang inaabangan nila ang kanilang pag alis....

"Nanay Darya , tatay Lito papasok na po kami!....sabay na paalam nila Fely at Eloisa na ngumiti lang naman nag mag asawa at ng makalagpas na sila sa pinto ay muling binalikan ni Eloisa ang mag asawa na nakatanaw parin sa kanilang dalawa...

"O bakit Eloisa may nakalimutan kaba?....alalang tanong ni nanay Darya sa dalaga..

Ngunit hindi sumagot si Eloisa bagkus humalik ito sa pisngi ng mag asawa saka ngumiti at muling nagpaalam...

Nakangiti na halos maluha luha pa sa tuwa si nanay Darya ng hagkan ni Eloisa ang kanyang pisngi dahil matagal nang walang humahalik sa kanyang pisngi at ang kanyang mga apo lang ang gumagawa nito samantalang ang nag iisa niyang anak ay ni hindi man lang niya nagawa ito sa kanilang mag asawa...

Samantalang si Eloisa ay parang hindi niya kayang ihakbang ang kanyang mga paa na hindi nahahagkan ang pisngi ng mag asawa dahil nakagawian na niyang humalik sa pisngi ng kanilang mga magulang sa tuwing aalis siya ng bahay at sa kanyang pagdating kaya binalikan niya sina nanay Darya at tatay Lito dahil parang sila na ang kanyang mga magulang sa bahay na iyon....

MILLER SERIES 1...DARYLLE...BE MY LADY......BY EMMZ(emzalbino)...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon