Chapter 10

12K 232 0
                                    

MILLER's SERIES 1
BE MY LADY
"DARYLLE"
By..emzalbino

Hindi na nagawa pang tumutol ni Eloisa ng pasakayin siya ni Darylle sa kotse nito kaya kahit nahihiya siya ay tumahimik nalang dahil baka sabihin pa ng kanyang amo na maarte ito..

Tahimik sa loob ng kotse at walang man lang marinig si Darylle na imik ng kanyang katani kaya binuksan niya ang stereo ng kanyang kotse at pinatugtog nito ang cd tape na nakasalang doon, ang kanta ni Sam Milby na WHEN I SEE YOUR SMILE..

Parang mas naging akward ang pakiramdam ni Eloisa ng biglang pumailanlang ang kanyang paboritong kanta at tuloy napatingin siya sa kanyang katabing binata na sakto namang nakatingin sa kanya at ngumiti pa ito..

Dahil sa pagngiting iyon ni Darylle ay biglang namula ang mukha ni Eloisa dahil sa hindi malamang kadahilanan kaya agad niyang binawi ang tingin at itinuon ang kanyang mga mata sa labas ng bintana.

"Eloisa saan ang probinsiya ninyo?....maya maya ay basag ni Darylle sa katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa.

"Sa Albay po este Darylle".....natatarantang sagot ni Eloisa.

"Hmm anlayo ng Albay rito ah! Paano mo nalaman ang tungkol sa hotel?...muling tanong ni Darylle.

"Nabasa ko sa diyaryo"...muling sagot ni Eloisa ngunit ang tibgin ay nasa kanyang harapan sa labas sa kanilang dinaraanan at iniiwasan niyang mapatingin sa katabi.

"Oh i see!...ani Darylle saka muling itinuon ang kanyang atensiyon sa dinadaanan nila.

Pagkalipas ng ilang sandali ay biglang may naalala si Darylle at dinukot nito ang bulsa ng kanyang pantalon..

"Ay ito pala iyong panyo mo, salamat!....nakangiting turan nito na tumingin sa dalagang katabi na noon ay napatingin naman sa kanya..

"Walang anuman at sorry sa nangyari hindi ko sinasadya"....nahihiyang sagot ni Eloisa at aabutin na sana niya ang panyo ng muling ibinulsa ni Darylle kaya napatingin napatitig siya sa binatang amo.

"Lalabhan ko muna kasi namantsahan na ng kape"...ani Darylle

"Naku wag na ako nalang ang maglalaba niyan!...mariing tanggi ni Eloisa ngunit umiiling iling si Darylle.

"Nope ako nalang"...sagot naman nito sa dalaga..

"Ako nalang sabi eh dahil ako naman ang may kasalanan"....pilit ni Eloisa saka pilitna inaabot nito ang kamay ni Darylle na nasa may bulsa ng pantalon nito.

"Wag mo ng ipilit dahil ako na ang maglalaba nito at kung ipagpipilitan mo hahalikan kita"......nagbabantang biro ni Darylle at dahil doon sa sinabi nito ay agad na inalis ni Eloisa ang kamay nitong humihila sa kamay niya at pulang pula ang mukha ng dalaga kaya napahagalpak ng tawa si Darylle..

"Ha ha ha! Eloisa binibiro lang kita eh pulang pula na ang mukha mo"....hindi maalis alis ang ngiti sa labi ni Darylle dahil sa hitsura ng dalagang katabi.

"Sige pagtawanan mo ako!....ani Eloisa saka umingos ito na kunwari ay nagagalit ngunit mas lalo pang natawa si Darylle.

"Wag kang mag galit galitqn dahil hindi bagay sayo, ang bagay sayo ay iyong nakangiti para mas lalo kang gumanda at kaakit akit"....seryosong wika ni Darylle saka hindi nito napigilan ang sariling haplosin ang pisngi ni Eloisa na ikinagulat naman nito..

Muling napatanga si Eloisa sa pagdaop ng palad ni Darylle sa pisngi nito habang nakatitig sa kanya ang binata kaya biglang dumagundong ang kaba sa kanyang dibdib..

"Oh Diyos ko wag ko Po akong ipahintulot na mahilog ng tuluyan sa lalaking ito dahil ngayon ko palang siya nakita at hindi ko pa siya kilala ng lubusan at iohut sa lahat ay ikakasal na siya"....piping wika ni Eloisa sa sarili saka dahan dahang binawi nito abg tingin at namumula ang mukhang ibinaling sa ibang direksiyon ang kanyang paningin kahit na sa pakiramdam niya ay nakatitig parin si Darylle sa kanya..

MILLER SERIES 1...DARYLLE...BE MY LADY......BY EMMZ(emzalbino)...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon