Chapter 3

12.9K 259 2
                                    

MILLER's SERIES 1
BE MY LADY
"DARYLLE"
By...emzalbino
CHAPTER 3...

Maya maya lang ay nakaramdam na ng pangangalam ng sikmura si Eloisa dahil ng tingnan niya ang oras ay ala una ng hapon at heto ay hindi pa siya nakakapagsimula sa interview at kinakabahan siya dahil may sampo pang nakapila bago siya at ngayon ay pansamantalang itinigil muna dahil kakain daw muna ang mga nagssagawa ng interview kaya naupo muna siya sa isang tabi at saka kinuha nito ang baon niyang tinapay sa kanyang bag at tubig saka sinimulang kumain ng maya maya ay may lumapit sa kanya..

"Hi Pwedeng makiupo?....anang dalaga na halos kasing edad lang ni Eloisa..

"Sure! Gusto mo!...sagot ni Eloisa sa babaeng tumabi sa kanya sabay alok ng kinakain niyang biskuwit..

"Salamat! May baon din ako pero share nalang tayo"..,anang dalaga kay Eloisa..."Hmm aplikante karin ba? Ako nga pala si Fely,ikaw anong pangalan mo?...sunod sunod na tanong ni Fely kay Eloisa..

"Eloisa Hernandez, nagbabasakaling matanggap ako bilang chamber maid pero hanggang ngayon eh nakapila parin!...sagot ni Eloisa habang patuloy iyong kumakain sa kanyang baon na tinapay upang kahit papaano ay maibsan ang kanyang pagkagutom...

"Pareho tayo nag aaplay din ako bilang chamber maid,sana matanggap tayo kasi ang hirap humanap ng trabaho at ang liit pa ng sahod ko bilang sales lady kaya ng mabasa ko ang anunsiyo sa diyaryo ay agad akong lumuwas para sakaling matanggap eh di okay diba!?...saad ni Fely kay Eloisa..

"Oo nga eh! Sana matanggap tayo para naman magkaroon na tayo ng trabaho na malaki laking sahod dahil kayhirap para sa akin ang magtinda sa bahay bahay at palengke ng mga kakanin dahil kay liit lang ng kita tapos pinag aaral ko pa ang mga kapatid ko kaya kinakapos ang kinikita ko sa araw araw at kailangan pang maipa check si itay kaya nangungulelat ako sa kunting kinikita ko sa pagtitinda"...buntong hininga ni Eloisa saka napatingin sa lugar kung saan sila kanina ay nakapila..

"Alam mo Eloisa sa totoo lang kanina pa kita pinagmamasdan kaya! Dahil ang akala ko ay hindi ka aplikante!...hayagang wika ni Fely..

"Huh! Papaano mo naman nasabi eh tingnan mo naman ang suot kong damit na halos parang basahan na sa kalumaan!...natatawang wika ni Eloisa kay Fely..

"Eh hindi naman iyang suot mong damit ang tiningnan ko kundi ang hitsura mo,ang iyong mukha kasi ang ganda ganda mo at napakainosente ng iyong mukha na para bang isa kang anak mayaman kung titingnan sa mukha at ang iyong kulay ay parang kutis ng mga mayayamang tao na medyo namumula mula pa!...humahangang wika ni Fely habang walang sawang nakatitig sa mukha ni Eloisa..

"Sobra ka naman Fely! Nakakahiya naman iyang pinagsasabi mo at baka may makarinig sayo at sabihin pa nilang ilusyunada ako!...iiling iling na turan ni Eloisa..

"Eh sa totoo naman ah! Muling hirit ni Fely saka lumapit na ng husto kay Eloisa..

"Matanong ko lang Eloisa, may lahi ba kayong amerikana? kasi ang puti mo at ang kinis ng kutis mo!...hindi napigil na tanong ni Fely kay Eloisa na noon ay napangiti ang dalaga sa kadaldalan ng bago niyong kakilalang kaibigan..

"Sabi ni inay ay ang yumao daw nitong ama ay amerikano ngunit nabuntis lang daw ang lola ko saka bumalik na ng amerika at ipinanganak nalang ang inay ko at ng hindi nagtagal ay nakapag asawa itong muli ng pilipino ngunit hindi sila nagkaanak kaya ang itinuring na anak ng amain ng aking inay ay ang inay ko at minahal niya ito bikang isang tunay na anak hanggang sa pumanaw na ito at ang aking lola"...kwento ni Eloisa kaya napatango nalang si Fely..

"Ah kaya kita sa mukha mo at sa kulay mo ang dugong bughaw! But in fairness ay napakaganda mo talaga at hindi nakakasawang oagmasdan ang iyong ganda na hindi gaya ng mga ibang kababaihan na pag wala ng make up ay nagmumukha ng mamaw"...deretsahang pahayag ni Fely kaya naman natawa si Eloisa..

MILLER SERIES 1...DARYLLE...BE MY LADY......BY EMMZ(emzalbino)...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon