Chapter 22

10.2K 218 0
                                    

MILLER's SERIES 1
BE MY LADY
"CHAPTER 22....

Lalapitan sana ni Margaux ang babaeng nakita niyang kasama ni Darylle sa may mall na hinalikan pa niya ito sa labi ngunit biglang dumating si Lizel kaya naman hindi niya nagawang lapitan ang dalaga at tanging sulyap lamang ang ibinigay nito..

"Lizel sino siya?.....hindi napigilang tanong ni kay Margaux kay Lizel..

"Ah siya po si Eloisa! Isa po siya sa pinakamasipag at mabait na chamber maid sa hotel at sa may ancestral house niyo po siya nagre renta kasama niya ang kaibigan niyang si Fely na nagta trabaho rin dito"....sagot ni Luzel na ikinagulat ni Margaux..

"Huh! Ganoon ba?.....hindi nagpahalatang sagot ni Margaux sa dalagang super visor.

"Opo mam! Ang ganda niya po diba?.....nakangiting tanong muli ni Lizel habang nakamasid sa papalayong si Eloisa.

"Oo maganda siya, May nobyo na ba siya?.....hundi napigilang tanong ni Margaux saka tumingin sa dalagang kausap.

"Ang alam ko ay may nanliligaw sa kanya noon na isang chef cook rin dito pero nalaman namin lately na naka buntis pala iyong guy, Pero hindi naman binigyan ng pag asa ni Eloisa si Raymond dahil ang sabi yata nito sa binata eh hanggang kaibigan lang ang kaya niyang isukli sa binata".....saad ni Lizel kay Margaux na tatango tango lang.

"Hmm ganoon ba? Bueno paki bigyan mo nga ako ng breakfast ko at ipadala mo sa kanya sa may private office para doon nalang ako mag almusal habang hinihintay ko ang pagdating ni Darylle".......ani Margaux.

"Opo mam at ano po ang gusto ninyong breakfast?......muling tanong ni Lizel sa kanyang amo.

"Brewed coffee at dalawang croissant, thank you sa abala"......sagot ni Margaux.

"Welcome po mam!.....magalang na sagot ni Lizel saka nagpaalam na ang dalaga at tumuloy si Margaux sa may private office ng hotel..

...

Nasulyapan ni Eloisa kanina ang babaeng kausap ni Lizel ngunit binaliwala niya ito. Ngunit ng makita nito ang mukha ng babae na hawig kay Darylle ay may kung anong kaba siyang naramdaman na parang hindi niya kayang ipaliwanag kung ano ang ibig ipahiwatig nito.

Nasa may stock room siya at inaayos ang mga maruruming beddings na kinuha mula sa mga kwartong kanyang nilinisan..

Huminga siya ng malalim dahil pakiramdam niya ay kinakapos siya ng hininga. Napatulala siya sa may bintana habang kay layo ng iniisip nito ng biglang bumukas ang pinto ng stock room at iniluwa si Lizel..

"Mam kayo po pala!......medyo gulat na turan ni Eloisa kay Lizel.

"Ah kasi pakikiusapan sana kitang dalhin kay mam Margaux iyong breakfast niya sa may private office kasi nagugutom yata"......saad ni Lizel kay Eloisa.

"O-opo mam!....nauutal na sagot ni Eloisa ngunit hindi niya alam kung sino at anong hitsura ni Margaux dahil naririnig lang nito ang pangalan ngunit ang mukha ay hindi pa niya kilala.

"Nakita mo ba kanina iyong babae na kausap ko sa may lobby?....

"Opo mam"......simpleng sagot ni Eloisa kay Lizel.

"Siya si mam Margaux, ang asawa ni sir Duane na mommy nila Sir Darylle at mam Darlene"......pagpapakilala ni Lizel sa kanilang amo.

"Ah ga-ganoon po ba?.....hindi makapaniwala at nauutal na sagot ni Eloisa dahil ng malaman niya na ang babaeng kausap ni Lizel ay siya palang mommy ni Darylle ay mas lumakas ang kaba na nararamdaman niya.

"Oo Eloisa! Sumunod kana lang sa akin at nasa may counter ko na ang kanyang breakfast".......wika pa ni Lizel na tumango nalang si Eloisa.

Nang makuha na ni Eloisa ang tray kung saan nakalagay ang pagkain ng mommy ni Darylle ay halos hindi niya maihakbang ang kanyang mga paa habang naglalakad ito palapit sa may private office...

MILLER SERIES 1...DARYLLE...BE MY LADY......BY EMMZ(emzalbino)...Where stories live. Discover now