Chapter 12

11.6K 256 3
                                    

MILLER's SERIES 1
BE MY LADY
"DARYLLE"
By..emzalbino

"Please sit down Eloisa"......wika ni Darylle saka inakay si Eloisa sa may silya kaya walang nagawa ang dalaga kundi umupo ito..

"Thank you po sir"....nahihiyang sagot ni Eloisa saka bantulot na umupo ito..

"Hmm Eloisa kanina ko pa napapansin na panay ang "po" mo sa akin at ang pagtawag ng sir?....maya maya ay sabi ni Darylle habang nilalagyan nito ng pagkain ang pinggang disposable na kinuha nito sa cabinet kung saan nakatago ang mga mga disposable cups and plate at ang ilan pang mga kailangan niya.

"Kasi po ay on duty ako".....walang alinlangang sagot ni Eloisa.

"Eh tayong dalawa lang naman ang naririto ah kaya pwede bang alisin mo muna ang pagtawag mo sa akin ng sir at ang "po" mo"......nakikiusap na wika ni Darylle sa dalaga..

"Kung iyan ang gusto mo Dar..Darylle"....nauutal at mahinang nigkas ni Eloisa sa pangalan nito at hindi sinasadyang napatingin siya sa binatang kausap at gayun nalang ang pagkabog ng kanyang dibdib ng magtama ang kanilang mga mata habang kaytamis ng ngiti ni Darylle nanakatitig sa kanya..

Namumula ang mukhang binawi ni Eloisa ang tingin nito kay Darylle. Hindi niya alam kung saan niya ibabaling ang tingin dahil pakiwari niya ay nakapagkit ang mga mata ni Darylle sa kanya.

Hindi mapigilan ni Darylle ang mapangiti sa tuwing nakikitang nag ba blush ang mukha ni Eloisa at gustong gusto niya itong haplusin ngunit pinipigilan niya ang sarili dahil nahihiya siya na baka sabihin ng dalaga o isipin na sinasamantala nito ang pagkakataon kaya hanggang titig at tingin nalang siya sa dalaga..

Kanina pa niyang pinakikiramdaman ito na kung hindi niya kibuin ay hindi magsasalita, kaya ng malagyan niya ng pagkain ang pinggan ng dalaga ay hinila niya ang usang bakanteng silya saka naupo sa may katapat ni Eloisa na halos magkadikit na ang kanilang mga tuhod dahil sa harap nalang sila ng mesa puwesto..

"Eloisa kumain ka lang huh para magkalaman ka medyo payat ka kasi"......ani Darylle habang tinitingnan ang pagnguya ng dalaga dahil sa tuwing galaw ng bibig nito ay lumilitaw ang magkabilang dimple niya na mas lalo pang nagpadagdag sa kagandahan ng dalaga..

"Salamat".....tanging wika ni Eloisa na patuloy lang sa pagkain..

Habang kumakain sila ay biglang nagulat si Eloisa ng biglang haplusin ni Darylle ang gilid ng kanyang labi kaya naman nanlalaki ang kanyang mga matang napatingin sa binata na noon ay nakapagkit ang mga mata nito sa kanyang mukha.

"Eloisa may dumi ka sa gilid ng iyong labi".....maya maya ay wika ni Darylle saka ipinakita ang gravy ng adobong manok kaya napayuko sa pagkakapahiya si Eloisa dahil akala niya ay hahagkan siya ng binata.

"Sa...salamat"......hindi makatinging sagot ni Eloisa.

"It's okay"....nakangiting sabi ni Darylle saka itinuloy ang pagkain at panaka nakang tinititigan ang mukha ng dalaga at sa tuwing magtatama ang kanilang paningin ay parang gusto niya itong yakapin ngunit pinipigilan niya ang kanyang emosyon dahil hindi dapat niyang gawin iyon dahil unang una ay ayaw niyang magalit sa kanya ang dalaga at pangalawa ay ikakasal na siya..

"Yes im getting married soon, but i felt like this? Why there's a doubt on me?......tanong ni Darylle sa sarili.

Patingin tingin si Eloisa sa kanyang relong pambisig na napansin ni Darylle kaya.

"Don't worry Eloisa sagot kita kaya you can go back later"......pagpapakalma nito sa pag aalalang nararamdaman ng dalaga kaya naman ng matapos niyang sabihin iyon ay medyo umaliwalas ang aura ng mukha nito.

"Salamat Darylle".......tanging wika ni Eloisa.

"Eloisa diba may dalawang araw na day off ka?......biglang tanong ni Darylle sa dalaga.

MILLER SERIES 1...DARYLLE...BE MY LADY......BY EMMZ(emzalbino)...Where stories live. Discover now