Chapter 4

12.3K 263 1
                                    

MILLER's SERIES 1
BE MY LADY
"DARYLLE"
By...emzalbino

Walang pagsidlan ang tuwang nadarama ni Eloisa ng mga sandaling iyon at nang kanyang pamilya dahil sa pagkakatanggap niya sa inaplayan niyang trabaho..

"Anak eh wag ka nalang kaya magtinda sa palengke at ihanda mo nalang ang mga dadalhin mong gamit para sa pagluwas mo at mas maganda kung sa Linggo ng madaling araw ka luluwas para maaga kang makarating doon at may kunting ipon ako rito na siyang gagamitin mo upang may allowance ka!....wika ni Along Lourdes na ikinatango naman ni mang Turing...

"Baka kailangan naman ninyo ng pera inay!....alalang sabi ni Eloisa sa kanyang inay..

"Hay naku anak kung sakali mang mangailangan ako ng pera eh pwede akong humiram sa pinaglalabahan ko o kaya ay sa mga kakilala natin rito eh samantalang ikaw roon eh wala ka pang gaanong kilala at nang mayroon kang pang renta ng bahay o kahit bed spacer lang na mauupahan mo roon dahil tiyak na hindi kasali ang accommodation sa inyong trabaho kaya mas maigi nang may pera kang dala para hindi ka magmukhang kawawa roon pagdating mo"...muling saad ni aling Lourdes..

"Sabagay tama po kayo inay at wag kayong mag alala dahil pag nakasahod na ako ay ibabalik ko rin ang perang ipon mo para maitago mong muli"...nahihiyang sabi ni Eloisa sa ina saka tinulungan na ang kanyang inay sa pag aasikaso ng mga panindang kakanin..

.....

Hermoso Resort....

Habang abala ang mga empliyado at empliyada ng Hermoso Resort ay abala rin sin Darylle sa pag aasikaso sa nalalapit nang kasal nila ni Mayeth..

"Jake kumusta na ang hotel nakahanda na ba ang lahat?...tanong ni Darylle kay Jake..

"Handang handa na at sa Lunes ay magdadagsaan na ang mga bagong empliyado't empliyada na natanggap and im sure na magugustuhan ng mga turista ang bagong tayong building dahil kakaiba ito sa lahat dahil tanaw na tanaw mula rito ang magandang view ng resort!...pagmamalaking wika ni Jake saka naupo sa may silya..

"Okay good! Pasensiya kana kung hindi ko masyadong naaasikaso ang mga ibang detalye sa opisina alam mo namang abala ako sa nalalapit kong kasal"...nakangiting turan ni Darylle kay Jake na noon ay napangiti rin..

"Kitang kita nga sa mukha mo eh!...natatawang wika ni Jake at nagulat sila ng biglang may sumingit sa kanilang usapan..

"Well! Para sa akin lang my dear twin brother eh kilatisin mo munang mabuti ang bride to be mo kuno dahil baka may itinatagong lihim iyan!...nakataas ang kilay na sabi ni Darlene habnag nakahalukipkip sa may pinto at nakatingin ng deritso sa kanyang kapatid..

"What do you mean Darlene! Wag kang gumawa ng issue at kung ayaw mo kay Mayeth ay hindi ko siya ipinagpipilitan sayo kaya wag na wag mong sisiraan sa harap ng ibang tao dahil in three years na mag on kami ay ni wala akong nakita o nalamang anumang hindi magandang ginawa niya! You've better shut up your mouth kung wala kang ibang masabi dahil i don't need your opinion!...bulyaw ni Darylle sa kanyang kambal na noon ay parang wala lang sa kanya ang ginawang pagsita ng kapatid at nagkibit balikat pa ito at naupo sa isang bakanteng upuan..

"Hindi ko naman sinisiraan ang iyong fiancee eh! Concern lang naman ako,but anyway if you don't believe me it's up to you but pagdating ng araw ay wag na wag mo akong sasabihan na hindi kita pinaalalahanan dahil baka mabali ko pa ang iyong leeg"....prangkang sabi nito sa kapatid saka binalingan si Jake na tahimik lang sa kanyang tabi...

"Hi Jake!...nakangiting turan nito sa binata..

"Hello Darlene kumusta!...simpleng sagot ni Jake saka bahagyang napasulyap sa hita ng dalaga na mmahahaba at bilugan dahil ang suot nitong short ay halos kita na ang singit at ang suot pa nitong t shirt at halos malantad na ang dibdib nito ngunit bigla ring binawi niya ang tingin dahil nasa harap siya ng kapatid ng dalaga..

MILLER SERIES 1...DARYLLE...BE MY LADY......BY EMMZ(emzalbino)...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon