Chapter 18

11K 227 4
                                    

MILLER's SERIES 1
BE MY LADY
"DARYLLE"
By...emzalbino

"Monica anak come back here! Wait let me explain everything please!.....nagmamakaawang habol ni Mayeth sa anak nitong nagtatakbo ngunit parang bingi lang ang bata at patuloy sa pagtakbo sa loob ng bahay..

"No! Your liar! Liaaarrr!....sumisigaw habang tumatakbo na walang patida ng luhang naglalandas sa mga mata ni Monica at ng saktong bubuksan sana niya ang gate ay sakto namang papasok si donya Carmen na nagtataka sa itsura ng kanyang apo..

"Apo ko what's happening here? Bakit ganyan ang itsura mo? Why are you crying?....sunid sunod at nag aalalang tanong ni donya Carmen at ng tangkain ni Mayeth na lumabas ng gate ay agad na pinigilan siya ng donya na noon ay parating na rin si Mayeth..

"Mayeth anong nangyayari dito? Bakit nagtatakbong umiiyak si Monica? Ano ba ang nangyari sa kanya?....hindi mapalagay natanong ng donya.

"Mommy i tell her the truth about her and me, ipinagtapat ko sa kanya ang totoo niyang pagkatao dahil hindi ko na kaya pang dalhin sa dibdib ko ang bigat sa tuwing nagsisinungaling ako sa kanya, nasasaktan ako sa tuwing sinasabi niyang nangungulila siya sa tunay niyang ina samantalang nasa tabi lang niya ako at abot kamay niya ngunit dahil sa kasinungaling ginawa ninyo ay parang napakalayo ng aming agwat at ni hindi ko man lang maipadama sa kanya ang nararamdaman ko bilang ina dahil nakilala niya ako bilang tiyahin lang niya! Kay sakit mommy na tawagin ka ng iyong anak na tita samantalang may kalayaan naman siyang tawagin akong mommy,kung sana noon pa ay itinama ko na ang lahat,hindi na sana humantong pa sa ganitong sitwasyon,sana ay malaya kong nabibigkas sa kanya ang salitang anak,sana noong unang magsalita sana siya ay mommy ang unang nabigkas niya pero hindi nangyari ang lahat ng pangarap ko para sa aking anak dahil pinagkaitan ninyo ako ng karapatan bilang isang ina sa aking anak!....lumuluhang saad ni Mayeth sa kanyang ina.

"Bakit Mayeth kung hindi namin ginawa ang lahat ng iyon, kaya mo bang tumayo sa iyong mga paa? Lumaki bang ganyan ang iyong anak? Gumising ka sa katotohanan Mayeth! Dahil kung hindi ka sa naging suwail na anak, sana hindi naging ganito ang sitwasyon natin! Pinairal mo ang katigasan ng ulo mo na sa akala mo ay kayang kaya mo kaming kalabanin ng iyong ama! Umibig kana sa lalaking ni kahit pambili lang galunggong ay ni hindi pa yata niya kayang bumili at ang tanging ipinagmamalaki ay ang kanyang hitsura! Bakit Mayeth kung hindi namin ginawa ang lahat ng ito sayo noon, Nasaan kana ba kaya ngayon huh!?......nanggagalaiting bulyaw ni donya Carmen kay Mayeth na napatingin sa kanila si Monica at hindi niya maintindihan ang mga pinagsasabi ng dalawa..

"Minahal ko si Troy kahit na alam kong mahirap lamang siya dahil alam kong maibibigay niya ang kaligayahang aking inaasam pero naging makitid ang inyong pang unawa dahil hinusgahan ninyo siya ayon sa kanyang estado ng buhay! Bakit mommy wala na ba siyang karapatang umibig sa isang tao na may nakakaangat sa kanya? Ang alam ko ay bawat tao ay may karapatang umibig at ibigin, peto dahil sa inyong batas ay naging isa siyang salarin, masahol pa sa kriminal ang tingin ninyo sa kanya at pilit ninyo kaming punaglayo kahit na alam na ninyong ipinagbubuntis ko noon si Monica!....sigaw ni Mayeth ng hindi na niya kaya pa ang bigat ng dibdib sa pag alala nito sa kanyang nakaraan...

PAK!...PAK!...mag asawang sampal ang dumapo sa magkabilang pisngi ni Mayeth dahil sa mga sinabi na siya g sanhi ng pagdugo ng kanyang labi..

Gilalas naman si Monica sa nakitang pagsampal ng kanyang lola sa kanyang tita Mayeth na ngayon ay sinasabing ina nito..

"Napakatogas talaga ang ulo mo Mayeth! Tapos na nga ang isyu na itan ngunit pilit mong inuungkat! Bakit umaasa ka pa ba na babalik si Troy?! Tonta! Wala ka ng aasahan sa lalaking iyon kaya ang dapat mong gawin ay ipukos mo ang iyong sarili kay Darylle dahil siya ang lalaking gusto ko para saiyo dahil lumaki siya sa kilalang pamilya at mararangal na tao ang kinabibilangan nila kaya wag mong sayangin ang pagkakataon dahil pag nakasal na kayo ay maaaring masuportahan ng pamilya Miller ang kampanya ng iyong ama sa pagtakbo niya sa susunod na taon bilang alkalde ng lalawigang ito!....

MILLER SERIES 1...DARYLLE...BE MY LADY......BY EMMZ(emzalbino)...Where stories live. Discover now