Chapter 1

33.9K 412 4
                                    

MILLER's SERIES 1
BE MY LADY
"DARYLLE"
Chapter 1...

"Hi babe!....masayang bati ni Mayeth kay Darylle na noon ay abala sa harap ng computer sabay dampi ng halik sa labi nito..

"Hello babe!...masayang sagot ni Darylle saka pinatay nito ang kanyang laptop at hinarap ang maganda at kaakit akit nitong nobya..

"Hmm akala ko hindi muna tatalikuran iyang laptop mo"...kunwari ay nagseselos na wika ni Mayeth saka tumakilod ito kay Darylle..

"Ha ha ha!..no babe walang sinumang makakapalit sayo dahil sayo lang ako!...nakangiting turan ni Darylle saka niyakap sa likod ang nobya at hinagkan nito ang batok na siyang ikinatili ni Mayeth..

"Babeee!...may kiliti ako diyan eh!...nagpupumiglas na wika ni Mayeth habang panay ang tawa nito sa pagkiliti ni Darylle sa kanya kaya naman mas lalo pang kiniliti ni Darylle ang nobya..

"Well tingnan ko nga kung makakapalag ka hahaha!...ani Darylle saka binuhat ang nobya at inikot ikot ito kaya namam panay ang tili ni Mayeth saka mahigpit na kumapit sa leeg ng nobyo..

"Babe ibaba mo na ako nahihilo na ako eh!...hinihingal na saad ni Mayeth habang nakakapit parin sa leeg ng nobyo..

"Bayad mo muna bago kita ibaba!...ani Darylle na may pilyong ngiti sa kanyang labi..

"I don't have cash!,..cheque gusto mo?...ganting biro ni Mayeth dahil alam niya ang tinutumbok ng nobyo..

"Ayaw ko ng cheque,i want cash iyong malutong!...muling sabi ni Darylle na ngumiti ng pagkatamis tamis na siyang tumunaw sa puso ni Mayeth..

"Iyon lang naman pala eh!...ani Mayeth at walang sabi sabing inangkin nito ang mga labi ni Darylle at agad naman nitong tinugon at ng mangalay sa pagkarga sa nobya ay ibinaba na niya ito saka niyakap ng mahigpit habang magkahinang ang kanilang mga labi....

"I love you babe!...bulong ni Darylle kay Mayeth..

"I love you too babe!...tugon naman ni Mayeth saka muling naghinang ang kanilang mga labi at habang tumatagal ay mas lumalalim ang kanilang halikan at ng maramdaman ni Darylle na parang nadadala na siya at nawawalan na siya ng kontrol ay agad siyang kumawala sa nobya dahil ayaw niyang masira ang kanyang plano, ang iharap sa altar ang kanyang nobya na buong buo....

.....

Samantala sa probinsiya ng Albay ay hikayos ang pamumuhay nila Eloisa at tanging high school lang ang kanyang natapos..

Tatlo silang magkakapatid at siya ang panganay,.. Sa edad niyang biente kwatro ay siya ang laging kasa kasama ng kanyang inay sa paghahanap buhay dahil ang kanilang ama ay hindi na nito kaya pang magtrabaho at bagkus ay pinapagamot pa ni Eloisa dahil sa naparalitiko ito ng maatake sa sakit ng puso...at ang nanay niya ay labandera kaya siya naman ay tumutulong sa pagtitinda ng mga kakanin sa bahay bahay at sa palengke..

"Inay ito iyong napagbentahan ko ng kakanin, dalawang daan nalang pi ang natira kasi bumili pa ako ng tatlong kilong bigas para bukas!...saad ni Eloisa sabay abot ng pera sa kanyang inay na si aling Lourdes...

"Salamat anak! Bukas ay check up ng inyong itay kaya kakailanganin ko ang pera para may pambayad tayo sa doktor at pambili na rin ng mga gamot niya"...ani aling Lourdes saka nilagay sa pitaka ang perang bigay ni Eloisa..

"Walang anuman po inay basta ang importante ay gumaling na si itay at makaraos tayo araw araw sa kahit simpleng grasya lang ang ating natatanggap mula sa Diyos ay buong puso na po akong nagpapasalamat sa Poong Maykapal dahil hindi Niya tayo pinapabayaan at gagawin ko po ang lahat upang makaahon tayo sa hirap at nais ko po sana na makatapos ang dalawa ko pang kapatid, sina Sally at Roy sa kanilang pag aaral kaya pagbubutihin ko pa ang pagtitinda para makaipon ako ng pang matrikula nila"....saad ni Eloisa sa inay nito na siyang naging dahilan ng pagdaloy ng kanyang mga luha..

MILLER SERIES 1...DARYLLE...BE MY LADY......BY EMMZ(emzalbino)...Where stories live. Discover now