49- Meet JM and AK

6.7K 191 50
                                    

Hindi sa pagiging OA, I got teary-eyed while writing this last Chapter. I really love Vice and Karylle. Alam mo yung pakiramdam na sana totoo na lang lahat ng sinulat ko.

Sa pagtatapos ng kabanata ng ONE DAY, taos puso akong nagpapasalamat sa mga taong patuloy na nagbabasa at walang sawang nagaabang ng mga updates ko. Alam mo yung kahit pagod ako from work, I will do all my best para lang mailathala ang bawat kabanata ng istoryang ito. Dahil alam mo yung after kong ipublish ang bawat kabanata nakakawala ng pagod ang makita ang mga votes at comments niyo. Isa lang yun na patunay na napamahal na kayo sa aking istorya.

Walang paglagyan ang saya ko, salamat sa naging mga kaibigan ko. Kay JMloveAk at mikpot na lagi kong kausap sa FB. Iloveyou mga ses.

Sa mga nagfollow sa akin, nag add sa FB at twitter. Salamat po.

You can find me in FB: Shaira Luane

Twitter: @Shairaluane

Hanggang sa muli nating paglalakbay sa nakakalokang love story ng Vicerylle.

Abangan natin sila muli sa When the PONY meets the TEASER

Thanks a lot mga ses.

♥♥♥

Dalawang buwan na ang nakalipas  ng ikasal sila apat na buwan na ang tiyan ni Karylle at sobrang laki na nito para sa apat na buwan. Kasalukuyan silang nasa mall ngayon para tumingin ng mga gamit ng magiging baby nila. Excited na silang pumasok sa store.

"Hi Mam Hi Sir good afternoon po. Omg Mam Karylle ikaw po ba yan? Tagahanga niyo po ako sobra." Magiliw na bati sa kanila ng saleslady ng store. Ang laki ng ngiti nito dahil nagulat siya na nakita niya ang idol niya.

"Hi good afternoon din." Nakangiting bati din ni Karylle.

"Ang ganda niyo naman pong buntis mam Karylle, malamang po isang magandang baby girl ang dinadala mo mam." Papuri nito kay Karylle, glowing kasi ang skin ni Karylle ngayon sobrang kinis ng mukha niya na mamula-mula pa. Ang iba kasing nagbubuntis nangingitim ang mga singit, leeg at kili-kili pero sa kanya flawless pa rin.

"Talaga feeling mo babae ang baby namin?" curious na tanong ni Vice sa saleslady.

"Oo sir sure na sure ako. Pag lalaki kasi maitim dapat leeg ni Mam pero tignan mo walang bahid ng kaitiman." Sagot nito, tinitigan nga ni Vice ang asawa niya tama nga makinis pa din si Karylle. Walang pinagbago lalo nga itong kuminis eh.

"Oh sige samahan mo kami mamili ng mga gamit na pwede sa baby girl." Pakiusap ni Vice, sinundan nila ang saleslady at dinala sila sa baby girl's section ng store.

"Ah Vicey ko ang cute nilang lahat. Gusto ko kulay pink lahat ng gamit ni baby ah." Napahawak si Karylle sa braso ni Vice at masayang inilibot ang mga mata niya sa mga iba't ibang gamit na pwede nilang bilhin. Nagsimula na sila tumingin para mabili na ang pwede nilang bilhin ngayon, pagkatapos kasi nito lilipat naman sila sa furniture store.

 After kasi ng kasal nila ipinaayos nila ang bahay nila maliit na kasi ito para sa kanila, inextend ang likod nito para magkaroon pa ng dalawa pang kwarto. Total renovation din ang gagawin kasi para mas lumaki ang master's bedroom nilang mag-asawa, ang kwarto dati ni Karylle ay gagawin na talagang guest room at magpapagawa din sila ng isang maliit na kwarto para kay Melai. Siya na kasi ang magiging kasambahay nila para katulong ni Karylle sa gawaing bahay.

Kaya doon sila sa bahay ni Nanay Rosario ngayon nakatira habang ginagawa pa ang bahay nila. Masaya naman ang matanda dahil kasama niya si Karylle sa bahay at maalagaan niya pa ito. Aabot kasi ng tatlong buwan ang pagpapagawa ng bahay nila next month pwede na ulit sila bumalik doon.

One Day | VicerylleWhere stories live. Discover now