Forty-two

4.6K 137 10
                                    

Hannah

Pakiramdam ko isang buong taon na akong gising. Kahit anong pilit kong matulog, hindi ko magawa. Ayaw ko ring matulog kahit na inaantok na ako. Ngayon lang ako naging masaya ng ganito, matutulog pa ako?

Nangati bigla yung ilong ko. Kakamutin ko dapat, kaso nakatali pala yung kamay ko sa headboard ng kama. Sinubukan kong tumayo para ilapit yung ilong sa kamay ko pero nang tumayo ako ay nawalan ako ng balanse kaya nalaglag na lang ako sa gilid ng kama.

Natawa ako. Ang sakit naman no'n. Gusto ko pa.

Sinubukan kong tumayo uli pero hindi ako kaya ng mga paa ko. Kaya tumawa na lang ako.

"Tang n—Patahimikin niyo nga 'yon!"

Nakatingin ako sa sahig kaya nakita ko yung sapatos ng lalaking lumapit. "Apat yung paa mo. Bakit apat yung paa mo?"

May humawak sa magkabilang braso ko at tinulungan ako pabalik sa kama. Inangat ko ang tingin ko para magpasalamat. "Thanks."

Malungkot yung mga mata niya nang ngitian ako. Pero lumabas yung dimples niya sa pisngi kaya doon na lang ako nag-concentrate. Natuwa ako lalo at gusto kong i-share sa kanya yung kasiyahan ko. "Migs. Migs, nasasaktan ako pero bakit ang saya-saya ko?"

"Matulog ka na lang."

"Hindi ako makatulog dahil sobrang saya ko. Sana habambuhay na lang akong ganito kasaya." As if to prove a point, tumawa ako.

Nagsalita uli yung iritableng lalaki kanina. "Bwisit naman, Albert. Sinabi na sa'yong patahimikin mo yan eh!"

"Matulog ka na, Hannah," nagmamakaawang sabi ni Migs.

"Mm-kay." Habang unti-unting sumasara yung mga mata ko, medyo nagkaroon ako ng ilang moment ng clarity. Nakangiti pa rin siya sa akin para pakalmahin ako pero alam kong hindi siya ang taong akala kong kausap ko. Everything about him is wrong. Mali yung mga mata, yung gupit ng buhok, yung kulay ng balat, maging yung dimples niya, mali.

Kaya nga sa kalagitnaan ng kasiyahan, naramdaman ko pa rin yung sakit.

❈    ❈    ❈

Nagising ako sa isang malakas na tunog. Babagon ako dapat kaya nga lang nakaposas pala ang mga kamay ko sa kama. Ang bilis ng tibok ng puso ko at sobrang aware yung senses ko. Nakasanayan ko na yung pakiramdam, enough to know that I'm coming down from the high. Gaano katagal na ba ako rito? Parang sobrang tagal na pero sigurado akong araw pa lang ang binibilang ko.

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang galit na galit na si Lando. Siya siguro ang gumising sa akin. Nagdadabog siguro siya sa labas.

Nang makita niya akong gising ay dumiretso siya sa direksyon ko. "Aba, gising ka na pala, Hannah. May sorpresa ako sa'yo."

May pumasok uli sa pinto pero hindi ako tumingin doon. Dinirekta ko lahat ng bakanteng tingin ko kay Lando pati na rin doon sa kalmot niya sa pisngi niya. Iyon na lang ang masasabi kong naging victory ko. Kaso dahil din doon kaya ako nakaposas ngayon. Kung malaya ko lang na nagagamit ang dalawa kong kamay, makakalaban pa ako sa lahat ng kahayupan na 'to.

Kaso hindi rin pala. Lagi silang may ini-inject sa akin. Drugs. Shabu. Sobrang dami, para maging pliant yung katawan ko at para maging manhid ako sa mga nangyayari. Mas gusto ko pang nakakaramdam ng sakit kesa maligaw sa sarili kong isip. Nagulat nga ako dahil unang beses simula ng makuha ako na hindi nila ako tinurukan ng kahit ano. Hinahanap ko na tuloy ito. Nanginginig na ang mga kamay ko, anticipating the shot. Craving for it. Pero walang dumating.

I'm not fighting anymore. Pagod na akong lumaban. Tinatanggap ko na lang ang lahat ng ibinibigay nila sa akin. Sumuko na ang isip ko. Hinihintay ko na lang na sumuko ang katawan ko. Maybe then, I can know peace.

The Sweetest EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon