Thirty

5.7K 184 11
                                    

(Happy birthday ate Dory! Ito na lang gift ko sa'yo. I hope you like it. :*)

Hannah

Pagdating talaga kay Migs, kailangan ihanda mo ang sarili mo sa mga sorpresa niya.

Ine-expect kong magjo-joyride kami at pupunta sa mall dahil, iyon naman ang ginagawa sa date 'di ba? Kaya nga gulat na gulat ako nang dalhin niya ako sa kubo kung saan sila madalas tumatambay ng mga katrabaho niya kapag natutulog sila sa tanghali o kaya nag-iinuman sa gabi.

Inaalalayan ako ni Migs sa paglalakad. Paano ba naman kasi, heels ang ipinasuot sa akin. Nang utusan niya akong suotin ang mga hinanda niyang damit, inisip ko na naghalungkat siya ng drawer ko. Nagulat na lang ako nang makakita ng isang napakagandang dress at shoes doon. May tag pa pero tinanggal na yung presyo.

May kasama rin itong note:

Favorite color mo, 'di ba?

Hindi ko masasabing ako ang pumili ng lahat ng items. Humingi ako ng tulong. Sana magustuhan mo.

Tinitigan ko ang sulat-kamay niya. Ewan ko ba kung bakit big-deal sa akin pero pang-doktor talaga ang sulat niya. Halos hindi ko mabasa ng maayos pero naintindihan ko rin naman kaagad. Katulad ng nagsulat.

Namangha ako sa dress. Itim iyon, mataas ang neckline at short-sleeved. Nang isukat ko na ay sakto lang siya sa akin. Nagtataka lang ako kung ganoon ba talaga kaiksi ang laylayan nito na palobo. Nagtatapos ito isang dangkal pataas, mula sa tuhod ko. Yung sapatos naman ay itim rin. Open-toed at strappy. Katulad ng dress, perfect fit. May kasama pa itong bangles and earrings, black and white pareho.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa buhok ko kaya tinali ko pataas para na rin ma-emphasize yung hikaw. Light touches ng makeup. Napansin ko kasing mas pabor siya doon.

Pumunta ako sa banyo at tumingin sa full-length mirror doon. Nanikip ang dibdib ko sa nakita ko. Ang desente kong tingnan. Parang yung mga babae sa school na parang ang tanging problema lang sa buhay ay kung unat pa ang buhok nila o kung maayos pa ang lipstick nila. Mukha akong presentable. I never imagined I could be that girl, and for a moment, I was.

Dahil sa lalaking ito.

Nagkaroon ako ng tiyansang pagmasdan siya kanina pagbaba ko sa kusina. Mukha siyang model na hinila mula sa brochure. Imbis na ang usual na puting T-shirt, nakasuot siya ng light blue dress shirt na nakatupi hanggang siko niya. Undone ang unang butones ng shirt and somehow that added to the appeal. Naka-jeans pa rin siya pero hindi yung jeans niya na pantrabaho. Iyon yung tipo ng jeans na susuotin mo kapag gagala ka. Yung susuotin mo kapag may importanteng okayson.

Napangiti ako sa image niya. Sa getup niya parang pinapaalala niya sa akin na hot siya kahit ano pang isuot mo sa kanya. Hell, kahit itim na basurahan pa ang isuot niya, hot siya sa mga mata ko.

Hindi ko nga lang aaminin iyon sa mukha niya.

Pagdating sa kubo ay nakita ko si Barney sa may pasukan, nakasuot ng uniform ng waiter at naka-pomada ang buhok.

Tumawa ako. "Barney?"

Napansin kong nag-twitch ang gilid ng labi niya pero pinigilan niyang tumawa. "Ma'am." Tinuro niya ang nametag sa dibdib niya.

Ako naman ang nagpigil sa tawa. "Sorry. Benito. Anong teatro ang sasalihan mo't para kang penguin na Elvis Presley?"

Sa tabi ko, nagpanggap si Migs na umuubo, nakayukom ang palad at nakatakip sa bibig niya.

Parang gusto ni Barney na sagutin ako dahil bumuka na ang bibig niya, nakahandang magsalita pero napunta ang atensyon niya kay Migs na sumesenyas gamit ang hintuturo na idinaan sa harap ng leeg niya.

The Sweetest EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon