Three

9.9K 242 13
                                    

Migs

Kung may mga tao man sa mundong ito na hinihiling kong makita muli, isa sa mga iyon ay si Hannah.

Alam kong bata pa kami noong magkakilala't magkahiwalay kami pero may nakita ako sa batang Hannah na tumatak sa isip ko na hanggang ngayon nakikita ko pa rin sa Hannah na nasa harap ko.

Iyon ay ang lungkot sa mga mata niya. Kung mayroon mang nagbago sa loob ng labintatlong taon, iyon ay ang pagiging mas malungkot niya ngayon.

Ewan ko ba kung bakit tila isa akong gamugamo na laging lumalapit sa kanya. Kahit noong mga bata pa kami, hindi ko siya naiwan, laging iniisip na mapapasaya ko siya sa isang scoop ng ice cream. Panandaliang saya lang ang dulot ko noon pero nang makitang nagningning ang mata niya, alam ko na may pag-asa pa sa kanya. Makikita ni Hannah ang kasiyahan kung patuloy kong ipapakita sa kanya.

Ngunit hindi siya makakatagpo ng kasiyahan kung magpapatuloy siya sa pagtatrabaho sa lugar na 'to.

"Bitawan mo nga ako!" sigaw niya.

Sinunod ko ang utos niya at kalmadong nagtanong. "Bakit mo dito naisipang magtrabaho? Kung kailangang kailangan mo talaga ng trabaho edi magtrabaho ka sa akin, at least kapag gano'n mababantayan kita. At mas lalong hindi ka hinahawak-hawakan."

May nasabi ata akong mali dahil biglang pumait ang expression niya. "Ayokong magtrabaho sa'yo. Isa pa, anong gagawin ko 'don? Tagabuhat ng sako ng pakain sa kabayo? Tagalinis ng hawla? No thank you."

Maglalakad siya pabalik ng bar pero hinarangan ko ang daan niya. "At least walang mambabastos sa'yo."

Tinaasan niya ako ng kilay. Binibilang ko kung ilang beses niya nang ginagawa iyon sa akin at so far, ika-labimpito na iyon. "Anong tawag sa ginagawa mo ngayon? Hindi ba iyan pambabastos? Nanghihimasok ka sa buhay nang may buhay. Ni hindi nga kita kaibigan para pag-aksayahan mo ako ng panahon kaya pwede ba, mind your own business?"

Bumalik siya sa loob ng bar. Kung inaakala niyang ganoon kadali lang akong susuko sa pagpoprotekta sa kanya, doon siya nagkakamali.

Nagtungo uli ako sa lamesa namin at pinagpatuloy ang pagmamasid kay Hannah. 'Di ko lang talaga maalis ang urge na protektahan siya. Sure, matatag siya. Kaya niyang alagaan ang sarili niya. Iba pa rin ang sigurado. Isa pa, despite the attitude, kitang kita ko na tinatago niya ang vulnerability niya.

"Insan, girlfriend mo?" tanong ni Jon-Jon.

"Hindi."

"Bakit kung makatingin ka para kang makakapatay ng bawat lalaki dito?"

"Tumahimik ka nga, Jon kundi ikaw sasapakin ko. Kanina mo pa tinititigan yung dibdib niya," naiirita kong pagbabanta.

Sa may gilid ng bar, nakita kong kinakausap ni Hannah ang may-ari ng Nymph. Tinignan ako ng masama ng manang at alam kong ako ang dahilan kung bakit sila nag-uusap. Sana nga sibakin na niya si Hannah sa trabaho para 'di na ako nag-aalala ng ganito.

"Bakit ba? Libre ang tingin sa lahat dito. Kung ayaw mong tignan ng mga tao ang girlfriend mo, 'wag mong pagtrabahuhin dito. Tsaka bakit ba siya dito nagtatrabaho eh kaya mo naman siyang suportahan?" Tumungga ng alak si Jon-Jon pagkatapos ng tanong niya.

"Hindi ko siya girlfriend," ang tanging nasagot ko sa lahat dahil iyon lang naman talaga ang kasagutan sa mga iyon.

Isa pa, kakaalis ko lang sa isang relasyon at 'di pa ako handang pumasok sa bago. Hanggang ngayon sariwa pa ang sugat na iniwan ni Claire nang ipagpalit niya ako sa iba. Mahal na mahal ko si Claire. Lahat ng nakuha ko ngayon ay pinagtrabahuhan ko para sa kanya at sa magiging kinabukasan namin. Nag-iisip na nga ako ng kasalan at kung anu-ano pa. Maraming nagsasabing bata pa kami para doon pero hindi ko sila pinakinggan. Masyado akong nabulag sa naipinta kong kinabukasan, hindi ko nakita kung ano ang nasa harapan ko.

The Sweetest EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon