Fourteen

5.8K 174 4
                                    

Migs

"Claire?" Alam kong pwedeng hindi ko na itanong kung si Claire ang nasa harap ko dahil kilalang-kilala ko na siya. Naramdaman ko siyang malapit bago pa man niya tawagin ang pangalan ko. Isa iyon sa mga kaakibat ng matagal na relasyon namin. Yung tipong parang iisa kaming tao na alam ang bawat kilos ng isa't isa. Minsan nga nahuhulaan ko na ang gagawin o sasabihin niya bago pa niya ito gawin o sabihin. Ganoon ako ka-in-tune sa kanya.

Umupo siya sa tabi ko kahit hindi ko inalok ang upuan. Dumampi ang kamay niya sa braso ko. "Kumusta ka na?" Kung ipapapaliwanag niyo sa akin ang mukha niya, sasabihin kong kumikinang iyon. Sa totoo lang, iyon pa nga ang dahilan kung bakit ko siya minahal. Sobrang full of energy niya, masayang kasama, masarap kakwentuhan. Sana pala na-realize ko na hindi lang sa akin siya ganoon. Mas naging alerto sana ako. Masyado akong naging kumportable at sigurado sa relasyon namin kaya kahit kailan hindi ko inasahang lolokohin niya ako.

"Ayos lang naman." Napatingin ako kay Hannah para kasing ang bastos naman kung makikipagkamustahan ako kay Claire samantalang siya ang kausap ko kanina. Hawak niya ang isang menu at nakakunot ang noo habang binabasa ito pero alam kong aware siya sa aming dalawa base sa tensyon na karga ng balikat niya.

Sumunod si Claire sa tingin ko at medyo bumagsak ang ngiti niya. Nagkaroon ng isang look sa mukha niya na hindi ko maipaliwanag at bago ko pa man mapag-aralan pa iyon ng mabuti ay ngumiti uli siya saka in-offer ang kamay kay Hannah. "Pasensya na, hindi agad kita napansin. Nagulat lang ako dahil nakita ko uli dito si Migs. Ako si Claire. Girlfriend ka ba niya? Nakaka-istorbo ba ako sa date niyo?"

Hindi niya kinamayan si Claire. Ibinaba niya lang ang menu at tinaasan ito ng kilay. "Oo. Kung gusto mong makipag-usap sa kanya, gawin mo sa ibang araw. Hindi ngayon kung kelan kami nagse-celebrate ng monthsary, okay?"

Pareho kaming napanganga sa attitude ni Hannah. Halatang-halata din kay Claire na hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa "girlfriend" ko. "Ganoon ba? O sige. Hindi ko na kayo aabalahin pa."

Tumayo siya at sumabay ako. Nginitian ako ni Claire habang si Hannah naman ay pinandilatan ako ng mata sa ginawa ko. Hindi ko naman alam kung anong mali doon dahil ihahatid ko lang naman si Claire sa labas.

"Yung girlfriend mo..." pinahaba niya yung 'mo' habang iniisip niya ang susunod na sasabihin. "Kakaiba."

Napatawa ako sa description dahil iyon naman talaga ang salitang gagamitin ko kay Hannah. "Hindi ko siya girlfriend," paglilinaw ko. Ewan ko kung bakit ko ginawa iyon. Hindi ko lang siguro talaga kayang magsinungaling sa kanya.

Lumambot ang itsura niya. "Na-miss kita."

Wala akong naisagot sa sinabi niya. Bakit ngayon pa? Bakit ganito ang pinagtunguhan ng usapan namin? Pamilyar ang teritoryo naming ito dati pero tila napaka-unfamiliar na rin. Nasa maling sitwayon kami, nagsasabi ng maling mga salita sa maling tao.

Pwede kong sabihin sa kanya na na-miss ko rin siya ngunit ang panahon para sa mga salitang iyon ay tapos na. At kung aaminin ko, hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako sa ginawa niya. Parang gusto ko tuloy bumalik sa loob ng kainan at kalimutan na pumunta siya dito.

"Babalik na ako sa loob," ang tanging isinagot ko.

Kapansin-pansin na nasaktan siya sa sinabi ko, sa pagbabalewala ko sa sentimyento niya. Naawa ako nang makita iyon sa mukha niya. Gusto kong bawiin ang sinabi ko dahil ayaw kong nakikita siyang nasasaktan. Kaso nga lang alam ko rin na nakakaramdam ako ng satisfaction dahil nakikita ko siyang nasasaktan gaya ng kung paano niya ako sinaktan.

Tumango na lang siya saka ako tinalikuran. Kung luha ang mga nakita ko sa huling sandali na nakaharap siya sa akin, sana ay tumahan na siya. Sana ay maalagaan siya ng nobyo niya. Tutal iyon naman ang dahilan kung bakit niya ako iniwan-dahil hindi ko siya kayang alagaan, sabi niya.

The Sweetest EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon