Thirty-eight

3.8K 133 11
                                    

Hannah

"Anong gusto mong kainin? Gutom na ko."

Nakatulala ako nang magsalita si Rhys. Tumigil pala kami sa tapat ng isang convenience store sa tabi ng isang gasolinahan. Ginala ko pa ang mata ko sa paligid para makatiyak kung nasaan kami. SLEX area.

"Bilisan mo na lang para makabalik na tayo."

"Hannah."

Alam kong hinihintay niya akong mag-respond pero hindi ko ibinigay yung nais niya.

Nag-sigh siya. "Look, I know we have an open relationship. Pero I want you to know, nagselos ako sa kanya. You cried for him, and you told him the words. I just... sana makuha ko rin iyon mula sa'yo. Kaso alam kong I won't. Now I understand. Kung bakit hindi mo na ako kinausap. Kaya nga kung gusto mong bumalik, ibabalik kita."

"Wala nang maghihintay sa 'kin doon kapag bumalik ako," sagot ko.

"I don't think that's true." Nanatili sa tenga ko ang mga salitang iyon hanggang sa makapasok si Rhys ng convenience store.

Ang dami kong dapat isipin. Saan ako pupunta pagkatapos nito? Yung malayo-layo dapat. Yung unpredictable at importante sa lahat, tago. Para naman sa specifics, bahala na. Ayaw pang gumana ng isip ko para roon. Naiwan ko pa ata iyon sa daan kung saan nakita kong natapos ang lahat.

Mami-miss ko ang Batangas. Doon ko kasi naramdaman yung belongingness. Kahit saglit lang. Alam kong kahit hanapin ko pa iyon sa ibang lugar, sa Batangas lang talaga magiging tama yung feelings. Kasi nandoon yung tamang tao. And I just broke him.

Oh god, how I broke him.

Pero alam kong hindi katulad ko, makakabangon si Migs sa pangyayaring ito gaya ng kung paano niya na-overcome ang addiction niya. Ganoon kasi siyang klase ng tao—lumalaban.

At someday makakalimutan niya rin ako. Makakalimutan niya lahat ng pagtataray ko sa kanya maging yung mga araw na nagawa niya akong patawanin. Makakalimutan niya na minahal niya ako. Makakalimutan niya na sinaktan ko siya. At kahit kailan hindi niya malalamang minahal ko siya.

Sa kalagitnaan ng pagmumuni-muni ko, naramdaman kong kumulo ang sikmura ko. Sa sobrang pagmamadali kong umalis, nakalimutan ko nang kumain. Kung hindi pa ako papaalalahanan ng katawan ko, 'di pa ako kakain. Susundan ko na lang si Rhys at magpapabili. Masamantala na hangga't kaya ko pang magpalibre.

Paglabas ko ng kotse, may nalaglag na isang piraso ng papel. Napansin ko iyon na yung tsekeng inabot ni Lolo. Medyo malayo ang nilipad noon at dahil takot akong matangay iyon kung saan, hinabol ko ito. Nagulat na lang ako nang may pumulot nito kasabay ko.

Halfway sa pagtayo, natigil ako. Kilala ko ang braso na 'yan. It's not hard to identify the tattoo sleeve.

Paano niya ako nasundan hanggang dito? Sa dami ng sasakyang dumadaan, bakit dito pa?

Una siyang tumayo nang tuwid at binasa ang tseke. Kinailangan pa niyang mag-squint at ayusin ang balance niya. Paniguradong under the influence si Papa. Nabubulol pa siya nang sabihing, "Hindi ko alam kung anong ginawa mo para makalikom ng ganito kalaking pera, pero ang galing mo, anak."

Hindi ako umimik.

Suddenly, nakaramdam ako ng presensya sa likod ko. Sobrang lapit, halos nakaplaster na ang harap niya sa likod ko. Tumaas ang balahibo ko sa batok. Hihiwalay dapat ako kaya lang biglang nagkaroon ng malamig na bagay na nakatutok sa ibabang parte ng likod ko. Metal. Kutsilyo?

Kinagat ng tao sa likod ang tenga ko. I shivered in disgust. "Hi Hannah. Na-miss mo ba ako?"

Nanigas ako nang marinig ang boses niya. Gusto kong tumakbo, gusto kong lumayo.

Mula sa gilid ng mga mata ko, nakita kong inagaw niya kay Papa ang papel. "Malaking halaga nga. Pero kulang pa rin sa lahat ng utang ng Papa mo. Alam ko na kung paano niyo mababayaran." Mas mahina para ako lang ang makarinig, "Naaalala mo ba, Hannah?"

Hinawakan niya ako sa bewang. Napatalon ako palayo pero hinigpitan niya ang kapit niya.

"Pinagtitinginan na tayo. Sundin mo ang iuutos ko para walang gulong mangyari. Pumasok ka sa van," utos niya.

Naglakad ako pero binagalan ko. Any moment now, pwedeng lumabas si Rhys. Makikita niya kami, mapipigilan niya 'to.

Medyo itinulak niya na ako. "Bilisan mo!"

Dumiin ang nakatutok sa likod ko kaya wala na akong nagawa kundi sumunod. Pagkapasok ng van, itinulak ni Lando ang Papa ko papasok. Napansin kong glassy ang mata niya. Wala na si Papa sa katawan na 'yan. Nasosobrahan na siya sa intake niya. Gaano katagal na siyang ganito?

May iba pang tao sa van pero 'di ko na sila naobserbahan pang maigi. Yung smug expression ni Lando at ang traydor na ngiti ni Papa ang huli kong nakita bago magdilim ang lahat.

The Sweetest EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon