Epilogue

8.1K 235 40
                                    

Hannah

Graduation ko bukas. Sana makapunta ka. I reserved a seat for you.

And I'm sorry. I'm sorry dahil sa mga sinabi ko. Sorry dahil matagal kitang hindi kinausap. Sorry dahil napagsalitaan ko ng masama si Claire pati na rin yung baby. Sorry, Migs. Sana mapatawad mo ako. We're still friends, right?

Binasa ko uli yung messages na na-send ko kagabi. Hindi ko naman pinagsisisihan na sinend ko ito at halos nasa puntong nagmamakaawa na ako. What I do regret is being childish all these months and not talking to him. Noon, siya yung nagmamakaawa na pakinggan ko siya. Now it's my turn.

"Wait, aayusin ko lang yung hood mo," pinigilan ako ni Janice sa pagpunta ko sa upuan at inayos ang hood ng toga. Pagkatapos ay hinagod niya ang balikat ko at pinisil ito. Dati, magfi-flinch ako sa contact na iyon pero ngayon, I welcome it. "Congratulations!"

Isang malaking ngiti ang ibinigay ko sa kanya kahit na medyo nalulungkot ako dahil hanggang ngayon wala pa rin yung hinihintay ko. "Salamat. Hindi ako makakarating dito kung hindi mo ako tinulungan."

Nang lumipat ako, nilipat din ni Janice ang practice niya sa Maynila. Sinabi ko sa kanya na i-refer na lang ako sa ibang doktor pero nagdahilan siya na balak na rin naman niyang lumipat at nagkataon lang na sumabay yung desisyon ko sa plano niya kaya hanggang ngayon ay siya pa rin ang nag-aasikaso sa akin.

And I finally know kung bakit niya kinuha ang kaso ko. Because she's been through the same.

Hindi ako naghahanap ng taong mapagkukumparahan ko ng experiences pero dahil alam niya first hand yung mga nangyari sa akin, naging mas madali yung pagpapatuloy ko sa kanya sa buhay ko. 'Di ko kinailangang itago ang sarili ko sa kanya dahil lahat ng brutal na detalye, naiintindihan niya. And when I finally cried for me, for the little lost girl that I was, she cried with me.

"Tinatawag na tayo, Apo. Magsisimula na." Inakbayan ako ni Lolo patungo sa designated naming upuan. Doon siya sa kaliwa ko nakaupo.

Napatingin ako sa kamay niya na nakapatong sa arm sa gitna ng mga upuan namin. Matanda na ang Lolo ko at siya na dapat ang inaalagaan. Sa kabuuan ng pananatili ko sa Maynila, siya ang nag-aalaga sa akin. Madalas siyang bumisita sa dorm na tinitirahan ko. Siya rin ang tumabi sa akin last year nang napagdesisyunan kong magsalita tungkol kina Lando at Papa. Dahil sa pagsasalita kong iyon, sobrang laking relief ng naramdaman ko. Nabawasan yung bigat na dala-dala ko sa dibdib ko.

Napatawan ng lifetime imprisonment si Lando. Sabi ng mga abogado, pwede pa raw bawiin ng korte ang hatol kung may makita silang improvement sa kanya over the years. Tinanong naman ako ni Lolo kung anong pakiramdam ko kung sakaling mangyari ito and honestly, ayos lang ako. Yung mga taong kagaya ni Lando, iyon ang mga taong mahirap nang baguhin. At kung magbago man siya at mapalaya nang maaga, I'll be ready for him.

Nasa rehab naman si Papa at pagkatapos noon, seven years na kulong. Never ko siyang binisita kahit pa siya na mismo ang kumontak sa akin. Nakapagdesisyon na kasi akong putulin yung mga loose strings. Yung mga strings na humihila sa akin pabalik. Kaya kahit anong pagmamakaawa ni Papa na bisitahin ko siya, I never would. Heartless na siguro kung titingnan pero simula ngayon, ang mga taong papapasukin ko sa buhay ko ay yung mga taong iaangat ako at hindi yung mga taong alam kong makakasakit lang sa akin.

Alam kong hindi pa ako buong-buo. It's been more than two years already pero binibisita pa rin ako ng mga bangungot. Natuto na akong tanggapin at harapin ang mga ito. Alam ko na habambuhay nang magiging parte ng pagkatao ko ang dark phases nito. I've learned to accept them and deal with them.

Nang simulan ng emcee ang program, napatingin ako sa bakanteng upuan sa kanan ko. Hindi ako dapat makaramdam ng disappointment pero 'di ko rin napigilan dahil hindi sumipot si Migs sa graduation ko. Kasalanan ko rin naman kasi. Sobrang gulo ng pakikitungo ko sa kanya.

The Sweetest EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon