Forty

4.3K 135 7
                                    

Migs

Dalawang araw nang nawawala si Hannah.

Ikinuwento ni Rhys ang mga pangyayari bago siya makuha. Nag-stopover daw sila sa isang convenience store. Iniwanan niya si Hannah sa kotse at pagkalabas niya, nakita niyang kasama ni Hannah ang Papa niya at isa pang lalaking hindi niya kilala.

Sumakay si Hannah sa isang itim na van. Nagtaka raw siya kung bakit pinarada yung sasakyan sa lugar kung saan walang masyadong tao. Iyon pala ay para walang makakita na nadakip nila si Hannah. Sa sobrang kaba na masaksihan, nagtago siya. Kaso meron palang nakamanman sa kanya na lalaki na pinalo siya sa likod ng ulo gamit ang isang mabigat na bagay. Nasa may ambulansya siya pagkagising at kakausapin dapat ng mga pulis kung gusto niyang i-report ang pangyayari pero pinili niyang dumiretso sa rancho. Pinapirma na lang siya ng waiver at hinatid dito, kasunod yung kotse niya.

Buti na lang at inuna niya ang kapakanan ni Hannah bago ang sarili niya. Desidido akong magalit pero dahil sa ginawa niya ay medyo nagkaroon ako ng respeto sa kanya. Medyo. Kasi kung hindi siya dumating, edi sana kasama ko pa rin si Hannah. Edi sana sigurado akong buhay pa siya.

Buhay pa siya, pagpupumilit ko. Hindi ko tatanggapin ang iba pang thoughts sa kalagayan niya dahil nakasisiguro akong buhay pa siya. Lalaban si Hannah, sigurado ako.

Kaso nababawasan na rin ang kumpiyansa namin dahil hanggang ngayon wala pa ring balita.

Nakipag-ugnayan ang Kakang Isko sa mga pulis sa Maynila. May nilapitang siyang kaibigan na retired chief superintendent na kaklase niya noong kolehiyo at ang anak nito ang pina-handle sa kaso. Napakalaking suhol pa rin ang ibinigay niya para walang lumabas sa media na tungkol dito dahil baka maalerto ang mga kumuha sa kanya at kung ano ang gawin kay Hannah. Para rin gawin siyang prayoridad.

Umaasa kaming hindi umiikot sa iba't ibang lugar ang mga kumuha kay Hannah pero sa progreso ng imbestigasyon, mukhang malabo iyon.

"Rolando Ikalina. Iyan ang alyas ng may-ari ng sasakyang sinasabi ng kasama niyo," sabi ng head na pulis sa operation na ito, si Chief Marasigan. "Rolando Zulueta ang tunay niyang pangalan. Kilalang drug lord sa may San Juan. Matagal nang tinutugis pero mailap pa rin. Kung madadakip ang lalaking ito, posibleng madamay ang apo niyo sa mga balita."

Ipinalo ni Kaka ang tungkod niya sa sahig. "Binayaran ko kayo para sa tahimik at mabilis na operasyon na ito! Dalawang araw na ang nakalilipas, wala pa rin kayong natutuklasan! Anong klaseng mga pulis kayo?"

"Sir, ginagawa naman po namin ang lahat ng makakaya namin—"

"Hindi sapat ang ginagawa ninyo! Kelan niyo ililigtas ang apo ko? Kapag patay na siya?"

"Huminahon muna ho kayo. Hindi natin hahayaang umabot sa ganoon ang sitwasyon. Mayroon pa hong ibang detalye. Nakipag-coordinate po kami sa San Juan PD at AIDSTOF. Restricted information kaya hindi ko maidedetalye ang lahat pero pagkatiwalaan niyo na nasa ligtas na kamay ang apo ninyo."

"Hindi ko kayo pagkakatiwalaan hangga't walang pag-usad sa kasong ito!"

Kumunot na ang noo ni Chief Marasigan. "Sir Villaroman, may sibilyan nang involved. Ginagawa na ho namin ang lahat ng makakaya namin. Sa ngayon, wala na tayong ibang magagawa kundi maghintay."

Kahit gaano pa katigas ang ulo ng Kakang Isko at kahit ilang beses pa siyang magalit sa kanila, alam niyang totoo ang sinabi ni Chief. Nakita ko ang pagbagsak ng mga balikat niya. Napaupo siya at inangat ang tingin patungo sa akin. Nakita kong nangingilid na ang luha niya.

Noon ko talaga naramdaman na parang wala akong kwenta. Hindi ko kayang hanapin si Hannah nang mag-isa at hindi ko kayang pakalmahin ang Kaka dahil maski ako, hindi ko alam kung anong dapat na gawin. Ayoko rin namang naghihintay lang sa kanila. Paano kung umabot ng buwan ito? Taon?

"Kuya," kinuha ni Kiel ang atensyon ko. "Wala na tayong maitutulong dito. Mabuti pang bumalik muna tayo sa hotel."

Tumango ako pero habang ginagawa ko iyon, parang hindi ako yung sumasang-ayon. Ang lutang ng pakiramdam ko. Sumusunod lang ako sa kung saan ako dadalhin. Buti talaga sinama ko si Kiel. Hindi ko ata kakayanin kung kaming dalawa lang ng Kaka. Ang daming tumatakbo sa isip ko. At the same time, parang blangko rin ito. Natutulala ako sa kalagitnaan ng mga ginagawa ko. Daig ko pa ang namatayan sa inaasal ko.

Ito yung mga panahong hinihiling ko na pwede akong uminom para matanggal lahat ng problema ko.

Pero hindi pwede. Kailangan kong maging matatag. Para kapag bumalik na si Hannah, malakas ako. Para kaya ko siyang alagaan at gabayan at pangitiin. Kung gusto niya akong pagbuhusan ng lahat ng galit niya, ayos lang. Kung paulit-ulit niyang sabihin sa akin na hindi niya ako mahal, ayos lang din. Basta bumalik lang siya sa amin at masiguro kong ligtas siya, tatanggapin ko na lahat ng kayang ibigay ni Hannah kahit na gaano pa iyon kakaunti.

Hannah, please. Nakayanan mo ng ilang taon, please stay strong and stay safe.

❈    ❈    ❈

Limang araw na. Nasa presinto uli kami. Bumalik kami upang makakuha ng update kay Hannah. Noong mga nakaraang araw, ako o si Kiel lang ang pumupunta dahil tumaas na ang presyon ng Kaka. Pinagpahinga na siya ng doktor. Pero hindi pa rin siya mapakalma kaya pinilit niya uli kaming bumalik ngayon kasama siya.

Pagkakita sa amin ni Chief Marasigan, napasimangot siya.

Nakita iyon ng Kakang Isko. "Kung ibig sabihin ng mukhang iyan, wala pa kayong natatagpuan..." pagbabanta niya.

"Hindi, Sir Villaroman. Sa ngayon, naayos na ang mga papeles sa mga kaso na ihahain kay Rolando Zulueta. Drugs at kidnapping ang ilan sa mga iyon. Tungkol naman sa apo ninyo—"

"Chief!" Nakuha ng isang pulis ang atensyon naming apat. Tumingin siya sa aming lahat. "Yung buy-bust op, nagkaroon ng problema. Backup."

Kung hindi mo pupunahin, hindi mo mapapansin yung saglit na pagtigas ng panga ng Chief. Kinontrol niya agad ang emosyon niya at tumayo. Nagpakawala siya ng iba't ibang command na hindi ko na halos maintindihan.

Lumapit siya kay Kakang Isko at pinisil siya sa braso bago lumabas ng opisina niya. "Ililigtas namin ang apo ninyo."

Buy-bust operation. Totoo nga ang sinabi ni Chief na may ginagawa na sila. Umaalingawngaw pa rin yung sinabi noong isang pulis sa tenga ko. Nagkaroon ng problema. Iyon din siguro ang naiisip ng Lolo ni Hannah dahil nanginginig na ang kamay niya na may hawak na tungkod.

Gusto kong sumunod sa mga pulis pero baka mas mapahamak pa. Baka magkaroon ng ibang casualty. Pero ayaw ko ring umupo dito at isipin ang nangyayari.

Tumingin ako kay Kiel na nakatitig sa pinto. Lumingon siya sa akin. "Sumunod tayo, Kuya."

Hindi pwede, baka maging sagabal lang kami. Kahit na anong gusto kong tumulong, baka maging pabigat pa rin kami. Nasa dulo na ng dila ko ang pagtanggi. Pero ginulat ko ang sarili ko nang sumagot ng, "Tara." 

The Sweetest EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon