Seventeen

5.5K 178 10
                                    

Hannah

Kanina pa ako nakatitig sa cell phone ko. Hindi ako nakatiis na iwan lang ito sa ilalim ng damitan ko kaya kinuha ko rin at nag-charge ako. Pagkabukas ko rito ay tadtad ng messages. Kinakabahan pa akong basahin ang mga ito pero laking ginhawa nang makitang si Rhys lang pala ang nag-iiwan ng messages dito.

Inuna kong basahin ang message na nasa dulo. I miss u.

Napasabunot ako sa buhok ko dahil bigla akong na-stress sa ginawa niya. Kung inaakala kong ganoon lang kadaling iwan si Rhys sa ere, nagkakamali ako.

Binasa ko ang mga sumunod na mensahe na halos kapareho lang din ng nauna.

Babe, kelan k uuwi?

Dalawang linggo nang wala p rin akong naririnig sau. Ayos k lng b dyan?

Babe, sagutin mo yung mga tawag ko.

Susunduin n ba kita?

Nahulaan ko na na ganoon din ang takbo ng mga susunod na messages kaya hindi ko na iyon binasa at binura na lang lahat ng laman ng inbox ko.

Inilapag ko ang cellphone sa lamesa at napatitig sa dingding na naghihiwalay sa kwarto namin ni Migs. Naririnig ko pa rin ang mahinang pag-uusap ng mga tao sa palabas pero hindi ito napoproseso ng utak ko. Tanging ang mga salita ni Migs kanina ang naririnig ko: "Sasaluhin kita kapag hindi mo kaya. Basta magtiwala ka lang na sasaluhin kita. Pramis."

Hindi naman ako bobo para hindi mapuna ang natatagong meaning sa mga salita niya. Nagulat lang ako dahil nagtiwala nga ako sa sinabi niya. Walang kaduda-dudang kayang panindigan ni Migs ang pangako niya kung hahayaan ko siya.

All my life I've been living with Fear. Kung tutuusin, siya na siguro ang best friend ko. Lagi siyang nandiyan sa paligid, binubulungan ako. At ako namang may mahinang loob, lagi siyang pinapatuloy.

Pero hindi ngayon. Nakasara ang pinto ko para sa kanya dahil for once, hindi ko papapasukin ang takot. This time, papapasukin ko si Migs.

Alam kong matutulog na si Migs dahil pinatay niya na ang TV. Maya-maya pa ay narinig ko ang boses niya sa nakasanayang bati, "Good night, Hannah. Sweet dreams."

Lumapit ako sa dingding at hinaplos ito. "Migs?"

Matagal na katahimikan ang sumalubong sa akin kaya inakala kong ganoon kabilis siyang nakatulog pero tumugon siya ng, "Hmmm?"

Kinagat ko yung labi ko para pigilang ang ngiti dahil mukhang nasorpresa ko siya. "Good night."

❈    ❈    ❈

Maagang nagsimula ang araw ko dahil alas-kwatro pa lang ng madaling araw, kinatok agad ako ni Migs. Mas agahan daw namin ang turuan para mas mahaba ang oras namin sa field. Ngayon lang ako nakatulog ng mahaba-haba at ninanamnam ko pa ang tulog ko noong kinakalampag niya ang pinto ko kaya medyo mainit agad ang ulo ko sa kanya. Ngumiti lang si Migs na tila alam niyang makakalusot siya sa kasupladahan ko.

Binalikan namin yung mga natutunan ko kahapon bago niya ituro kung paano pabilisin ang takbo ng kabayo. Iba-ibang klase ng lakad pala iyon. Meron tinatawag na trot, canter, at iba pang horsing terms.

Nang matapos kami ay nakababa ako ng kabayo nang mag-isa pero nakita kong nakahanda si Migs na alalayan ako kung sakaling kailangan.

"Alam mo," panimula ni Migs nang nagliligpit kami ng saddle ni Luna. "Madali ka namang matuto eh. Parang effortless pa nga habang nakasakay ka. Parang pinanganak ka talaga para sumakay ng kabayo."

Palaro kong pinalo ang hawak kong lubid sa likod ng hita niya. "Ang drama mo. Mga napapala mo talaga kakapanood ng teleserye."

"At least hindi ko sinabing taong-kahoy ka."

The Sweetest EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon