Twenty-six

5.5K 167 6
                                    

Migs

Nagising ako nang may sumuntok sa pisngi ko. Lalaban sana ako kasi akala ko si Kiel lang ito na nakikipaglokohan. Pero wala pala ako sa bahay. Mas lalo namang wala ako sa Batangas. Doon ko lang naalala kung nasaan ako.

Nakatulog pala ako sa higaan ni Hannah.

Sinuntok na naman niya ako pero sa may dibdib ko naman tumama ang kamay niya.

Napaupo na ako para tanungin kung anong problema niya. Natigilan lang nang makitang tulog pala siya. Nananaginip na naman siya katulad nung nasaksihan ko dati. Nang nagsimula na siyang humagulgol, doon ako natakot. Pansin ko rin na kumpara sa dati niyang pananaginip, mas magalaw yung actions niya. Umaangat ang kamay na parang may itinutulak palayo at pumapadyak ang paa na tila hindi makatakbo.

I felt so helpless nang makita siyang ganoon. "Hannah," sinubukan kong kunin ang atensyon niya habang nananatiling malayo ang agwat namin.

Tumigil siya sa paghikbi pero kita kong umiiyak pa rin siya.

Dahan-dahan akong lumapit at hinaplos ang buhok niya. "Shh. Matulog ka lang. Ligtas ka dito."

Mula sa kawalan ay biglang hinawakan ni Hannah ang suot kong damit at ibinaon niya ang mukha niya sa may leeg ko. Umayos naman ako ng pagkakahiga para ma-accommodate ko siya na mahirap gawin dahil natatakot akong magising ko siya. Unti-unting kumalma ang hininga niya pagkatapos. Nakatulog na uli siya.

Nagtagal pa akong nakamulat dahil hinihintay ko na baka magising siya pero sumuko na rin ako sa antok. Buti na lang at buong gabi ay tahimik na siya. Nagawa ko pa nga siyang pagmasdan. Kapag ganito siya at walang ibang emosyon sa mukha niya kundi ang peacefulness ng tulog niya ay ang bata niyang tingnan. Walang stress lines sa noo, hindi nanlalaki yung butas ng ilong sa galit, walang ismid sa bibig. Sana lagi na lang siyang ganito. Sana isang araw ito ang mukhang makikita ko. Iyan ang huling inisip ko bago ako sumuko sa antok.

Mayroong dumadampi sa ilong ko. Unang reaction ko ay ang mabahing. Buti na lang at napigilan ko at the last minute. Pagkatapos mag-settle ay napatingin ako pababa sa babaeng mahigpit ang pagkakayakap sa akin. Sa totoo lang, buhok niya lang talaga ang nakikita ko dahil nakabaon na halos ang ulo niya sa gilid ko. Malalim ang paghinga niya. Hindi na uli siya nagising sa kalagitnaan ng gabi.

Dahil ganito na rin naman ang oras ng gising ko, hindi ko na sinubukan pang bumalik sa pagtulog. Pinagmasdan ko na lang yung kisame at pinakinggan ang paghinga ng Hannah sa tabi ko. Medyo namamanhid na rin yung braso ko pero hindi ako makagalaw dahil baka magising siya.

Matagal din kaming ganon hanggang sa napansin ko na nag-iba yung pattern ng paghinga niya. Gising na siya. Pero hindi siya gumawa ng move para tumayo. Yung dating Hannah panigurado tatalon agad at magsisisigaw ng "Harrasment!"

Overnight nagkaroon ng dating Hannah at bagong Hannah. Hindi naman sa nagbago siya ng todo, siguro bukas kung matagpuan uli namin ang isa't isa sa ganitong sitwasyon ganoon ang reaksyon niya, pero gusto ko rin ang Hannah na ito. Gusto ko na kaya niya rin namang ibaba ang depensa niya at ipakita sa akin ang vulnerable side niya. Gusto ko na hinahayaan niyang nakabalot ang braso ko sa kanya. Gusto ko rin yung pagkuha niya ng malalim na hininga na tila ba dinadamdam niya ang sandaling ito.

Ginalaw ko na yung kamay ko na hinihigaan niya at ipinatong sa may balikat niya. Sa ginawa ko ay inangat niya yung tingin niya.

"Good morning," bati ko.

"Hindi ako nanaginip," sabi niya.

Sasabihin ko sana na nanaginip siya. Nakakatakot pa nga ang inasta niya noon. Pero nanahimik na lang ako para paniwalaan niya ang sinabi niya.

The Sweetest EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon