Twenty-three

4.6K 153 6
                                    

Migs

Hapon na ako bumalik sa rancho dahil sa dami ng gawain sa clinic. May mga nagpabakuna ng mga alaga nila at meron din kaninang isang aso na kinailangan na naming i-putdown dahil kung hindi ay mas mahihirapan pa siya sa sakit niya. 

Kahit na mga hayop ang hina-handle ko, hindi pa rin madali kapag napunta sa ganoong sitwasyon. Buhay pa rin ang nakasalalay, doktor pa rin ako, kaya dapat walang mali.

Ito ang tumatakbo sa isip ko nang iparada ang motor sa garahe ng Kakang Isko. Pero nang patayin ko ang makina, pinakawalan ko muna ang pagproblema ng burden ng trabaho ko at ibinaling ang isip kay Hannah. Ngayong nagkaroon na kami ng konting distansya sa mga pangyayari, papatuluyin niya pa rin ba ako o tatakas na lang siya gaya ng lagi niyang ginagawa?

Iyon din ang dahilan kung bakit iniwan ko muna siya. Dahil ayaw kong pilitin siyang magdesisyon para sa akin. Rerespetuhin ko kung ano ang magiging reaksyon niya at hahayaan siya sa kung ano man ang gusto niya.

Kahit na gusto ko talaga siyang manatili at i-recognize itong namamagitan sa'min.

Dahil mas malapit sa garahe, sa harap ng bahay ako dumaan. Akmang bubuksan ko na ang pinto nang gawin iyon ni Hannah para sa akin mula sa loob ng bahay. Nagulat kaming pareho at nag-hesitate.

Hindi ko mapigilang madismaya sa nakita ko.

Nakasukbit sa likod niya ang bag na bitbit niya noong una siyang dumating sa Batangas at nakagayak na siya para umalis.

Kahit na may kutob na ako sa gagawin niya, nagtanong pa rin ako. "Saan ka pupunta?"

Pinaglaruan niya ang strap ng bag niya. "Babalik ako sa Maynila."

Napatango na lang ako dahil wala na akong iba pang masabi. Hindi ko masabi sa kanya na gusto ko siyang manatili dito. Na tutulungan ko siyang puksain lahat ng problema niya. Na wala na siyang dapat ikatakot dahil poprotektahan ko siya. Pero hindi ko nasabi iyon dahil mukhang buo na ang loob niya na umalis.

At heto pa ako, umaasang mananatili siya.

Napansin niya ata ang internal battle ko. "Gusto mo ba akong samahan?"

"Saan kita ihahatid?" 

"Sa Maynila."

Ayaw ko siyang ihatid pero kung iyon ang gusto niya, gagawin ko. Isa pa, maggagabi na at hindi ligtas kung babiyahe siya nang madilim.

Tumango lang ako at tinahak muli sa dinaanan ko kanina para balikan ang motor ko. Kaso hindi pa ako nakakahakbang, hinawakan niya ang manggas ng damit ko. Tumigil ako at hinarap siya.

Nagulat talaga ako nang tingnan siyang maigi. Yung talagang tingin. Hindi ako sanay na makita siyang vulnerable at yung vulnerability na nakapinta sa mata niya ay sobrang tumama sa akin. Yung hawak niya sa manggas ko, tentative. Parang batang natatakot na mapagalitan. At sa isang mahina't mahinahong boses ay nagtanong siya, "Anong problema?"

"Wala."

Biglang nag-shift yung ekspresyon niya, napalitan ng inis. "Alam mo, nagbago na ang isip ko. I take it back. 'Wag mo na akong samahan. Umakyat ka na. Magpahinga ka. Halata namang merong bumabagabag sa'yo."

Sa pagkakataong ito, ako naman ang humabol sa kanya, naiinis na rin. Siya na nga ang aalis, siya pa ang may ganang magalit. "Huwag mo akong idamay sa mga mood swing mo, Hannah. Napapagod na ko sa rollercoaster na sinasakyan mo."

Suminghal siya at tumuro sa dibdib niya. "Ako pa ang may mood swing ngayon?"

"Ano'ng tawag sa ginagawa mo? Hindi pa ba mood swing iyan?" Sa sobrang frustration, sumasabay na yung kamay ko sa pakikipagtalo sa kanya.

The Sweetest EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon