Seven

7.1K 182 10
                                    

Hannah

Ito na ang pinakamahabang araw sa tanang buhay ko. Ngayon lang ako gumawa ng mabigat na gawain at inaamin kong mas lalong lumaki ang respeto ko sa mga trabahador na lakas ng katawan ang puhunan sa trabaho. Kung saan man nila hinuhugot lahat ng lakas para gawin ang ganitong trabaho araw-araw, kailangan nila akong bigyan ng pointers. Himala pang nakasurvive ako ngayong araw.

Pagkatapos kong maglinis ng mga kulungan ng kabayo ay inutusan ako na painumin ang lahat ng ito. At dahil sira ang hose dahil naputol daw noong isang araw, isa-isa kong pinuno ang mga balde at binuhat sa palainuman ng mga kabayo.

Nasa dalawampu ang trabahador ni Lolo. Lahat ay lalaki na may malalaking bisig at kayang kaya ang mabigat na trabaho. Bakit ako ang pinagbubuhat nila ng mga timba?

Sa bagay, nakita ko rin naman ang mga trabaho nila na mas mahirap pa sa trabaho ko. Pero wala bang ibang trabaho na mas light lang kesa dito? Tagaluto na pagkain nila, perhaps?

Kung iisipin nga lang, mas gusto ko na dito kesa sa field kung saan sila nagsusuga ng mga kabayo. Panay sila lalaki at hindi ko gaanong kilala para pagkatiwalaan.

Malakas na paghingal ang sumunod sa akin habang naglalakad ako papasok ng bahay. Kakatapos lang kasi ng two-hour extension ko at si Migs ang dapat kong pasalamatan doon. Jerk. Hindi man lang naawa.

Tumigil ako sa paglalakad at tumalikod saka nag-squat. Tiningnan ko sa mata si Ares habang tinatapik ang ulo nito. "Walangya 'yang amo mo. Pahahabain ang oras ng pagtatrabaho ko tapos siya 'tong aalis ng maaga."

Masiglang tumahol si Ares habang kumakawag ang buntot. Siya lang ang naging kaibigan ko buong araw. Siguro pwede kong i-consider si Barney na maya't maya'y kinukulit ako pero mas pagkakatiwalaan ko pa si Ares kesa sa lalaking ngayon ko lang nakilala.

Nang makapasok sa likod ng bahay tungo sa kusina, kung saan una akong pumasok noong dumating ako sa rancho, dumiretso ako sa ref at kumuha ng tubig na iinumin. Alam kong narito rin si Lolo pero ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para huwag siyang pansinin. Pagkatapos kong uminom ay umakyat na ko sa silid ko. Naghalungkat ako ng masusuot kaso wala na pala akong malinis na damit.

Nanlalagkit ako at panigurado amoy tae ng kabayo kaya hindi ko matiis na hindi maligo.

Naisip ko si Migs. Nasa kabilang kwarto lang siya. Baka pwedeng makahiram ng damit.

Bago pa man magbago ang isip ko ay lumabas na ako sa kwarto at kumatok sa pinto niya. Nang walang sumagot ay nilakasan ko pa ang pagkatok ko.

Hindi pa rin sumasagot si Migs. Tulog na kaya siya?

Hinawakan ko yung door knob at pinihit iyon. Hindi naka-lock ang pinto. Itinulak ko iyon ng kaunti at sumilip dahil baka iba ang masaksihan ko. Nang makasiguro na walang tao sa loob ay pumasok ako.

Obvious naman na wala si Migs pero kung bakit ako pumasok ay hindi ko alam. Siguro kasi subconsciously, gusto kong makita ang kwarto niya. Gusto kong makita kung sino talaga siya at ang pagsuri ng kwarto niya ay isang paraan.

Ang unang sumalubong sa akin ay ang amoy. Napaka-distinct ng amoy ni Migs dito. Kapag isinara ko ang mga mata ko maiimagine ko na nasa tabi ko lang siya dahil sa fresh at masculine na amoy niya. Kahit pawis na pawis na siya ay hindi siya mabaho. Hindi tulad ko na dumidikit ang amoy ng kabayo sa katawan ko.

Malinis naman ito para sa kwarto ng lalaki. Ang tanging magulo lang ay yung kama na nakakalat pa ang unan sa paligid. Base dito, na-conclude ko na malikot matulog si Migs.

Katulad lang rin siya ng kwarto ko na may kama, may tukador, at may silya sa gilid. Nagdagdag lang siya ng lamesa sa gilid ng kama at may ilang libro doon. Lumapit ako at binasa ang mga title nito. Nagulat pa ako dahil panay classics ang mga ito- Iliad, The Count of Monte Cristo, at Inferno. Kung babase sa stereotypes, hindi ko ilalagay si Migs sa mga taong mahilig magbasa ng novels. Mukha kasi siyang muscles lang ang pinapagana pero kung sa sitwasyon niya, ma-iaaply siguro ang adage na, "Don't judge a book by its cover."

The Sweetest EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon