Ten

7.1K 193 11
                                    

Hannah

Disoriented ako nang magising pero hindi ko iminulat ang mata ko dahil sa naramdaman ko agad ang sakit sa may itaas ng kanang hita ko. Gusto kong sumigaw sa sakit pero kung gagawin ko iyon, makukuha ko ang atensyon niya at baka mas malala pa ang abutin ko kaya nanatili akong nakapikit at tahimik na pinapalipas ang sakit sa katawan ko.

Nakarinig ako ng mga boses ng lalaki at mas naging alerto ako. Nanigas ako sa kinahihigaan ko, umaasang hindi nila ako papansinin. Kaso biglang may humawak sa binti ko kaya bigla naman akong nagpumiglas at nagsisisigaw, hindi pinapansin na mas lalong sumasakit yung hita ko. Bumabalot muli ang kadiliman sa akin. Mas napapapunta ako sa pinakamalalim na parte nito at hindi ko na alam kung paano makakatakas pa mula rito.

"Hannah. Shh, Hannah, ako 'to," isang pamilyar na boses ang pumigil sa akin from going deeper. "Hindi kita sasaktan."

Medyo kumalma ang pagpupumiglas ko at tila may humihila sa akin mula sa kadiliman. Napakabago ng pakiramdam kaya medyo nag-panic na naman ako. Alam kong kailangan ko itong harapin kaya iminulat ko na ang mata ko at para akong nasuntok sa tiyan sa natunghayan ko.

Ramdam ko na sa isang makitid na bangko lang nila ako hiniga, nakapatong ang mga binti ko sa hita ni Migs na naka-hover sa ulo ko. Maliwanag ang araw sa likod niya pero naaninag ko ang nag-aalala niyang mukha. Kung makakagalaw lang ako ng ayos ay itinulak ko na sana siya sa sobrang lapit niya pero kusa na siyang tumayo. Dahan-dahan niyang ibinaba ang paa ko sa sahig dahil mas maiksi ang upuan kesa sa tangkad ko. Agad rin naman akong bumangon para umupo na isang pagkakamali dahil nakaramdam ako ng sakit sa hita ko. Hindi ko pala ini-imagine ang sakit na nararamdaman ko.

"Ang sakit ng ulo ko," sambit ko habang hinihimas ito. Nakaramdam din ako ng hilo kaya ginamit kong sandalan yung kanang kamay ko nang ilapat ko iyon sa upuan.

Umupo siya kung saan nakahimlay ang ulo ko kanina. May tiningnan siya sa may likuran ko at parang may sinasabi siya doon sa kamatahan niya through that stare. Sumilip ako at nakita si Barney na may nag-aalalang ekspresyon sa mukha niya. Nang mahuli niya namang nakatingin ako sa kanya ay bigla siyang ngumiti.

Binaling ko kay Migs ang atensyon ko. "Anong nangyari?"

Isang malokong ngiti ang pinakita niya. "Nakita mo akong nagtatanggal ng damit, tapos hinimatay ka."

Mula sa likod ko, nag-snort si Barney. Ang reaksyon ko naman ay suntukin siya sa braso niya. "Hindi ako nakatingin sa'yo!"

"Uh-huh," tango niya na tila hindi siya naniniwala. Bigla rin namang naging seryoso siya. "Pero bakit ka kasi nasa may likuran ni Shasta? 'Di ba sabi ko sa'yo sa gilid ka titigil? Tsaka magsasalita ka para marinig ka nila? Nasipa ka tuloy ng hindi oras."

Nakonsensya ako sa sinabi niya. Gusto ko sanang mag-sorry pero naalala kong may image akong ipinaparating kay Migs. Isang image na unti-unting nagka-crumble sa tuwing tinitingnan niya ako with his piercing gaze and perfect smile. Katulad na lang ngayon.

"Gaano katagal akong tulog?"

"Mga tatlumpung minuto lang. Kung magtatagal ka pa, dadalhin ka na namin sa emergency. Wala ka namang bali at hindi kailangan ng tahi." Nilamas ni Migs ang mukha niya at bumuntong-hininga. Tapos nilingon niya ako. "Anong masakit sa'yo?"

Parang tumigil ang tibok ng puso ko dahil sa tanong niya. Unang beses na may magpakita sa akin ng concern, nag-aabala pang tanungin kung nasasaktan ako. "Masakit lang yung parteng nasipa ni Shasta pero gagaling din yan. Sanay na a-" napatigil ako sa kamuntikang lumabas sa bibig ko.

Unfortunately, nakuha agad ni Migs ang dapat na sasabihin ko. Naningkit ang mata niya at nangunot ang noo. "Anong ibig mong sabihin?"

Tumayo ako agad at nakaramdam ng pananakit sa hita ko. Maa-out of balance pa sana ako pero sabay na lumapit si Migs at Barney para alalayan ako. Inunahan ko na sila at nagtaas ng kamay, senyales na kaya ko na ang tumayo mag-isa. "Pwede ko bang ipagpaliban ang natitirang oras ko sa trabaho?"

The Sweetest EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon