Twenty-seven

4.9K 155 9
                                    

Hannah

Nasa studio na uli kami para sa kalahating parte ng portfolio. Ino-orient kami ni Michelle sa kung paano isasagawa yung mga shots. Ayos lang naman sa akin yung mga ideya niya hanggang sa sabihin niya yung huling parte.

"Kukunin natin yung shot na 'to from the side and from the back."

Napatigil ako. "From the back?"

Tumango siya.

"Parang hindi magandang ideya 'yan," pagdududa ko.

"It's actually the best angle for it."

Napa-clench ako ng kamay ko. "Ayoko nang gawin 'to."

Nanlaki ang mata niya. "Sorry pero hindi ko pwedeng i-compromise itong planong 'to. This will be my winning shot, Hannah. Besides, may pinirmahan kang kontrata."

Alam kong halos tunawin ko na si Michelle sa nang-aakusa kong tingin kaya iniwas ko ang mata ko sa kanya at itinuon na lang ito sa sahig. Wala naman siyang kasalanan sa inaasal ko. Ano ba kasi uling ginagawa ko dito? Bakit ko ba kinuha yung trabaho na 'to? Dahil sa pera, oo. Para makaipon sa oras na aalis na ako ng rancho. Para makapagsimula ako ng buhay ko malayo sa mga taong sumisira nito. Iyon naman ang gusto ko, 'di ba?

Inangat ko ang tingin ko patungo kay Migs na tahimik lang akong pinagmamasdan. Kung ano man ang magiging desisyon ko, susuportahan niya. That's for sure. Kung tatanggihan ko yung shot, siya na ang bahalang makipag-usap kay Michelle. Pero aaminin ko rin na malayo na ang narating ko para mag-back out. With him, nagagawa ko ang mga bagay na lagi kong iniiwasan dati. With him, nakakalimutan ko ang mga bangungot sa laging nakasunod sa mga panaginip ko. With him, wala akong kinatatakutan dahil pinagkakatiwalaan ko siya. With him, I can be strong.

Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim na tila ba malalanghap ko yung support ni Migs. Pagkabukas ko ay siya at ang gentle na ngiti niya agad ang nakita ko. "Ano pa bang hinihintay niyo? Let's do this."

Naka-setup yung studio na mukhang isang kuwarto. Kapareho pa rin nung theme ng kasal. Simple lang ito, may malaking kama sa gitna, side table, cabinet, fake windows, curtains, etcetera. Ipino-portray kasi ng theme yung couple na simple at hindi ganoon kayaman pero masaya naman sila sa mayroon sila-love. Kung naniniwala lang talaga ako sa gano'n, ma-e-enchant siguro ako sa ideya ni Michelle. Pero alam ko ang totoo. Hindi naman talaga magiging masaya ang tao sa simpleng pagmamahal lang. That's too selfless. At alam naman ng lahat na human nature ang maging selfish.

Nakita ko na ang katawan ni Miguel dati pa pero hindi sa ganitong sitwasyon. Nakahiga siya, nakatukod ang siko sa kama, nakapatong ang ulo sa kamay. Nakasuot siya ng puting pajama. And nothing else. Ah, 'wag pala nating kalimutan yung ngiti niyang ang sarap suntikin para maalis sa mukha niya.

"Bakit mo ba ko nginingitian?" iritableng tanong ko habang pinipilit ang puso kong huwag kabahan. Idi-distract ko na lang ang sarili ko sa pagpapanggap na naiinis ako kay Migs kaysa sa balutin ng takot sa gagawin kong ito.

Mas lalong lumaki yung ngiti niya. "Masaya ako dahil wedding night na natin."

I scowled at him. "Tigil-tigilan mo muna nga 'yan. Wala pang camera."

"Nagpapraktis lang ako. Ayos na ba yung hitsura ko?"

"Mukha kang taong-lobo na nangangain ng bata pang-almusal."

Tinaas niya yung libreng kamay niya na tila pinapalabas niya ang claws niya. "Rawr."

Kinuha ni Michelle ang atensyon namin. "Gaya ng sabi ko kanina. From playful and light to raw and passionate. Migs, you're going to take the lead, okay?"

The Sweetest EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon