Twenty-eight

5.3K 160 6
                                    

Migs

Alam kong wala nang atrasan nang sabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko. Pareho pa ata kaming nagulat sa sinabi ko. Pero nang bigkasin ay alam kong totoo ang mga ito.

Ewan ko kung kelan nagsimula. Ang alam ko lang ay sigurado ako sa nararamdaman ko kahit gaano pa ito kabiglaan. Iniwasan ko ang pakiramdam pagkatapos ng nangyari kay Claire pero alam kong kaming dalawa ni Hannah ay mangyayari't mangyayari kaya hindi ko na lang kokontrahin.

Nang sabihin ko ay tinitigan niya lang ako na parang hindi niya alam kung anong pinagsasasabi ko pero gumaan ang aking pakiramdam pagkatapos. Mamahalin ko siya ng walang hinihinging kapalit kung hahayaan niya ako pero bago no'n, kailangang maturuan ko muna siyang mahalin ang sarili niya.

Mahal ko siya. Lahat sa kanya—ang buong pagkatao niya, mahal ko.

Mahal ko ang katatagan at katapangan niya. Pati ang sarcasm na lumalabas sa tuwing hindi siya kumportable sa sitwasyon. Yung mga panandaliang oras na nagiging vulnerable siya pero pilit niyang ipapakita sa akin na walang makakapagpatumba sa kanya. Yung mga maliliit niyang ngiti na hindi mo lagi makikita pero namamangha ako sa tuwing nakikita ko ang mga iyong umuukit sa labi niya.

Tulad ngayon habang iniisa-isa niyang tingnan yung mga litratong kinuha ni Michelle. Inangat niya yung isa para ipakita sa akin. "Nakuhanan niya yung pagtama ng sapatos sa mukha mo. Sa akin na 'to ah!"

Napangiti ako sa sigasig niya. Pagkatapos ng nangyari ay ganito na si Hannah. Parang biglang may naalis na bigat sa mga balikat niya dahil biglang naging magaan ang pakikitungo niya sa akin. Gusto kong isipin na dahil naibaba ko na lahat ng depensa niya at nakita ko na ang lahat ng sugat niya kaya siya ganyan. Pero alam kong nagtatago pa rin siya sa akin ng mga bagay na dapat kong malaman kaya ayaw kong maging sigurado.

Nakita ko ang pagbaba ng gilid ng mga labi niya at ang pagkunot ng noo niya kaya tinuon ko ang pansin ko sa hawak niyang litrato. Nakatingin siya sa "winning shot" ni Michelle. Tama nga siya nang sinabi niyang ito ang magpapapanalo sa kanya. Nakuha niya yung eksaktong punto ng aktong iyon kung saan wala nang ibang mas importante pa kundi sa dalawang mag-irog. Nadagdagan pa ang tindi ng litrato dahil sa likod ni Hannah. Na tila may nalampasang malaking pagsubok ang dalawang nasa litrato at nakamit na nila ang mga nais nila.

Nakapa-provocative at powerful ng picture lalo na't naka-display ang mga sugat ni Hannah para makita ng lahat.

Lines of scars.

Yung iba, malalim, yung iba mababaw at nakakatakot pagmasdan.

Iba't iba ang maaaring gumawa nito sa balat pero isa ang tiyak ko sa mga ito. At iyon ay ang sakit ng bawat paglapat nito sa likod niya.

Isinara ko ang mata ko na tila kaya nitong pigilan ang mga imaheng namumuo sa isip ko.

Pagmulat ko ay ibang litrato na ang hawak niya. Ito ay kuha mula sa gilid namin. Noong bigla akong hinalikan ni Hannah.

"Ito lang yung kopya nito. Hindi niya daw isasama sa portfolio. Binura niya na pagka-print," sabi ni Hannah sabay sulyap sa akin.

"Anong gusto mong gawin sa litrato?"

"Gusto kong itapon sa dagat." Ginawa niya na parang hinagis niya nga sa dagat ang kanyang hawak. Pagbalik ng kamay niya malapit sa katawan ay hawak pa rin niya ito. Pinagmasdan niya muna ulit bago ilagay sa envelop ang mga litrato maliban sa isang nagustuhan niya saka niya inabot sa akin. "Sa'yo muna. Ikaw na muna ang magtago."

Inangat niya ang dalawang paa niya mula sa pagbitin sa gilid saka pinatong ang baba sa tuhod niya. Saka siya pumikit. Nagmukha siyang bata sa postura niya. Mukha siyang payapa. Alam kong hindi siya nakakakuha ng mga oras ng kapayapaan kaya nga makita lang siyang ganyan ay masaya na ako.

The Sweetest EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon