Nineteen

5.4K 179 4
                                    

Hannah

Inaasahan kong dadalhin niya ako sa mall o sa sinehan. Tapos ipapapanood niya sa akin ang mga sinasabi niyang papatunayan niya. Kung ano man iyon. Hindi ko alam kung ano ang punto ng lahat ng ito kaya sumusunod lang ako sa kanya.

Really, iyon lang talaga ang dapat gawin dahil kung hindi, maliligaw ako.

Iniwan niya ang motor niya sa baba, kung saan nakatira ang dating classmate niya noong high school. Nakipagdaldalan pa siya saglit bago ako hilahin paakyat ng bundok. Not what I was expecting pero kung gustong mamundok ni Migs, hindi na ako makakatanggi dahil bukod sa wala akong ideya kung pa'no bumalik sa rancho, hindi ko na rin alam kung nasaan ako.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" hingal na hingal na tanong ko sa likod niya.

"Sumunod ka lang kasi sa 'kin." Bakit ganoon? Halos mawalan na ng hangin sa baga ko pero siya parang naglalakad lang sa parke.

"Kinakabahan kasi ako sa dinadaanan natin. Wala man lang arrow para ituro kung tama ba ang dinadaanan." Ewan ko ba kung anong pumasok sa kukote ni Migs at bigla siyang nagsimulang mag-trecking dito. Nakakatakot pa kasi ang kitid ng daan at bangin halos ang dinaanan namin.

"Alam mo, iyan talaga ang reklamong inaasahan kong sasabihin ng taga-Maynila. Hindi naman kasi lahat ng daan may arrow. Puso lang minsan ang pinapairal, iyon ang susundan. Isa pa, dapat maligaw ka muna bago mo makita ang tamang daan na tatahakin mo." Lahat ng ito nasabi ni Migs ng nakatingin lang sa dinadaanan niya. Patuloy siya sa paghawi ng mga branch na nakalawit para hindi ako sumabit doon.

Huminto ako sa paglalakad. "Maligaw? 'Wag mong sabihing naliligaw na tayo!"

"Edi hindi ko sasabihin."

Hindi ko na siya nakikita sa kapal ng mga dahong nakaharang sa harap ko. "Migs!" paghiyaw ko.

Nakita kong bumalik siya, isinasantabi ang mga sanga na nakaharang sa mukha niya. "Ako'ng bahala sa'yo, Hannah." Inabot niya ang kamay ko at ipinasok ang mga daliri niya sa espasyo sa gitna ng daliri ko at pinagkuyom niya ang mga ito. Inilapit niya ang magkahawak naming kamay sa mukha niya at hinalikan niya ang side kung nasaan ang kamay ko. Parang isang boltahe ng kuryente ang dumaloy mula sa kamay ko patungo sa buong katawan ko sa contact na iyon.

Gusto kong kumawala mula sa mahigpit niyang pagkakahawak pero gusto ko ring manatili at namnamin ang lahat ng ito.

Isang oras din kaming umakyat. Nagpapahinga kami in between lalo na kapag nagrereklamo ako. Ilang beses din akong napadausdos dahil madulas yung lupa. Buti na lang pala at pinagsuot niya ako ng pantalon. Ang nakakakuha lang ng marka sa katawan ko ay ang kamay ko na pinangsasalo ko sa sarili ko. Pulang pula na nga 'yon. Ito namang si Migs, walang ibang ginawa kundi pagtawanan ako sa tuwing maririnig niya akong napapamura.

Parang tour guide naman siya. Kahit na halos magkakamukha na sa paningin ko ang mga puno, iisa-isahin niya yung mga pangalan nito. Kapag may nakikita siyang punong may bunga pipitasin niya iyon saka kakagat. Inaalok niya ako pero kahit na naglalaway akong kumain, mas nagko-concentrate akong mag-survive sa hike. Mamaya na lang ako kakain kapag tumigil na kami.

"Nandito na tayo," sambit ng kasama ko.

Patag na ang nilalakaran namin pero pagkabanggit niya noon, napaupo ako sa lupa. Napagdesisyunan na ng binti ko na hindi ko na kaya bago pa man sumuko ang utak ko. "Ugh. Hindi na ako sasama sa 'yo kahit kelan."

Nakaangat ang ulo ko para makita siya. Nang tumalikod siya, nakita kong nagtaka siya kung bakit wala ako sa likod niya. Tumingin siya sa baba at napahalakhak.

"Walang nakakatawa," pambabasag-trip ko.

"Meron kung nandito ka sa kinatatayuan ko." Lumapit siya sa akin para alalayan akong tumayo.

The Sweetest EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon