Thirty-five

4.4K 136 11
                                    

Hannah

Hinihintay kong dalawin ng antok. 'Di ako sanay na wala si Migs sa tabi ko. Paikot-ikot ako sa kama dahil ang laki ng espasyo. I can't believe pati sa pagtulog, naging dependent ako kay Migs. Kelan pa ako naging clingy?

Alam kong naka-scowl ako dahil na rin sa magulo kong emosyon. I honestly don't like my thoughts. Hindi ito yung mga madalas na iniisip ni Hannah. Pero sino nga ba ang tunay na Hannah? Sa kasalukuyan, wala na akong ideya.

Tumayo ako para magtungo sa mga kuwadra. Nang daanan ko ang kwarto ko, narinig ko ang mahinang paghilik ni Rhys. Ayaw ko sana siyang patuluyin sa bahay pero wala siyang mapupuntahan. Dapat pala hinayaan ko na lang siya sa labas. Siya 'tong sulpot nang sulpot tapos ako ang mamomroblema sa kanya.

Gusto niya akong kausapin kanina pero isinantabi ko muna siya. Wala pa ako sa mood makipag-usap kaya sinabi ko sa kanyang pagod ako at gusto ko munang matulog. Nakita kong nainis siya sa pag-brush off ko sa kanya. Sasagutin niya dapat ako pero sinara ko yung pinto sa mukha niya.

Paglabas ko ng pintuan sa kusina, sinalubong agad ako ni Ares. Tinapik ko ang ulo niya. "Nakakainis yung amo mo. Ayaw akong komprontahin. Sino ang tumatakbo sa aming dalawa ngayon? Jerk."

Tumahol si Ares. At least may karamay na ako.

Si Danny ang nadatnan kong nagbabantay sa kamalig pagdating namin doon ni Ares.

Napatayo siya nang makita ako. Humarang siya sa daan. "Gabing-gabi na, Hannah. Bumalik ka sa bahay."

Pinanlisikan ko siya ng mata. Iyon lang sapat na para tumabi siya at papasukin ako.

Tulog halos lahat ng mga kabayo. Pagtapat ko sa kulungan ni Shasta, nagtama agad ang tingin namin. Naglakad siya palapit sa akin at inilabas ang ulo.

Lumapit ako at in-outstretch ang dalawang kamay ko para haplusin ang nguso niya. Nang nasanay siya sa hawak ko ay ipinatong ko ang pisngi ko sa mukha niya, patuloy pa rin sa paghagod yung kamay ko. "Ano nang gagawin ko?"

He huffed.

"Natatakot ako dahil gusto kong tumakbo. Hindi ko ata kayang i-handle yung sitwasyon at isinisigaw ng isip ko na iwanan na lang at huwag nang balikan. Kaso naiisip ko si Migs. Unfair sa kanya. Ayoko na ng feelings, Shasta, nakaka-drain. Paano nakaka-survive ang normal na tao sa ganito?" Napatawa ako sa realisasyon pero walang halong humor. "Nakakaya ko kapag pisikal pero kapag emosyonal sinusukuan ko. There's something wrong with me."

Tumango si Shasta.

Inilayo ko ang mukha ko sa kanya at ipinakita ang simangot ko. "Hindi ka dapat sumasang-ayon. Dapat sinasabi mo sa akin na normal lang ako at lahat ng tao dumadaan sa ganito at kung ano mang nangyari ay magagawan ko ng paraan. 'Di ka effective na kausap."

Na-miss ko tuloy si Migs. Yung tanging tao na makakatulong sa akin para masolusyunan ito, iniwanan ako.

Nagalit na tuloy ako. Fine, aayusin ko ito pero makakatikim din si Migs ng laban mula sa akin. Hypocrite! Pagkatapos niyang iparating sa akin sa mga salita't kilos niya na nasa tabi ko lang siya lagi sa tuwing kailangan ko ng suporta, heto siya ngayon. Malayo. Dahil lang sa isang misunderstanding.

Sa isip ko, ipininta ko siyang perpekto. Sure, may mga flaws pa rin siya pero kaya kong i-set aside ang mga iyon dahil kahit yung mga flaws, nag-contribute sa perfection niya. Only, he isn't. Katulad ko meron siyang scars. At alam kong yung kanya ay muling nabuksan nang makita niya kami ni Rhys. Naisip niya yung ginawa sa kanya ni Claire.  Ang una niyang reaksyon ay layuan ako kahit na pinilit kong magpaliwanag.

Because he doesn't trust me.                 

Yung bagay na walang pagdadalawang-isip kong ibinigay sa kanya ay hindi niya kayang ibalik sa akin.

The Sweetest EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon