Eighteen

5.4K 170 11
                                    

Hannah

"Anong pakiramdam na araw-araw kang nagtatrabaho kasama ang mga fafables dito?"

Nililinisan ko si Dimples nang corner-in ako ni Rica sa kuwadra. Tinanong ko siya kung bakit siya nandito at hindi kasama ng mga kaibigan niya kung saan ang sagot niya ay sawa na siya sa "engine-talk" ng uber-obsessed sa kotse niyang kaibigan. Normally, tatarayan ko si Rica para iwanan niya ako pero wala lang siguro akong energy para doon. Isa pa, nakakahawa ang high energy niya. "Ayos lang naman."

"Girl, kumbaga sa pagkain ang ayos lang means walang lasa at pwede nang pagtiyagaan. Mas marami pang adjective para ilarawan ang araw mo sa rancho. Kung ako ang nasa posisyon mo, jusko! Isipin mo na lang lahat ng abs! For breakfast, lunch, dinner... at wag kalimutan, DESSERT!" Pumikit siya at kinagat ang labi niya. Sa sobrang kilig ay nilagay niya ang parehong kamay sa pisngi. Nang idilat niya ang mata niya, nagniningning ito. Nakakatuwang isipin na may tao pang nae-engganyo sa muscles.

Sa sobrang tagal ko ata sa rancho, naging immune na ako sa mga half-naked na katawan ng mga trabahador.

Speaking of half-naked men, pumasok si Migs ng kuwadra at ipinampupunas sa mukha ang kakahubad niya lang na t-shirt. Okay, so hindi ako totally immune.

"Mga diyosa ng betchiwarang abdomen, maraming maraming salamat po!" patiling sigaw ni Rica habang inaabot ang kamay sa kalangitan.

Nagkamot sa likod ng ulo si Migs na nagsanhi ng pag-pull ng muscles niya sa braso. "Hinahanap ka na nila, Rica."

Nag-pout ang kausap. "Ayaw ko pa. Nagsisimula pa lang akong mag-enjoy sa view, paaalisin mo na agad ako, Fafi?"

"Maraming pagpipilian sa talyer, doon mo na lang enjoy-in ang view," sagot ni Migs.

"Kung dadalo ka ng mas madalas, mas gaganda ang view ko. Pero mukhang may mas pinagkakaabalahan ka dito," pilyong ngiti ang idinirekta sa akin ni Rica. Tumayo siya mula sa bangkong kinauupuan at hinawakan ang dulo ng buhok ko. "Maganda ang buhok mo, te. Pero kung gusto mo ng bagong 'do, yung flirty summer look, hanapin mo lang ako. Nagda-dry na rin yung pinakulayan mo sa dulo. Tsk." Dahil dadaanan niya si Migs palabas, hindi niya pinalampas na lumandi. Ipinatong niya ay kanang kamay sa dibdib nito at pinisil ng kaunti. "Ang yummy mo talaga Fafa Migs. See you later!"

Nang makaalis ang bisita namin, dinirekta ko ang atensyon ko sa mukha ni Migs. Kahit na masarap gumala ang tingin. "Sinasadya mo talagang maghubad ng damit para lang kay Rica."

Sinuot niya uli ang t-shirt na hawak kaya nasaksihan ko ang dahan-dahang pag-reveal ng mukha niya. Una kong nakita ang mata niyang punong puno na ng humor bago ko pa man makita ang labi niya. Usually, kapag nagsusuot si Migs ng damit, sa katawan ako nakatingin-hindi naman sa lagi akong nanonood sa kanya habang nagbibihis-kaya nagulat ako sa view nang makita ko ang mukha niya.

"Goal ko ang magpasaya," ang sagot niya. Lumapit siya sa lugar ko at lumuhod sa harap ko para linisin ang kabilang parte ng katawan ni Dimples. "Isang tao lang ang pinaka-challenging sa goal ko."

Nakatuon siya sa ginagawa niya kaya hindi niya nakita nang inangat ko ang mata ko para pagsamaan siya ng tingin. Alam kong nararamdaman niya ang aking death glare pero pinili niyang huwag akong pansinin. Nanahimik lang siya habang tinutulungan akong linisan si Dimples. Ginaya ko na lang siya kesa makipagtalo.

Pagkatapos ng ginagawa ko ay tumayo na ako para sa susunod na igu-groom ko. Narinig ko rin si Migs na gumagalaw sa likod habang tinatapos niya si Dimples. Hindi namin pinag-usapan ang gagawin namin pero tila nagkaroon kami ng silent agreement na siya na ang bahala kay Dimples as if we've been doing this together for a long time.

At iyon na nga. Nakaka-unsettling ng pakiramdam kasi kahit na sa simpleng gawain, nagawa kong maging kumportable sa presensya niya. Pero imbis na isantabi ang pakiramdam, hinayaan ko ang sarili ko na yakapin ito. It was a foreign feeling pero isang iwe-welcome ko over and over again.

The Sweetest EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon