EPILOGUE

18.8K 390 139
                                    

"Bienvenido a España"

Hinintay na kaagad ako ni Mama sa airport. Hindi pa naman kasi ako nakakapunta rito sa Spain kaya hindi pa ako pamilyar. Hindi ko alam kung paano ngingiti sa harapan ni Mama. Sobrang bigat talaga ng pakiramdam ko at kahit ngumiti ay hindi ko magawa.

"Ma," bati ko pagkalapit ko sa kaniya.

"Kumusta ka, anak?" tinapik-tapik niya kaagad 'yung likod ko.

"Hind ako okay, Ma." sinubukan kong ngumiti pero kahit ngumiti ay nahihirapan ako.

"I-t'tour na lang kita, gusto mo ba?" ngumiti sa akin si Mama.

"Huwag na, Ma. Hindi ko rin 'yon maeenjoy."

Hindi na nagsalita si Mama, pumunta na kami roon sa bagong tinutuluyan niya. Mataas na 'yung posisyon ni Mama sa company na pinagta-trabahuhan niya kaya madali niya akong naipasok.

"Hola!" bati kaagad noong babae pagdating namin ng bahay ni Mama.

"Daniel, si Melissa. Bago kong housemate." ngumiti si Mama sa akin. "Pinoy rin siya."

"Hello," ngumiti lang ako nang tipid pagkatapos ay pumasok na ako sa kwarto na sinabi ni Mama.

Pagdating na pagdating ko sa kwarto ay nilabas ko kaagad 'yung picture frame na may picture namin ni Lian, picture namin 'yon noong graduation ko. Nilagay ko rin sa box 'yung capsule na regalo niya at 'yung sticky note na 100 reasons.

"Ilang araw pa lang, miss na kita." hindi ko na napigilan. Naluha na ako habang kinakausap 'yung frame na nasa side table ko. "Kumusta ka na kaya?"

Kinuha ko 'yung cellphone ko at tinanggal 'yung sim ko. Pinutol-putol ko 'yon bago itapon sa basurahan. Hindi ko na tinignan kung sino 'yung mga nagtext. Wala na rin naman akong hinihintay na text.

Tinulog ko na lang lahat ng sakit. Sobrang miss ko na si Lian pero wala naman akong magawa. Pakiramdam ko ay kailangan namin parehas ng oras. Hindi niya ako kayang pakinggan man lang, sinabi niya na hindi niya ako mahal. Kahit sobrang sakit, kahit pinapatay ako, kailangan kong umalis.

Kailangan muna naming ayusin 'yung mga sarili namin. Kailangan naming matuto parehas.

"Kain ka na, anak." nagdala na naman ng pagkain si Mama sa kwarto ko dahil ayokong lumabas. Hindi na ako lumalabas ng kwarto ko dahil next week pa naman ang simula ng trabaho ko. Nagkukulong lang ako.

"Sige po, pakilagay na lang diyan, Ma. Salamat." ngumiti ako habang nakahiga sa kama at nakabalot sa kumot.

Lumapit sa akin si Mama at umupo sa tabi ko. "Anak,"

"Po?"

"Umayos ka naman. Please." hinawakan niya 'yung kamay ko. "Hindi ka na pwedeng ganiyan kapag nagsimula na 'yung trabaho mo."

"Kailangan ko lang ng oras, Ma." I smiled sadly.

"Hindi siya matutuwa kapag nakita ka niyang ganiyan."

"Hindi siya matutuwa kapag nakita niya ako, Ma." I laughed sarcastically.

"Galit lang siya, anak. Nasaktan lang siya pero sigurado akong mahal ka niya." ngumiti sa akin si Mama. "Sigurado ako, anak."

"Ma, ayaw ko nang umasa."

"Ayusin mo muna 'yung sarili mo, anak. Pwede mo naman siyang mahalin mula sa malayo sa ngayon. Kailangan niyo lang ng oras pero naniniwala akong mahal niyo pa ang isa't isa."

Ngumiti ako. "Susubukan ko, Ma."

Nang magsimula na 'yung trabaho ko ay binuhos ko lahat ng oras ko roon. Nag-aral din ako ng spanish language para hindi ako mahirapan makipag-usap. Halos wala na akong ibang ginawa sa buhay ko kung hindi magtrabaho, matulog, magtrabaho, kumain. Puro ganoon na lang.

Running After Your Heart (Change Series #2)Where stories live. Discover now