Chapter 37

10.5K 241 44
                                    

"Tatanggapin mo?"

Hindi ako makapaniwala sa tanong ni Drew. Para akong nanaginip, tatanggapin niya 'yung pagkaing ibibigay ko sa kaniya? At hindi lang 'yon, sabayan ko pa raw siya. Nakakainis naman, gusto kong umasa.

"Bakit hindi?" kumunot 'yung noo niya.

"Kasi... 'yung..."

"Tara muna sa office." hinawakan niya 'yung palapulsuhan ko para mahila ako papunta sa office niya. Pakiramdam ko ay may kuryenteng dumadaloy sa pagkakahawak niya sa akin.

"Upo ka muna," iniwan niya ako sa couch at may ginawa siya sa laptop niya bago isara. Umupo na rin ako at pinatong ko na sa center table 'yung paper bag.

"Umh, Engineer Mendez?" pagtawag ko. Papalapit na siya sa akin ngayon.

"Hmm?" tinaas niya 'yung kilay niya at umupo sa tabi ko.

Totoo ba 'to? Katabi ko ngayon si Drew at kakain kami? Para akong nananaginip.

"Lian," bahagya niyang tinapik 'yung braso ko dahil nakatulala lang ako sa kaniya.

"Ah, oo." I faked a cough before preparing our food. Nilabas ko 'yung dalawang box sa paper bag. "Ito 'yung sa 'yo." unti-unti kong ini-slide 'yung box ng flavor shots sa tapat niya.

"Thank you," tipid niyang sagot at nagsimula nang kumain. Pinapanood ko lang siya, hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko siya ngayon. "Hindi ka ba kakain?" tanong niya. Napapikit ako ng dalawang beses at nag-iwas ng tingin sa kaniya.

"Buti tinanggap mo," tinignan ko siya saglit pero inalis ko rin, binalik ko 'yung mata ko sa pagkain ko.

"Bakit nga hindi?" patuloy lang din siya sa pagkain.

"Kasi... 'yung... 'yung cupcake." nahihiya kong sagot.

"Hindi naman kasi para sa akin." he chuckled.

Tumingin ako sa kaniya. "Huh?"

"Sabi mo para sa tauhan," tumingin din siya sa akin. Magkatinginan kaming dalawa ngayon.

"Tsk," umirap ako bago kumain ulit.

"Totoo naman," natawa siya uli nang bahagya.

"Late na, hindi ka pa ba hinahanap ng girlfriend mo?" tanong ko habang nakatingin sa pagkain ko.

Nakita ko sa peripheral vision ko na napatingin siya sa akin." Sinong girlfriend?"

"Uuwi pa nga nang maaga." bulong ko, hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya.

"Si Melissa ba?" nakatingin pa rin siya sa akin.

Humarap na ako sa kaniya at ngayon ay magkatitigan na kami. "Wala akong pakielam sa pangalan niya." umirap ako at binalik nalang 'yung tingin ko sa pagkain. Narinig ko pang natawa nang bahagya si Drew.

Hindi na ako nagsalita ulit, hindi na rin siya nagsalita at kumain na lang ulit. Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa maubos na namin. Wala pala kaming inumin!

"Bibili na lang ako ng tubig sa baba." he offered.

"Ako na," tumayo ako. Hindi ko na hinintay 'yung sagot niya dahil lumabas na ako ng office niya.

"Ayaw pa nga," bigla na lang sumulpot sa gilid ko si Calynn habang bumibili ako rito sa cafeteria.

"Sshh," hindi ko siya tinignan at kinuha na lang 'yung tubig.

"So proud." natatawa niyang sabi bago umalis. Pagtingin ko ay naghihintay na sa kaniya si Steve at mukhang uuwi na sila. Napatingin tuloy ako sa relo ko. Hala, late na pala. Baka mamaya iniwan na rin ako roon ni Drew.

Running After Your Heart (Change Series #2)Where stories live. Discover now