Chapter 26

8.8K 170 11
                                    

"Today is the day!"

Nagising na lang ako dahil ina-alog-alog ako ni Drew para gisingin. Humarap ako sa kaniya habang aantok-antok pa. Nahihilo pa nga ako sa ginagawa niya kaya nilagay ko 'yung kamay ko sa mukha niya pero kinuha niya lang ulit 'yon at tinawanan ako. Pambihira talaga si Drew!

"Inaantok pa ako," I said in my morning voice.

"Puyat pa." natatawang sabi niya habang nakaupo sa gilid ng kama. "Gising na!" inalog-alog na naman niya ako.

"Hmm!" inalis ko 'yung kamay niya sa braso ko dahil nahihilo ako sa ginagawa niya.

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong daganan. Nakadapa siya ngayon sa ibabaw ko kaya napadilat ako. Nakatingin lang siya sa mga mata ko habang ako ay gulat na gulat sa ginawa niya.

"See?" natawa siya. "Nagising ka rin."

Bahagya kong hinawi 'yung mukha niya. "Bigat mo!"

Umalis na siya sa ibabaw ko at tumayo. "Gumising ka na riyan, mauuna pa yata customer mo sa 'yo!" tatawa-tawa niyang sabi habang papalabas ng kwarto.

"Siraulo!" sigaw ko bago tumayo sa kama para sumunod na sa kaniya.

Nagsuot ako ng plain white short sleeves fitted polo tucked in with wide beige slacks, nagsandals lang din ako.

"Ganda," biglang sabi ni Drew paglabas ko ng kwarto, kakatapos lang niyang maligo at sa CR na siya nagbihis. Nakasuot rin siya ng white short sleeves polo na may lining na black sa colar at sleeves. I walked towards him. "Ganda mo," halos pabulong niyang sabi habang nakangiti.

"Gwapo mo!" sagot ko at hinalikan siya sa pisngi. Pumunta na ako sa couch at kinuha na 'yung gamit ko. Pumunta rin siya sa kwarto para kuhanin 'yung wallet niya at susi ng sasakyan.

"Ah!" sigaw ko pagpasok ko ng sasakyan. "Last na, kinakabahan talaga ako!"

Natawa siya nang bahagya bago ako akbayan at hitakin palapit sa kaniya. "Last na rin, I'm proud of you."

Pumunta na kami sa bakeshop, may tarpaulin doon at may mga lobo, may ribbon cutting pa dahil nirequest pa 'yon ni Calynn. May mga nakuha na rin akong ilang tauhan, 10 employees, kasama na 'yung sa kitchen at mga waiter.

"Lian!" sigaw ni Calynn pagbaba ng sasakyan ni Steve. "Congrats!" niyakap niya kaagad ako. Medyo marami na ring tao at naghihintay kami rito sa labas.

Nandito na sina Addie, dumating na rin si Mama. Pumunta rin si Rose at 'yung iba naming ka-dance troupe. Pumunta rin si Mark and for some reason, kasama si Sara. Linggo kasi ngayon kaya free sila.

"Without further ado, let's call the owner of the Bread & Books." sabi noong emcee. Lumapit ako at tinaas ni Drew 'yung Ribbon para makapasok ako. Ako lang mag-isa 'yung nasa gitna dahil sa akin lang naman 'yung bake shop. Binigay na sa akin 'yung microphone.

"Thank you for coming..." panimula ko sa speech ko. "Welcome to Bread & Books." I smiled, they clapped. "I still can't believe it," natawa ako nang bahagya. "Pangarap ko lang 'to pero ngayon ay natupad na." pumalakpak ulit sila. Proud na proud sina Calynn, katabi niya si Steve at sina Nat. "This bakeshop is dedicated to my friends and family." I added. "Ma," tumingin ako kay Mama at ngumiti siya. "Girls," isa-isa ko silang nginitian. "And to my partner, babe." I looked at Drew. "This would not have been possible without your undying support." nginitian ko siya, he smiled back. "And to all of you guys, thank you for being with me today. I am hoping for your endless support as this business has just been started."

"My name is Brielle Liana Bernardo and I am the owner of Bread & Books. Thank you."

Nagpalakpakan na sila. Pinicture-an nila ako. Tinawag ko sina Mama, Drew at Calynn para tumabi sa akin sa pagc'cut ko ng ribbon. Parang gusto ko nang maluha nang guntingin ko na 'yung last part ng ribbon. Tinaas ko 'yon at nagpalakpakan sila.

Running After Your Heart (Change Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon