Chapter 35

10.5K 224 22
                                    

"Ano? Nakita mo si Drew?"

Napasigaw si Nat, nandito kami ngayon sa kwarto ni Calynn at binabantayan pa rin siya dahil tulog pa rin siya. Nakatulala ako kanina habang papasok dito sa kwarto ni Calynn, nang nasa pinto na 'ko, nakita ako ni Nat at hinila ako sa loob. Hindi na niya ako tinigilan, tanong siya nang tanong kung anong nangyari sa 'kin.

"Sshh," binawal ko siya dahil natutulog si Steve. Nasa upuan siya sa tabi ni Calynn, nakapatong 'yung ulo niya sa kama at hawak pa niya 'yung kamay ni Calynn.

"Sorry," nagtakip ng bibig si Nat. "Bakit daw?"

"Anong bakit?" kumunot 'yung noo ko.

"Bakit nandito?"

"Hindi ko alam," nagkibit-balikat ako. "May kasama ngang babae, eh."

"Ano?!" sigaw na naman niya kaya nagising si Steve. "Hala, Steve, sorry."

"It's okay." mumulat-mulat na sagot ni Steve at ngumiti kay Nat.

"Halika nga!" hinila ko siya palabas dahil hindi niya mapigilang sumigaw. "Anong oras ba shift mo?"

"Mamaya pa akong 7:00, sino 'yung babae?" umupo siya sa upuan dito sa labas kaya umupo na ako sa tabi niya.

"Hindi ko nga alam, baka girlfriend." I smiled sadly.

"Wait nga," kinuha niya 'yung phone niya at may tinignan doon. "Wala namang babae rito."

"Ano ba 'yan?" nakikisilip ako sa phone niya.

"Instagram ni Dre ⎯ shit! Nandito ka pa, Lian!" sigaw na naman niya. Mabuti na lang talaga at lumabas na kami ng kwarto ni Calynn.

"Seryoso?" nanlaki 'yung mata ko. Ang huling tingin ko sa instagram niya ay noong oath taking ni Calynn.

"Bakit hindi nagbubura? Oh, ikaw rin?" pinakita niya 'yung profile ko, hindi ko rin naman binura 'yung mga picture namin.

"Hindi ko 'yan buburahin."

"Bakit wala rito 'yung babae kung girlfriend?" nagtatakang tanong niya habang ini-stalk si Drew sa instagram.

"Baka lowkey." I chuckled pero ang totoo ay para na akong dinudurog ng idea na may iba na si Drew.

Kailan kaya siya umuwi? Matagal na ba siya rito sa Pilipinas? Hanggang kailan kaya siya rito?

Ang daming tanong sa isip ko pero alam ko namang hindi ko na 'yon pwedeng itanong sa kaniya dahil magsimula noong pinaalis ko siya sa buhay ko ay nawalan na rin ako ng karapatan sa kaniya.

-

"Calynn, nagkita kami ni Drew." pagkukwento ko. Kami lang dalawa rito dahil may tinatanong si Steve sa doctor. Nakatayo lang ako sa harapan niya. "May kasama siyang iba." nagsisimula nang tumulo ng luha ko.

"Gising ka na riyan, please. Hindi ko na alam 'yung gagawin ko." hindi ko na napigilan, nagsisimula na akong humikbi.

"Kailangan ko 'yung mga payo mo, gising ka na." I covered mouth to stifle my sobs. Nakatingin lang ako sa kaniya at blurred na siya ngayon dahil sa mga luha ko.

Para akong namalikmata nang makita kong dumilat si Calynn. "Where's Ate?" tanong niya.

Lalong lumakas 'yung hikbi ko. "Lian, where's ate? What happened to me?"

Lumabas ako ng kwarto niya dahil nahihirapan akong makitang hinang-hina siya. Hinahanap niya si Ate, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Stop lying!" sigaw niya. Hindi niya matanggap na wala na si Ate. Lumabas ako ng kwarto para tawagin si Nat. Mabuti na lang at si Nat 'yung nurse na naka-assign kay Calynn.

Running After Your Heart (Change Series #2)Where stories live. Discover now