Chapter 24

8.4K 198 18
                                    

"Calynn,"

Umiiyak akong kumatok sa bahay nila. Pinagbuksan niya ako kaagad at niyakap nang makita niyang umiiyak ako. Napatakip ako sa bibig ko, hikbi lang ako nang hikbi. Parang hindi pa rin nagsy-sync in sa akin. Limang taon? Limang taon kong hindi makikita si Drew? Kaya ko ba 'yon?

"Why?" she asked while caressing my back.

"Umalis na si Drew." humihikbing sabi ko habang nakayakap sa kaniya.

Bumitiw siya sa akin. "Come here," inakbayan niya ako tapos pinapasok ako sa loob at pinaupo sa sofa nila.

"Limang taon," humihikbi pa rin ako. Nakaakbay lang siya sa akin at nakasandal ako sa balikat niya.

"Sshh," she caressed my arm.

"Hindi ko yata kaya 'yon." tinakpan ko 'yung bibig ko.

Hinarap niya ako sa kaniya. "Sometimes, it's okay to let go the person you love. You'll both grow in the process." mahinahong sabi niya.

"Gusto ko siyang pabalikin," hindi na ako matigil kakahikbi. "Ayaw ko siyang umalis, Calynn!" niyakap niya ako dahil papalakas na nang papalakas 'yung hikbi ko.

"Everything will be okay." hinaplos niya 'yung likod ko.

Hindi ako nagtagal kina Calynn, umuwi rin ako kaagad. Pagbaba ko ng taxi ay nagsimula na naman magtubig 'yung luha ko. Pumasok ako sa loob habang umiiyak at pumasok ako kaagad sa kwarto ko.

Kinuha ko 'yung spotify plaque na regalo niya sa akin noong Valentine's Day. Lumabas ako at umupo sa couch dahil mas madalas kami roon. Mas naf'feel ko siya roon.

Umiiyak ako habang hinahaplos 'yung picture namin noong acquaintance party. Iniiwasan ko ngang humikbi nang malakas dahil baka magising si Mama.

"Lian,"

Parang nanlamig 'yung buong katawan ko nang marinig ko 'yung boses ni Drew. Lumingon ako sa pinto. I blinked twice, thrice... paulit-ulit bago ako tumayo at unti-unting lumapit sa kaniya.

"Drew?" hindi mapaniwalang tanong ko. Sinampal ko pa 'yung sarili ko dahil baka imagination ko lang. Nababaliw na ba ako?

"Babe, ano ba 'yan!" hinawakan niya 'yung kamay ko na pinang-sampal ko at mabilis akong niyakap.

"Gago ka, anong ginagawa mo rito?" tanong ko habang nakayakap siya sa akin.

"Hindi ko kaya," bulong niya.

Humarap ako sa kaniya. "Ano?"

"Sabi mo, I should choose my future." panimula niya. "You're my future so I am choosing you."

Sunod-sunod na tumulo 'yung luha ko dahil sa sinabi niya. Yumakap ako nang mahigpit sa kaniya. "Tanginang 'to!" umiiyak lang ako, natawa siya nang bahagya sa pagmumura ko.

Hinarap niya ako ulit sa kaniya. "Mahal kita, hindi ko kayang malayo sa 'yo. Lalo na kung limang taon? Hindi ko 'yon kaya, Lian."

Nagpunas ako ng luha. "Balak ko na ngang itext ka para pabalikin." nagtakip ako ng mukha. "Hindi ko rin pala kaya," humikbi ako nang malakas.

Inalis niya 'yung kamay ko sa mukha ko. "Sshh," he wiped my tears using his thumb. "Nandito na ako, huwag ka nang umiyak. Hindi ako mawawala."

Tumango-tango ako bago hawakan 'yung pisngi niya para halikan siya. Niyakap ko ulit siya nang sobrang higpit pagkatapos noon.

"Anong sabi ni Tita?" tanong ko habang nakahiga ako sa couch, nakaupo siya at nakaunan ako sa hita niya. "Nagalit ba?"

"Hindi," sagot niya habang hinahaplos 'yung noo ko.

Running After Your Heart (Change Series #2)Where stories live. Discover now