Chapter 7

11K 310 157
                                    

"Sinagot na ni Helen si Drew?"

Hindi ako makapaniwala, halos mapaluwa 'yung mata ko sa narinig. Ano raw? Nanliligaw pa rin si Drew kay Helen? Pero bakit? Bakit pa niya ako tinawagan? Bakit parang mayroong kung ano sa amin? Bakit sa mga kinikilos niya ay parang gusto niya ako? Wala lang 'yon? Umasa lang ako? Ang dami kong tanong!

"Sayang, akala ko pa naman bet ka niya dahil hiningi niya sa akin 'yung number mo." sabi ni Christy. Sa kaniya pala nakuha ni Drew 'yung number ko.

"Hello," napaayos ako ng upo nang pumasok 'yung teacher sa room, nasa likod niya si Drew.

"Malapit na 'yung Inter-University." panimula noong teacher. "Kailangan niyo ulit mag-audition para masala namin kung sino 'yung kailangang sumali."

"Girl, audition tayo!" siniko ako ni Alex.

"Huh? Titignan ko pa." ngumiti ako nang tipid.

"Bakit? Ang galing-galing mo, sure ako makukuha ka." dagdag ni Christy.

"Sa Friday gaganapin 'yung audition. Magready na kayo." huling sabi ng teacher bago kami palabasin.

Nagmamadali akong lumabas dahil ayaw kong makausap si Drew. Para akong tangang nakatulala habang naglalakad. Umupo ako sa bench malapit sa building namin. Mag-isa lang akong nakaupo roon.

"Liana!" masayang sigaw ni Addie na papalapit sa akin. "Kumu⎯" hindi na niya natapos nang mapansin niyang may tumutulong luha sa mata ko. Mabilis kong pinunasan 'yon at mabilis rin siyang tumabi sa akin. "Anong nangyari, bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong niya.

"Wala." maikling sagot ko habang nagpupunas ng panibagong luha na tumulo.

"Sabihin mo, anong nangyari?" seryoso na ang boses niya ngayon. Bigla na lang akong napahagulgol, bigla rin niya akong niyakap. "Gago, anong nangyari!" nag-aalala niyang tanong habang hinahaplos 'yung likod ko. "Sino? Sino umaway?" tanong pa niya.

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya. "Tama ka nga..." humikbi ako. "Tama ka, wala kaming label, mali," napatakip ako sa bibig ko para mapigilan 'yung paghikbi ko.

"Si Drew?" nakakunot 'yung noo niya. "Anong ginawa sa 'yo nung gago na 'yon?!" galit na galit niyang tanong.

"Sila na pala nung Helen, nililigawan pa pala niya 'yon." humihikbi pa rin ako. Magsasalita pa sana si Addie nang biglang dumating si Nat, kasama na niya si Elly.

"Hoy, nakita ko kanina si Drew kasama si Helen." panimula niya at umupo sa tapat namin. "Nagtanong-tanong ako sa mga kaklase ko, sila na raw." dagdag pa ni Nat na lalo kong kinaiyak.

"Eh, gago pala siya, eh." sigaw ni Addie habang nakahawak sa likod ko. "Lalandi siya, may nililigawan pala!"

"Hi, girls⎯" naputol 'yung sasabihin ni Calynn nang humarap ako sa kaniya na umiiyak. "What happened?" nag-aalala tanong niya at tumabi sa kabilang side ko.

"Eh, 'yung Drew raw. May girlfriend na pala." pagpapaliwanag ni Elly. Lalo tuloy akong naiyak.

"What the fuck?!" napatayo si Calynn at mabilis na umalis.

"Calynn!" sigaw pa ni Elly sa kaniya pero parang wala siyang naririnig. "Nat, sundan mo!" siniko ni Elly si Nat. Nagmamadali namang sumunod si Nat.

Hindi ako makatayo, ayokong magpakita kay Drew na umiiyak. Baka isipin niya sobra akong naapektuhan. Kinuha ko sa bag ko 'yung bracelet na pasalubong ko sana at tinignan lang 'yon habang umiiyak ako.

Kinuha ni Addie sa akin 'yung bracelet. "Hindi nakakatulong." sabi niya at tinago niya sa bag niya.

"Addie, jusko si Calynn parang susugod sa giyera." nag-aalalang sabi ni Elly kay Addie. Nasa tapat namin si Elly ngayon at nakasabunot sa ulo na parang stress na stress.

Running After Your Heart (Change Series #2)Where stories live. Discover now