Chapter 28

8.4K 193 28
                                    

"Lian, what happened?!"

Narinig ko 'yung boses ni Calynn na kakapasok lang ng kitchen, nandito ako at may bine-bake. Nilingon ko siya saglit pero binalik ko 'yung mata ko sa ginagawa ko dahil nahihiya ako sa ginawa ko kagabi. Dahil sa mga kalokohan ko ay nadamay ko pa sila ni Steve, sobrang nakakahiya.

"Sorry, Calynn."

Nilapag niya 'yung bag niya sa lamesa at lumapit sa akin. "Ano ba kasing nangyari?"

Tumingin ako sa kaniya. "Nag-away kasi kami ni Drew." yumuko ako.

Niyakap niya ako. "Okay ka na ba? Okay na ba kayo?"

Bumuntong hininga ako at tumango. "Sorry sa kagabi, Calynn. Pakisabi kay Steve, sorry."

Hinarap niya ako sa kaniya. "Huwag mo nang isipin 'yon, ang importante okay na kayo."

Ngumiti ako sa kaniya. "Sorry ulit."

"Sshh," hinaplos niya 'yung braso ko at ngumiti sa akin.

Umalis na rin si Calynn maya-maya dahil gabi siya pumunta, kailangan pa raw kasi niyang magreview. Galing pa pala siya ng school noong pumunta siya rito. Pinadalhan ko na lang siya ng cupcake at pinadalhan ko na rin si Steve para naman makabawi ako sa kanila kahit papaano.

"Babe!" sumilip si Drew sa pintuan ko, nandito ako ngayon sa table sa office ko. Natawa pa ako sa itsura niya.

"Hello," nakangiting sabi ko, pumasok na siya ng tuluyan sa pinto. Napangiti ako dahil may dala siyang bulaklak pagpasok niya ng pinto.

"Happy Valentine's Day!" lumapit siya sa akin at inabot niya 'yung bulaklak.

Tumayo ako. "Aww. Thank you." nakangiting kinuha ko 'yon.

"Pwede ka ba ngayon, aayain kita mag-date." natawa ako nang bahagya dahil parang nahihiya pa siya.

"Para kang high school na nag-aaya sa crush." natawa ako bago kuhanin 'yung bag ko na nasa couch.

"Angel, kayo na magsara." sabi ko kay Angel na nasa counter nang makalabas na kami ng office.

"Okay po, mukhang may date si Ma'am." nang-aasar na sabi ni Angel habang nakatingin sa bulaklak.

"Magsara na lang kayo nang maaga para makapag-date rin kayo." I chuckled. "Sige."

Pumunta lang kami sa restaurant ni Drew at kumain. Ang dami nga ring couples kaya medyo nakakailang pero okay lang, couple din kami.

"Happy Valentine's Day." tinaas ni Drew 'yung wine glass niya.

"Happy Valentine's Day, babe." pinag-untog ko 'yung baso namin.

-

"Sure ka na?" tanong ni Drew habang nakaupo ako ngayon dito sa kama at nakatingin sa laptop ko.

"Oo, babe. Malaki naman 'yung kita, eh." sagot ko.

Balak ko nang kuhanin 'yung isa pang space para mas lumaki 'yung bakeshop. Okay naman na kasi 'yung kita. Ayon nga lang, kailangan ko na magdagdag ng mga gamit para sa isang space.

Tumabi siya sa akin at ngumiti. "Okay,"

Tumingin ako sa kaniya. "Kaya ko naman, 'di ba?"

Hinampas ni Drew 'yung kama bago tumayo. "Kayang-kaya!" sigaw niya. Natawa na lang ako.

"Samahan mo ako ulit pagbili ng gamit?" tanong ko habang kumukuha siya ng damit.

Napalingon siya sa akin. "Siyempre naman." he smiled. Tumango ako at nginitian din siya.

Gaya ng plano namin ay pumunta kami sa mall. Sunday kami pumunta para wala siyang pasok. Isa pa namimiss ko na rin siya kaya gusto ko sana ng quality time with him. Medyo busy na rin kasi si Drew.

Running After Your Heart (Change Series #2)Where stories live. Discover now