Chapter 12

9.6K 204 44
                                    

"Anong problema mo?"

Sigaw ni Drew kay Ron habang tumatayo. Nakahawak 'yung thumb finger ni Drew sa labi niya dahil may dugo roon. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nandito si Ron at sinusuntok si Drew. Alam naman niyang boyfriend ko si Drew, ah?!

"Lian, anong ginagawa sa 'yo nito?" napatalon ako nang suntukin na naman ni Ron si Drew kaya napaupo si Drew. Nagmamadaling tumayo si Drew at sinuntok din si Ron.

"Hoy, tama na!" sigaw ko sa kanila. Tumayo sila parehas at nagsuntukan na nang nagsuntukan. Lumapit ako para awatin sila pero mabilis akong hinawi ni Ron kaya napatalsik ako at napaupo.

"Aray!" sigaw ko dahil naituon ko 'yung palad ko sa pako kaya dumugo 'yon. Tinignan ako ni Drew at nanlaki 'yung mata niya nang makita niyang may dugo 'yung kamay ko. Sinuntok niya pa si Ron ng isa pang beses bago lumapit sa akin.

"Lian, okay ka lang ba?" hawak-hawak niya 'yung palad ko na dumudugo pa rin. Ang sakit pala!

Nagulat na lang ako nang may dumating ng mga guards. Hinawakan nila si Ron pati si Drew. Ngayon ko lang napansin na nakatingin na pala 'yung ibang tao sa amin. Narinig siguro nila 'yung sigaw ko kanina.

"Sumama na lang po muna kayo para maayos po natin 'yung gulo." sabi ng isang guard. Nagpumiglas si Drew sa guard para alalayan ako.

Nandito kami sa security office ng resort. Tumawag na daw sila ng medic dahil sa mga sugat namin. Hinihintay na lang din daw 'yung may-ari.

"What happened here?" biglang pumasok si Tito Raf sa office.

"Oh, my gosh, Lian." nagmamadaling lumapit si Calynn at hinawakan 'yung kamay ko na may bandage. "What happened to you?" nag-aalalang tanong niya. Nasa katapat na upuan namin si Ron at magkatabi naman kami ni Drew.

"Pinagtanggol ko lang po si Lian." sagot ni Ron kay Tito Raf.

"Why?" Tito Raf asked.

"Pinagsasamantalahan niya po si Lian." tinuro ni Ron si Drew. Nanlaki naman 'yung mata ko at kitang-kita ko 'yung inis sa mukha ni Drew.

"Paano kong gagawin 'yon, eh, girlfriend ko siya?" iritang tanong ni Drew.

"Sumisigaw na nga siya ng rap⎯"

"Tito, misunderstanding lang po lahat." pagputol ko sa sasabihin ni Ron dahil nahihiya ako. Pambihira, nagbibiruan lang kami ni Drew bakit ba niya sineryoso?

"So, paano natin maaayos 'to?" tanong ni Tito.

"Ako na po 'yung humihingi ng pasensiya, Tito." nakayukong sabi ko.

"Banned na po ba kaming tatlo rito?" tanong ni Ron.

"Of course not!" sigaw ni Calynn. "Hindi mababanned 'yung best friend ko sa hotel namin. Right, Dad?" hinawakan ni Calynn 'yung braso ni Tito.

"Of course, anak. Lian won't be banned here." napabuntong hininga si Calynn. Ganoon din ako. "Ayusin na lang natin 'to sa maayos na usapan." sabi ni Tito.

"Sorry, bro." tumayo si Ron at inabot niya 'yung kamay niya kay Drew. Inabot din naman ni Drew 'yung kamay niya at tumango. Nakahinga ako nang maluwag dahil walang demandahang nangyari.

"Ano ba kasing nangyari?" bulong ni Calynn nang palabas na kami roon. "Bakit ba hinaharass ka raw ni Drew?" tanong niya.

"Nagbibiruan lang naman kasi kami ni Drew. Malay ko bang maririnig pala ni Ron tapos aakalaing totoo." bulong ko rin. Nasa likod lang namin si Drew at papunta na kami sa room namin.

Kinurot ni Calynn 'yung baywang ko. "Next time kasi sa room na lang." bulong niya pa na ikinatawa ko.

"Sige, next time." nagbeautiful eyes ako kaya siniko niya ako nang bahagya.

Running After Your Heart (Change Series #2)Where stories live. Discover now