Chapter 6

12.7K 317 188
                                    

"Para sa akin?"

Nanlaki 'yung mata ni Drew habang nakatingin sa cupcake. Kitang-kita ko kung paano niya pigilan 'yung ngiti niya. Unti-unti siyang lumapit at inabot 'yung cupcake na dala ko. Nahihiya pa nga ako dahil nagtama pa nang kaunti 'yung daliri namin. I pursed my lips, trying to act normal. Nakakamatay 'yung titig ni Drew.

"Ibig sabihin..." mapang-asar 'yung tingin niya kaya mabilis akong lumakad para hindi na niya ako tanungin. "Thank you, crush!" rinig ko pang sigaw niya.

"Lian, nag-aaya 'tong si Calynn!" sigaw ni Addie at itinuro pa si Calynn. Kakalabas ko lang ng room at hindi ko alam kung bakit naka-abang silang apat sa akin ngayon.

"Hinihintay niyo ba ako?" tanong ko.

"Nababaliw na yata 'yang bestfriend mo!" sigaw ni Nat. Nakakrus lang 'yung braso ni Calynn at hindi nagsasalita.

Kumunot 'yung noo ko. "Huh? Bakit?"

"Nag-aaya mag Baguio." umiling-iling si Elly.

"Okay lang naman, kailan ba?" tanong ko habang may inaayos sa bag ko. Nakatayo pa rin kami sa labas ng room ko.

"Ngayon!" sabay-sabay na sigaw nina Addie, Nat at Elly. Napalingon ako kaagad sa kanila at napairap naman itong si Calynn.

"Ano? Baliw ka ba?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Calynn.

"No." tipid na sagot niya. "Gusto ko lang naman kayong makasama. Friday naman, eh." sabi pa niya na akala mo ay nakakaawa.

"Pwede naman, Calynn. Pero bakit naman ngayon? Naka drugs ka ba? Nilalagnat ka ba?" hinawakan ko pa 'yung noo niya.

"What? No!" tinapik niya nang bahagya 'yung kamay ko. "Please, girls. Sagot ko na 'yung hotel."

"Calynn," mahinahong tawag ko dahil komplikado 'yung gusto niya.

"Okay lang kung ayaw niyo, hindi niyo naman ako love." pagpapaawa niya habang nilalaro 'yung daliri niya. Nagkatinginan kami ni Addie at sabay na napailing. "Sige, uwi na lang tayo." malungkot na sabi ni Calynn habang nakatingin pa rin sa daliri niya.

"Oh, my God, 'yung kapatid ko!" nag-aalalang sabi ni Nat at napasabunot pa sa sarili. "Sandali nga." kinuha niya 'yung phone niya.

"Eto na, Calynn. Kukuhanin ko na rin 'yung cellphone ko." sabi ni Addie.

"Hay nako, Calynn" nagbuntong-hininga si Elly.

Tumingin sa akin si Calynn na parang hinihintay niya ko kuhanin 'yung phone ko. "Ano?" tanong ko sa kaniya.

"Aren't you going to... you know? Paalam sa parents?" nagpapacute niyang sabi. Napailing na lang ako bago kuhanin 'yung cellphone ko.

To: Mama
Ma hindi ako uuwi. Nababaliw si Calynn nag-aaya mag Baguio

"Pinayagan na ako, Bella Calynn, nanggigigil ako sa 'yo!" eksaheradang sabi ni Nat at parang kukurutin pa si Calynn.

"Oo na!" dagdag ni Addie. Napailing na lang ako nang lumaki 'yung ngiti ni Calynn.

"Tara na ba?" aya ni Elly kaya lalong napangiti si Calynn.

From: Mama
Ingat kayo

"Oo na! Jusko ka naman!" napasabunot ako sa sarili ko.

"Yey!" napatalon pa si Calynn at nanguna na lumakad palabas ng school. Nagtatatalon pa habang lumalakad.

"Alam mo, tingin ko baliw na 'yan." bulong ni Addie habang nakatingin kami kay Calynn na patalon-talon palabas.

"Ihanap mo ng jowa para tumino." dagdag pa ni Elly.

"Oo nga para magmatured." biglang lumingon sa amin si Nat. Akala ko naman ay hindi siya nakikinig.

Running After Your Heart (Change Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon