Chapter 14

9.5K 206 22
                                    

"Pinapakilig mo ako!"

Nahihiyang sigaw ko kay Drew habang binibigay ko 'yung kamay ko para mahawakan niya. Tumawa siya nang bahagya at tumayo na para makapagsimula na kaming sumayaw. Para akong nakukuryente kapag nagdidikit 'yung kamay naming dalawa. Kinikilig talaga ako!

"Lookin' in your eyes I see a paradise... This world that I've found is too good to be true..." the music started.

Nag-freestyle kami pero hindi ko alam kung bakit nagkakasundo 'yung mga galaw namin. Inikot ako nang mabilis ni Drew papunta sa kaniya at tumingin lang ako sa mata niya.

"Let 'em say we're crazy... I don't care about that" we continued dancing as the music continued.

Huminto siya at itinaas 'yung kamay namin na magkahawak. Umikot ako sa posisyon ko habang nakatitig sa kaniya pagkatapos ay binitawan niya 'yung kamay ko.

"And we can build this dream together... Standing strong forever... Nothing's gonna stop us now."

He lifted me by holding my waist, my hands are on his shoulder. Inikot-ikot niya ako kaya hilong-hilo ako.

"Bigat mo," natatawang sabi niya nang bitawan na niya ako. Nagtawanan lang kami saglit bago kumalma.

Nakahawak pa ako sa dibdib ko dahil hinihingal ako. "Magd'diet na ako, sige." natatawang sabi ko pa rin pero kumalma na ako nang bahagya.

Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at hinawakan 'yung pisngi ko. "Happy Valentine's Day, babe. I love you." ngumiti siya bago ako damipan ng halik sa labi.

Hinawakan ko 'yung pisngi niya at dinampian ko rin siya ng halik. "Happy Valentines's Day. Thank you, babe. I love you too." I smiled.

"Game!" bigla siyang umayos ng tayo. "Sayaw ka papanoorin kita!" sabi niya, umupo siya sa tabi ng speaker at may pinatugtog.

"Anong sasayawin ko?" mukhang tanga kong tanong habang nakatayo rito.

Nagulat na lang ako nang tumugtog 'yung Intentions ni Justin Bieber. 'Yun 'yung sinayaw ko noong audition sa dance troupe.

"Go, babe!" sigaw niya habang nakaupo, pumapalakpak pa si loko!

Kahit nahihiya ako ay sinayaw ko na rin 'yung tugtog. Nang magsimula na ako ay nawala na bigla 'yung ngiti niya at pumakat na lang 'yung mata niya sa akin. Weird!

"Make sure that you don't need no mentions... Yeah, these are my only intentions." kumindat ako sa kaniya noong last step na. Pagkatapos ay nagfinger heart pa ako.

"Babe!" tumakbo ako sa pwesto niya dahil nakatulala lang siya, niyakap ko siya habang nakaupo siya at kumandong ako sa kaniya dahil naka-indian seat siya.

"Babe," kumurap pa siya ng dalawang beses bago ilagay 'yung kamay niya sa likod ko para alalayan ako.

"Fall na fall ka naman sa akin." ngumisi ako bago i-kiss 'yung noo niya. Nagulat ako nang yakapin niya ako bigla habang nakaupo ako sa hita niya. Inaalalayan ko 'yung bigat ko dahil baka masaktan siya.

"Ang galing mo talaga! Hindi ako makapaniwalang sa akin ka." bulong niya. Bigla akong kinilig sa sinabi niya. Niyakap ko rin siya at nilaro 'yung buhok niya.

"Swerte mo," pang-aasar ko pa kaya tinignan niya ako. "Ikaw naman,"

"Sandali, papakitaan kita." nagulat ako nang bigla siyang tumayo kaya napahiga ako sa lapag. Natawa na lang ako habang umuupo.

Napatingin siya sa akin at bigla siyang lumapit dahil napasalampak ako sa sahig. "Sorry, sorry, babe." he laughed while helping me to get up.

"Bwisit ka talaga!" natawa rin ako. Nang nakaayos na ako ay pumunta na siya sa gitna. Nakatingin siya sa akin kaya nagtaka ako. "Game na!" sigaw ko.

Running After Your Heart (Change Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon