Chapter 43

12.9K 245 33
                                    

"Samahan mo na ako!"

Kinukulit ako ni Calynn habang nandito kami ngayon sa kitchen ko. Nagb'bake ako at ayan siya, nangungulit na naman. Pagkapasok na pagkapasok niya ng kitchen ay sumigaw na kaagad siya na akala mo ba ay may sunog. Minsan napapailing na lang talaga ako.

"Saan na naman? Gabing-gabi, Bella Calynn!" napabuntong-hininga ako.

Lumapit siya sa 'kin. "Dadalhan ko ng dinner si Steve, gagabihin daw kasi siya, eh. Please."

"Bakit kasama na naman ako?" hindi ako nakatingin sa kaniya, abala akong gumawa ng red velvet cupcake.

"Wala lang," mapang-asar niyang sagot. "Ayaw mo bang makita si Drew?"

Lumingon ako sa kaniya, nang-aasar 'yung mga tingin niya. "Tigilan mo ako, Bella Calynn!" singhal ko at nilagay na sa oven 'yung cupcake.

"Sige na, please." humawak pa siya braso ko at inalog-alog pa 'yon.

"Ewan ko sa 'yo," sumandal ako sa table. "Baka makaabala lang ako roon, eh."

"Hindi 'yan! Alis na tayo pagkatapos ng bine-bake mo!" excited niyang sabi bago lumabas ng kitchen.

"Huwag mo nang dalhin 'yung car mo." hinila niya ako papunta sa kotse niya. Dala ko na 'yung cupcake at mayroon din siyang dala dahil ibibigay raw niya kay Steve.

"4 flavor shots with mushroom soup. Pa-add na rin ng 4 na fries." she told the girl in the monitor.

"Bakit 4?" tanong ko. Wala naman akong balak bilihan si Drew. Okay na 'tong cupcake.

"Para sa inyo ni Drew, huwag ka nang tumanggi." pinaandar na niya 'yung sasakyan at kinuha na 'yung order sa susunod na window.

"Good evening po, Ma'am Dela Rosa." bati ng isang employee kay Calynn. Nginitan siya ni Calynn.

Pagpasok namin ng elevator ay pinindot na niya 'yun 8th floor dahil doon 'yung office nina Drew at Steve.

"Love!" nagmamadali siyang tumakbo palapit kay Steve nang makita niyang naglalakad si Steve papuntang office. Tumingin kaagad ako kay Drew, nakaupo siya sa swivel chair niya at may ginagawa sa laptop.

Bumalik sa akin si Calynn at inabot 'yung paper bag ng KFC. "Bigay mo na kay Drew. Enjoy." bulong niya.

"Ikaw talaga," pabiro ko siyang dinuro pero tumawa lang siya at bumalik na kay Steve. Napailing na lang ako bago lumakad papunta sa office ni Drew. Kumatok ako sa pinto niyang transparent.

"Babe," napatayo siya kaagad. "Anong ginagawa mo rito?"

Lumakad ako palapit sa kaniya. "Hinatak na naman ako ni Calynn," ngumiti ako. "Kain tayo?"

"Sige, tara." ngumiti siya sa akin at inakay na ako papunta sa couch.

"Punta tayo kay Mama sa weekends?" tanong ko habang inaayos 'yung pagkain namin.

"Galit kaya siya sa akin?"

Tumingin ako sa kaniya. "Baka nga sa akin pa galit 'yon." I chuckled.

"Imposible 'yon." tinulungan na rin niya ako sa pag-aayos.

"Say, 'ah'." ginagawa na naman niya 'yung lagi niyang ginagawa noon. Sinusubuan niya ako.

Kinain ko 'yung pagkain sa kutsara niya. "Wala ka bang nakilalang babae roon sa Spain?"

"Mayroon, siyempre." he answered casually.

"Bakit hindi ka nagkagirlfriend doon?" kinuha ko 'yung softdrinks at uminom doon.

"Wala ka naman doon, eh." he shrugged.

Binalik ko 'yung tingin ko sa pagkain ko dahil kinikilig ako. "Oo nga pala..." biglang sabi ko at humarap ako sa kaniya.

Running After Your Heart (Change Series #2)Where stories live. Discover now