Chapter 32

9.1K 197 17
                                    

"Lian, what the fuck!"

Sigaw sa akin ni Calynn sa cellphone. Nandito ako ngayon sa mechanic bar at inom lang ako nang inom. Pagkatapos kong mabasa 'yung sulat ni Drew ay dumiretso na ako rito. Ang sakit pa rin, ang sakit na wala akong nagawa. Wala man lang akong nagawa para pigilan siya.

Bakit ko ba siya pinakawalan?

"Hi, Calynn." pinilit kong maging normal 'yung boses ko pero dahil nakakailan na ako ay may tama na rin ako.

(Where the hell are you right now?) tanong niya.

"Mechanic Bar." natawa pa ako kahit hindi ko alam kung ano 'yung nakakatawa.

(Who's with you? Malapit na ako sa Muñoz huwag ka nang umalis diyan.) hindi na ako nagsalita at binabaan na lang siya ng tawag

Pinatong ko 'yung braso ko sa table at pinatong ko 'yung mukha ko sa braso ko. Nakatitig lang ako sa mga alak sa harapan ko.

"Ang unfair ng mundo." bulong ko sa sarili ko at inuntog ko 'yung alak na hawak ko sa isa pang alak.

"Sumaya ka lang nang kaunti... ah! Tangina!" nagsimula na naman akong maiyak dahil naalala ko na naman lahat. Si Mama, si Drew, ang sakit!

Kinuha ko 'yung cellphone ko. Pilit ko pa ring tinatawagan si Drew.

(The subscriber cannot be reached, please try again later.)

"Tangina," naiyak na naman ako dahil cannot be reach pa rin 'yung phone niya.

Naisipan ko na lang siyang itext. Kapag binuksan niya 'yung phone niya ay mababasa niya 'to.

To: Babe
Babe, sorry. Sorry sa mga nasabi ko. Alam ko na lahat, babe. Please, balik ka na sa akin.

To: Babe
Babe usap tayo please

To: Babe
Babe, mahal kita. Mahal na mahal. Balik ka na please.

To: Babe
Babe hindi na ako iiyak. Hindi na ako magiging iyakin please bumalik ka lang

To: Babe
Hihintayin ko 'yung reply mo. Please babe. Balik ka na mahal na mahal kita :(

"Ah, magreply sana siya."

Mukha lang akong tanga na kinakausap 'yung sarili ko hanggang sa may narinig na lang ako na boses.

"Lian, Lian. Umuwi na tayo." umupo si Calynn sa harapan ko. Para akong timba na ginalaw. Hindi ko napigilang umiyak. Ilang linggo kong iniyak lang sa sarili ko lahat, ilang linggo na akong nasasaktan mag-isa.

"Lian, Lian! I know, I know it's hard. Please. Act yourself together! Umuwi na tayo."

"Wala na! Wala na!" iyak lang ako nang iyak.

"Why didn't you tell me?" tanong niya. Hindi ko masabi na dahil ayaw kong isipin niya ako, ayaw kong maging pabigat sa kaniya, ayaw kong makaapekto sa pag-aaral niya. "Uwi na tayo, please."

"Wala akong mukhang maiharap sa kaniya! Nasaan..." hindi ko na mapigilang humikbi. Para akong pinapatay. "Nasaan na siya? Nasaan si Drew?"

"Lian," tumabi siya sa akin at niyakap ako.

"Mag-isa na lang ako, wala na." kahit pilitin ko ay ayaw tumigil ng mga luha ko.

"Nandito pa ako, Lian." ilang minuto niyang hinahaplos 'yung likod ko kaya bahagya akong kumalma.

"Samahan mo muna ako, baka makalimot ako kahit sandali."

"If ever you're in my arms again... This time I'll love you much better..." pagkanta ng banda.

Running After Your Heart (Change Series #2)Where stories live. Discover now