Chapter 11

10.8K 216 18
                                    

"Happy birthday, Lian!"

Sigaw kaagad ni Calynn habang papunta ako sa bench na inuupuan nila. Kumpleto silang apat doon at parang ako lang talaga 'yung hinihintay nila. Kakatapos lang ng klase ko at nag-aya silang magkita-kita muna dahil birthday ko naman daw.

"Salamat!" umupo ako sa tabi ni Calynn. Nakita kong may cake sa ibabaw ng table. "Ano 'yan?" nakakunot-noo kong tanong sa kanila.

"Duh! Cake!" inirapan ako ni Calynn, mahina ko naman siyang binatukan.

"Happy birthday, babe." napalingon ako sa likod ko. Nakita ko si Drew na may hawak na bouquet. Nanlaki 'yung mata ko.

"Sit with us," aya ni Calynn at umurong pa siya para makaurong ako at makatabi sa akin si Drew.

"Thank you." nginitian siya ni Drew.

"Alis na rin kami," tumayo na ako, may pupuntahan kami ni Drew ngayon, eh. Tumayo na rin si Drew.

"Iwan mo kami?" pagpapaawa ni Addie. Ang OA!

"Dapat dati ko pang ginawa." inirapan ko siya at nagpaalam na sa kanila. Nagpaalam na rin si Drew sa kanila at umalis na kami.

"Huy! Mahal dito, ah?" tanong ko kaagad kay Drew pagpasok namin sa Rich Dining, may kaya naman sila pero ayoko lang na gumastos siya nang ganito para sa akin, okay naman ako sa kikiam.

"Nag-ipon ako, regalo ko sa 'yo." nginitian niya ako. Hinila niya 'yung upuan para makaupo ako pagkatapos ay umupo na rin siya.

"Okay naman ako sa kikiam," nakatingin ako sa mga mamahaling dishes na isineserve na sa amin ngayon.

"Minsan lang naman, babe." sabi niya habang pinaglalagay ako ng Cordon Bleu sa plato ko.

"Thank you."

He looked at me and smiled. "Happy birthday, babe."

-

"Lian, magka-group na naman tayo!" masayang sabi ni Ron, lumapit siya sa akin pagkakita niya ng papel ng groupings.

"Saya ka?" I asked while fixing my book.

"Sobra!" sigaw niya kaya napatingin ako.

"Saya mo, pabuhat lang naman ako." natatawa kong sabi bago tumayo at lumabas ng pinto.

"Lian," tawag sa akin ni Ron. Sinundan pa niya talaga ako pagkalabas ko ng room.

Nilingon ko siya. "Ano na naman?"

"Sabay na tayong umuwi?" lumapit siya sa akin. "Kain muna tayo?" tanong niya.

"Hindi na, marami pa akong gagawin. Sige, salamat na lang, Ron." ngumiti ako bago tumalikod ulit. Pagharap ko ay nakita ko si Drew na papalapit sa akin, nagmamadali akong lumakad at mabilis ko siyang niyakap.

-

I asked Drew if we could go for an outing. Sinabi ko na itatanong ko kay Calynn kung pwede sa resort nila.

"Calynn, pwede ba kaming magswimming ni Drew sa resort niyo?" tanong ko sa kaniya habang magkavideo call kami.

(Of course.) sagot niya habang may sinusulat sa table niya.

"Thank you, libre na ba?" natatawa kong tanong. Ang mahal kaya ng room sa resort nila.

(Yeah, of course. I'll just tell Dad.) ngayon naman ay tumayo siya para may kuhaning libro sa kama niya. Ako naman ay nakadapa lang ako sa kama ko.

"Thank you, best friend!" energetic kong sabi kaya napalingon siya. Pinanlisikan niya ako ng mata at parang ngayon niya lang narealize na si Drew 'yung kasama ko.

Running After Your Heart (Change Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon