Chapter 17

9.1K 198 26
                                    

"Happy 1st anniversary, babe!"

Masayang bati ko kay Drew, umagang-umaga pa lang ay nagpunta na ako rito sa bahay nila para sabay na kaming pumasok. Dumaan pa nga ako sa flower shop para makabili ng mga petals at candles. Gusto ko lang na umaga pala ay maganda na kaagad 'yung araw namin. Dalawa 'yung bag na dala ko, isang pangschool at 'yung isa ay para sa damit ko dahil napagdesisyunan kong dito matulog.

"Ang aga mo," kinukusot pa niya 'yung mata niya at mukhang bagong gising lang. 6:00 AM pa lang kasi.

"Sabay na tayong pumasok," hinawi ko na siya sa pintuan at pumasok na sa bahay niya para makapaghain ng breakfast. Nakasunod lang siya sa akin.

"Anong gagawin mo? Ako na riyan," pag-awat niya dahil kumukuha na ako ng frozen foods sa ref niya.

"Ako na, maligo ka na." tinaboy-taboy ko pa siya para umakyat siya.

Nagluto lang ako ng nuggets at isinangag ko na rin 'yung left-over niyang kanin kagabi. Binilisan ko talaga dahil sayang naman 'yung candles at petals na binili ko. Nagmamadali akong ayusin 'yung lamesa. Nilagay ko na kaagad 'yung mga petals at 'yung candles. Mabuti na lang at matagal maligo si Drew.

"Happy anniversary!" masayang bati ko ulit nang bumaba na siya sa hagdan, naka-uniform na rin siya. Unti-unti siyang lumapit sa akin at napangiti.

"Bakit may paganiyan," namumula pa 'yung tainga niya.

"Ayaw mo?" I pouted.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako gamit 'yung kaliwang braso niya. "Kinikilig ako," he kissed the top of my head.

Natawa ako nang bahagya bago humarap sa kaniya. "Kain na tayo, baka malate tayo."

Hinila niya 'yung upuan para sa akin at umupo na siya sa tapat ko. Pinaglagay ko na rin siya ng kanin at nuggets sa plato niya. Ramdam na ramdam ko 'yung titig niya.

Tinakpan ko 'yung mukha ko nang maglabas siya ng phone at picture-an ako. "Babe!" nahihiya akong natawa.

Hindi na siya nagsalita at naramdaman ko na lang na nag vibrate 'yung phone ko na nasa bulsa ng blouse ko. Nakaconnect kasi ako sa wifi ni Drew kaya siguro nagnotify. Kinuha ko 'yon at tinignan. Picture ko 'yon na nakatakip 'yung mukha ko. Inupload niya 'yon sa twitter.

Drew @drewmendez
Nag-tresspass siya para ipagprepare ako ng breakfast. Ako lang 'to. Girlfriend ko lang 'yan.

"Bwisit ka talaga!" natatawa akong humarap sa kaniya. "Wala man lang sweet caption, babatuhin kita, eh."

Tumawa rin siya. "Sweet naman, ah."

Napailing na lang ako nagsimula na kaming kumain. Siya na 'yung naghugas ng plato kahit sabi ko ay ako na. Sabay na rin kaming pumasok sa school at nagpunta na kami sa kaniya-kaniya naming klase. Ang sabi ko ay ituloy na lang namin 'yung celebration ng anniversary namin mamaya. Iniwan ko na rin kanina 'yung regalo ko sa kaniya.

"Babe, saan ka na?" tanong ko sa kaniya sa phone dahil nandito na ako sa gate at sabay kaming pupunta sa bahay niya.

(Ikaw ba, nasaan na?) tanong din niya.

"Nasa gate,"

Halos mabitawan ko 'yung cellphone ko nang biglang may magtakip ng mata ko.

"Hoy!" hinahampas ko 'yung braso ng kung sino man na 'to.

"I love you," bulong niya.

Binitawan niya ako at tumingin ako sa kaniya. "Babe!" sigaw ko bago hampasin ulit 'yung braso niya. May dala siyang cake at boquet. Nakapatong 'yung boquet sa cake.

"Happy anniversary, babe." inabot niya sa akin 'yung color red na boquet.

"Nakakainis," kinikilig ako habang inaabot 'yon. Inakbayan na niya ako at sumakay na kami ng taxi.

Running After Your Heart (Change Series #2)On viuen les histories. Descobreix ara