Chapter 13

9.5K 204 21
                                    

"Hoy, saan mo naman nakuha 'yon?!"

Tanong ni Addie kay Calynn, nandito kami sa convenience store ngayon nakatambay. Kasama namin si Drew. Dito na sila nag-aya para kumalma raw ang lahat sa amin. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari, hindi ko na alam kung ano ang magiging reaksyon ko.

"Investigate, connections." nagkibit-balikat si Calynn. "Paano kasi ayaw tigilan ni Helen si Lian, buti na lang maagap ako." sabi niya na parang proud pa sa ginawa niya. "I'll be a damn good lawyer." she whispered to herself.

"Drew, bakit mo naman nagustuhan 'yon noon? Ganoon pala 'yon." mahinhing tanong ni Elly kay Drew.

"Matagal na 'yon, hindi ko naman alam na ganoon pala siya." sagot ni Drew bago uminom ng slurpee.

"Hoy, pero bet ko 'yung kanina!" sigaw ni Addie at hinampas pa nang mahina 'yung braso ni Calynn.

"Pero next time wag na tayong manakit." sabi ko sa kanila.

"Nauna sila!" sigaw ni Calynn. "Imagine, pinagkalat na nirape ka ni Drew? The nerve?" iritang sabi niya.

"Paanong nirape, eh okay pa nga kayo." tinuro kami parehas ni Nat.

"Exactly!" hinampas ni Calynn 'yung table.

"Sorry talaga." hinawakan ni Drew 'yung kamay ko. Sumandal ako sa braso niya, hinawakan ko 'yung kamay niya and he intertwined it.

"Okay lang, babe." ngumiti ako sa kaniya habang nasa braso niya 'yung mukha ko. Marahan niyang hinaplos 'yung pisngi ko.

"Mahal kita, okay." nakangiting sabi ni Drew habang hinahaplos 'yung pisngi ko.

"Nat, bumili ka ngang popcorn." biglang sabi ni Addie. Nakatingin na pala silang apat sa amin.

Napabitaw ako kay Drew at umayos ako ng upo. I faked a cough because of embarrassment.

"Ang aarte!" pabirong umirap si Nat kaya natawa kami parehas ni Drew.

Umuwi na rin kami dahil mag-gagabi na. Sorry nang sorry sa akin si Drew, wala naman siyang kasalanan. Nang makahiga ako sa kama ko ay tumunog 'yung phone ko, baka si Drew na naman 'to at magsosorry ulit.

From: Babe
Sorry babe :(

To: Babe
Isa pang sorry mo magagalit na ako

To: Babe
Wala kang kasalanan okay

To: Babe
Mahal kita ♡

Natigilan ako sa kakatext kay Drew nang sunod-sunod 'yung mga nagmemention sa akin sa twitter.

Mae @jkpmaeu
Nangrape daw si @drewmendez? Bakit sila pa rin ni @blianab? Pumapayag siya na ganunin ni Drew?

Mimi @mimigarcia
'Yun na ba 'yung ina-idolize na dancer sa school natin? Rapist?

Ki @possesivemeh
Sana okay pa si Lian, nagjowa ng rapist tapos pumapayag magparape. Sex slave ka be?

Lala @lalabuy
replying to @possesivemeh
Inaway pa noong bestfriend noong Lian si Helen, kawawa naman.

Ki @possesivemeh
replying to lalabuy
Bestfriend niya may diperensiya tapos siya mang-aaway. Mga siraulo yata

Parang tangang tumulo 'yung mga luha ko dahil sa galit. Naiinis ako! Bakit ba ang dami nilang say sa buhay namin? Dahil sikat si Drew sa school? License na ba 'yon para pakielaman 'yung buhay namin?

Kung hindi lang pinagkalat ni Ron... nakakainis talaga!

Drew @drewmendez
I love you always @blianab ♡

Parang biglang napawi 'yung inis ko dahil sa tweet ni Drew. Alam ko namang ginagawa niya 'yon para malaman kong mahal niya ako at para hindi kami magpaapekto sa sinasabi ng iba.

Running After Your Heart (Change Series #2)Where stories live. Discover now