Chapter 31

9K 238 45
                                    

"Ma'am, may sulat po kayo."

Kumunot 'yung noo ko sa nagdedeliver, sino naman ang magsusulat sa akin? Wala na akong kinakausap sa ngayon. Hindi pa rin nawawala 'yung sakit na dulot ng pag-uusap namin ni Drew noong isang linggo. Hindi ko na siya ulit nakausap dahil patay pa rin naman ang cellphone ko.

"Thank you po," sagot ko kay Kuya at inabot ko na 'yung sulat.

Pumasok na ako sa kwarto at umupo na sa kama, binuksan ko na rin 'yung notebook ko dahil tinitignan ko kung magagawan ko pa ng paraan 'yung bakeshop ko.

Binuksan ko 'yung cellphone ko para sana kumustahin 'yung bakeshop pero bigla namang kumatok itong si Kuya at at may nagpadala raw ng sulat.

To: Brielle Liana Bernardo

Kumunot pa 'yung noo ko. Wala namang nakalagay kung kanino galing. Bubuksan ko na sana pero sunod-sunod tumunog 'yung phone ko.

From: Maarteng Calynn
Hey, are you busy? Punta sana ako later pero kung busy ka okay lang.

From: Maarteng Calynn
I guess you're busy, sayang naman. Miss you mwa!

May mga ilang notification pa at ilang text ng mga employee ko. Tinatanong kung nasaan ako at kailan ako babalik. Pero magsimula noong araw na namatay si Mama ay wala na akong text na natatanggap mula sa kanila.

Naiwan ko pa palang nakabukas 'yung data connection ko kaya pumasok din 'yung notification ng mga social media accounts ko. Nang makita kong nagchat si Tita Mara ay binuksan ko kaagad.

Mara Mendez
Anong nangyayari, Lian?

Hindi ko na muna siya nireplyan dahil tatawagan ko muna 'yung mga employee ko sa bakeshop para masabihan sila na magsasara na. Lugi na 'yon dahil nilahat ko na 'yung pera para kay Mama.

"Hello, Angel." nakaupo lang ako sa kama ko at nakatingin sa notebook ko, cinompute ko 'yung pera at hindi na talaga kayang mag-operate.

(Ma'am Lian, kumusta po? Okay lang po ba kayo? Bakit hindi po kayo pumupunta rito?) tanong niya kaagad.

"Angel, uuwi ako kapag ready na ako. Ibibigay ko na lang 'yung huling sweldo niyo."

(Ma'am? Tatanggalin niyo na po kami sa trabaho?) kinakabahang tanong niya.

"Kailangan na nating magsara, wala na tayong fund, ginamit ko na lahat." sagot ko.

(Po? Bakit po mawawalan?) tanong niya.

"Na-withdraw ko na. Bukas pa ba 'yan? Paano kayo nakakapag-operate? Nasaan ba si Cecil?" tanong ko. Si Cecil 'yung isa sa mga katulong ko sa financial reports.

(Nandito po, wait.) hinintay ko nang ilang segundo bago nagsalita si Cecil. (Ma'am Lian,)

"Cecil, paano kayo nag-ooperate? Wala na tayong fund, ah?"

(Bakit po mawawalan?) kumunot 'yung noo ko. Ano bang sinasabi nitong mga tauhan ko?

"Ano ba ginagamit niyo? Nai-withdraw ko na lahat."

(Ay, Ma'am. Hindi ko po alam 'yung tungkol sa pera niyo sa banko. Tinetext nga po namin kayo para sana magtanong kasi hindi na po kayo pumupunta. Buti na lang po dumating si Sir Drew at siya po ang nagbigay ng pang-operate namin.) halos mabitawan ko 'yung cellphone ko sa sinabi niya.

"A-ano?" nauutal kong tanong.

(Ay, hindi niyo po ba alam?) gulat niyang tanong.

"Sige, uuwi na lang ako kapag okay na. Salamat, Cecil."

Napatayo ako sa kama at nagpabalik-balik sa paglakad dito sa tapat ng kama ko. Bakit? Anong nangyari? Paano nakapagbigay si Drew ng pera roon? Inubos ko na talaga lahat ng kita noon, pati 'yung fund para sa daily operation naubos ko na.

Running After Your Heart (Change Series #2)Where stories live. Discover now