Chapter 18

8.8K 186 48
                                    

"Happy birthday, babe!"

Bungad ko kaagad kay Drew nang makita ko siya sa bench malapit sa engineering, kasama niya si Mark at isa pang babae. Lumapit kaagad ako sa kanila. Birthday kasi ngayon ni Drew, gusto ko nga sanang dalhin siya sa isang masayang lugar para naman maging masaya 'yung birthday niya.

"Thank you," ngumiti siya at pinaupo ako sa tabi niya.

"Hi, Lian." bati ni Mark sa akin.

"Hello," ngumiti ako.

"Lian, si Sara." pinakilala sa akin ni Drew 'yung isang babae na kasama nila.

"Hi," ngumiti ako pero tinanguan lang niya ako. Attitude? "Saan tayo kakain?" bulong ko kay Drew.

"Saan mo ba gusto?" tanong niya.

"Sige, ako na bahala." I giggled.

Dumating si Calynn na namomroblema dahil gusto raw siya makilala ng Mama ni Steve, mabuti na lang at ako, walang problema sa Mama ni Drew.

"Tara na," bigla na lang nagsalita si Drew sa gilid ko.

"Hey, happy birthday, Drew!" nginitian ni Drew si Calynn. Tumayo na ako.

Inakbayan ako ni Drew. "Thank you, Calynn." ngumiti siya.

"Oh, God!" napairap siya at humampas sa hangin dahil nilagay ko 'yung kamay ko sa baywang ni Drew. "Okay, fine. Enjoy sa date niyo."

"Thank you," natawa ako bago dumila sa kaniya. She gave me a disgusting look. Talaga ito, akala mo ay wala pang boyfriend kung umarteng bitter.

Dinala ko siya sa isang perya. Medyo madilim na kaya maeenjoy na namin. Pagpasok namin ay parang naexcite na kaagad ako. Dadalhin ko 'to sa horror train.

"Babe, oo nga pala," biglang sabi ko habang nakatingin sa mga rides. Nakaakbay lang siya sa akin.

"Hmm?"

"Ang sungit pala noong Sara." iyon daw kasi 'yung block 1 na nagpalipat sa block nila this sem. Hindi ko rin magets, 4th year na sila next year tapos nagpalipat pa.

Tumingin siya sa akin. "Hindi naman."

"Hindi raw," bulong ko "Dito tayo!" hinila ko siya sa vikings.

"Safe naman 'yan, 'di ba, babe?" kinakabahang tanong niya.

"Oo naman, sa dulo tayo!" bumili na ako ng ticket para makapasok na kami. Doon kami umupo sa dulo. Apatan 'to kaya mayroon pa kaming makakatabi for sure.

"Sumigaw ka baka mahilo ka." pang-aasar ko.

"Ako? Sisigaw? Tsk!" pagmamayabang niya. Ilang minuto pa kaming naghihintay ay may tumabi na sa kaniyang dalawang babae. Napatingin ako roon dahil nagbubulungan sila.

"Ouch! Sorry, Kuya." kunwari pang napasandal 'yung babae kay Drew. Nag-init tuloy 'yung ulo ko.

"Okay lang," ngumiti si Drew sa kanila pagkatapos ay tumingin na sa akin. "Bakit, babe?" tanong niya nang mapansing nakalingon ako sa gawi niya. Kitang-kita ko pa 'yung lagkit ng tingin nila kay Drew!

"Tumayo ka nga," utos ko. Mabuti na lang hindi pa nai-l'lock dahil naghihintay pa.

"Huh?" kumunot 'yung noo niya.

"Tayo!" sigaw ko. Nagulat siya kaya mabilis siyang tumayo. Tumayo rin ako at lumipat sa pwesto niya.

Nagulat ako nang akbayan niya ako bigla at mabilis na hinalikan 'yung gilid ng ulo ko. "Ang possessive." he chuckled.

"Talaga!"

Biglang nagbago 'yung expression nitong babaeng katabi ko na ngayon. Huh! Akala niya, ah. Hinawakan ko 'yung kamay ni Drew. Sa akin lang 'to.

Running After Your Heart (Change Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon