PROLOGUE

33.9K 536 71
                                    

"Nandito na ako."

I told Nat. Kausap ko siya ngayon sa phone at nandito ako ngayon sa elevator ng ospital na pinagdalhan kay Calynn. Kanina pa niya ako kinukulit kung nasaan na ako, akala mo ba ay walang ginagawa rito sa ospital kung makatawag-tawag.

(Bakit ang tagal mo?) tanong ni Nat sa kabilang linya.

"May inayos pa ako sa bake shop ko, nandoon naman si Steve, diba?" tanong ko sa kaniya. Hindi na nga umuuwi 'yon si Steve kakabantay kay Calynn.

(Tulog yata. Walang magbabantay kay Calynn.)

"Eto na, eto na." nakatingin ako sa floors ng elevator, nasa 4th floor 'yung room ni Calynn.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang bumukas 'yung elevator. Naestatwa ako at naestatwa rin itong lalaki sa harapan ko. Hindi ako makagalaw, nasa tainga ko pa rin 'yung cellphone ko.

Anong ginagawa niya rito?

"Drew?" napakunot 'yung noo ko.

"Lian," bati rin niya sa akin. Nasa tapat siya ng elevator kaya hindi 'yon sumasara.

"Anong ginagawa mo rito?" mukhang tanga kong tanong bago ibaba 'yung phone ko mula sa tainga ko.

"Sayo ba 'to?" tanong niya sakin habang nandoon pa rin sa tapat ng pinto ng elevator. Oo nga naman, hindi naman sa akin 'tong ospital at wala naman ako dapat pakialam kung bakit siya nandito.

"Drew!" nagulat ako sa babaeng tumawag sa kaniya. Maganda, mestiza, petite, mahaba ang buhok, mga nasa 5'5 ang height.

Napatingin si Drew sa babae. "Melissa,"

Para akong tangang nakatayo pa rin. Tinitignan ko sila habang papasok ng elevator, pumakat 'yong mata ko sa kamay noong babae na ngayon ay naka angkla na sa kamay ni Drew.

Nag-iwas ako ng tingin at nagmamadaling lumabas ng elevator dahil nandito na ako sa floor ni Calynn. Tumingin pa ako ng minsan sa elevator, kahit na masakit ay pinilit ko pa rin siyang makita sa huling pagkakataon. Baka kasi hindi na 'to maulit.

Matapos ang halos tatlong segundong pagtingin ko sa kaniya ay tumalikod na ako. Lalakad na sana ako paalis pero bigla akong natigilan nang magsalita si Drew.

"Lian," pagtawag niya sa akin, unti-unti akong lumingon sa kaniya kahit na dinudurog ako habang nakikita siyang may kasamang iba.

"Bakit?" nakangiti kong tanong pero gusto nang tumulo ng mga luha ko.

Ngumiti siya sa akin, malungkot na ngiti. Hindi katulad ng mga ngiti na nakikita ko sa kaniya noong mga panahong kami pa.

"Nice to see you again."

Sumara 'yung elevator at naiwan akong nakatayo rito habang pilit inaalala 'yung mukha niya. Iyong mukha niya noon, iyong mga ngiti niya noon.

Gustong-gusto ko siyang yakapin at sabihing bumalik na siya sa akin dahil sa limang taong nagkahiwalay kami ay walang namang nagbago.

Mahal ko pa rin siya.

Running After Your Heart (Change Series #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ