Chapter 41

12K 303 61
                                    

"Picture!"

Hinawakan ako ni Drew sa baywang at inalalayan sa tapat ng pinagpi-picture-an pagkalakad namin sa red carpet. Umatras kami nang bahagya. Nilagay ni Drew 'yung kamay niya sa baywang ko at gumilid ako para mailagay ko rin 'yung kamay ko sa baywang niya. Ngumiti lang kami at hindi ko na alam kung saan titingin dahil sa dami ng nagpipicture.

"Perfect!" sigaw noong isang nagpipicture sa amin. Nakatayo pa kami nang dumating na sina Calynn at Steve. Tumabi silang dalawa sa 'min. "Closer po." lumapit ako kay Calynn at pinicture-an nila kaming apat.

Calynn is wearing a tube glittering champagne fitted dress. Naka elegant curl 'yung buhok niya. Si Steve naman ay naka black tuxedo rin at kakulay ng damit ni Calynn 'yung necktie niya.

Ang perfect siguro namin tignan na apat.

"Ganda mo," bulong ko kay Calynn habang nakangiti pa rin.

"You too, gorgeous." bulong din niya.

Nakahawak lang si Drew sa baywang ko habang lumalakad kami papunta sa table namin nina Calynn.

"So, Drew." biglang sabi ni Calynn at umupo sa harapan namin. Inalalayan pa siya ni Steve pag-upo. "What happened to your girl?" tanong ni Calynn kay Drew.

"Ito, katabi ko." kaswal na sagot ni Drew at inakbayan ako. Napangisi si Steve at kinilig naman si Calynn habang ako ay parang hihimatayin na rito.

"Kilig much." sumandal pa si Calynn sa braso ni Steve na para bang kilig na kilig sa sinabi ni Drew.

"Okay ka lang?" bulong ni Drew.

"Bakit hindi?" bulong ko rin.

"Namumutla ka." Drew chuckled.

Kinuha ko kaagad 'yung salamin sa clutch ko at tinignan 'yung itsura ko. "Hindi naman, eh." hinampas ko nang bahagya si Drew. Tinawanan lang niya ako at tumingin na siya sa harapan dahil magsisimula na 'yung program.

"Let us welcome, the owner of Gonzales Construction, Engineer Steve Gonzales with his fiancé, Attorney Calynn Dela Rosa."

Pumalakpak ako na parang proud na proud sa best friend ko habang umaakyat sila sa stage. Tatawagin pala lahat ng owner ng construction companies na nandito para sa picture taking at kaunting speech.

Nagbigay lang nang kaunting speech si Steve tungkol sa kompaniya nila. Siya na pala 'yung nagpapatakbo dahil nakulong 'yung parents niya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit gumawa pa ng illegal para sa pera, eh ang yaman na nila.

"That's Elly." turo ni Calynn kay Elly na nasa kabilang table pagkabalik niya sa upuan.

"Oo nga," napalingon sa amin si Elly at kinawayan namin siya ng cute ni Calynn. Kinawayan din niya kami.

Nang matapos na 'yung program ay tumayo na kami. Nakatayo lang kami habang may mga waiter na palakad-lakad at may dalang wine. Nakikipag-usap si Steve at Drew sa ibang mga engineers din habang nasa tabi nila kami ni Calynn.

"Hindi tayo makarelate 'no?" bulong ko kay Calynn.

"True," she chuckled.

"Engineer Mendez," napalingon kami ni Drew sa medyo may edad na na babae. "I heard you're the new Engineering Head in Gonzales Construction.

"Yes, Ma'am." ngumiti si Drew at bahagyang yumuko. Head na pala siya?

"Oh, this is my daughter, Rica. She's also an engineer in Ruiz Builders." napakunot 'yung noo ko sa babae. Aba! Nandito ako, may ibang date si Drew tapos magrereto siya?

"Nice to meet you." inabot ni Drew 'yung kamay niya roon sa babae. Ngumiti sa kaniya 'yung babae at nakipagshake hands. Irita!

"Hi, Engineer." pagpapacute noong babae.

Running After Your Heart (Change Series #2)Where stories live. Discover now