Chapter 8

12K 261 26
                                    

"Ano? Liligawan mo ako?"

Parang biglang bumaliktad 'yung mundo. Ano bang nangyayari? Noong una, oo, crush na crush ko siya pero ayaw ko namang ligawan niya ako dahil alam niyang may gusto ako sa kaniya. Ayaw ko ng ganoon. Ayaw ko rin na maging panakip-butas ako kay Helen. Crush ko siya, pero hindi ko deserve 'yon. Walang may deserve noon!

"Oo, sigurado ako." tumayo si Drew sa pagkakaluhod.

I stood up, too. "'Wag mo akong ligawan dahil lang alam mong gusto kita."

"Lian, hindi ganoon 'yon. Gusto kita, dahil gusto kita, hindi dahil gusto mo ako. Hayaan mo akong patunayan 'yon sa 'yo."

"Sa akin pa nga lang hindi ka na makakabawi, paano pa kaya sa mga kaibigan ko?" napayuko siya dahil sa sinabi ko. "At saka ayokong maging panakip butas mo kay Helen."

"Lian, matagal ng wala 'yung kay Helen. Hindi ko siya maintindihan kung bakit pinagkalat niya na sinagot niya na ako."

"Hindi ko alam, Drew. Hindi ko alam." lumabas na ako sa room na 'yon at nagmamadaling pumunta sa abangan ng jeep.

Pagkauwi ko ay wala akong ibang inisip kung hindi 'yung sinabi ni Drew. Tama ba 'yung intindi ko? Liligawan daw ako?

Oo, gusto ko siya. Halos araw-araw rin kaming magkausap bago pa man mangyari 'yung kay Helen pero hindi ko rin talaga alam kung tama ba na magpaligaw ako. Nasaktan ako sa nangyari.

Para na akong mababaliw kakaisip. Hindi ko na siya pinapansin, nasanay na ako na wala tapos ayan na naman siya, pagkatapos mawawala na naman. Ang labo!

Nakatulugan ko na ang kakaisip. Pagkagising ko kinabukasan ay nagcheck ako ng phone ko.

drewmendez: Good morning, Lian. Eat your breakfast :)

Napabuntung-hinanga na lang ako. Gumayak na lang ako at pumasok sa school. Nasa gate pa lang ako ay napaawang na ang labi ko nang makita ko si Drew na parang may hinihintay.

"Good morning, Lian. Lunch, luto ko 'yan." may inabot siyang lunchbox sa akin. Nakakunot noo ko namang kinuha 'yon.

"Lian, nagbabaon ka na ng lunch?" tanong sa akin ni Rose pagpasok ko dahil may hawak akong lunchbox.

"Napulot ko lang."

"Huh?" napakunot-noo naman siya. Hindi ko na lang pinansin.

Ang sabi ko kay Calynn ay sabay kaming kakain, paniguradong magtataka 'yon dahil may lunchbox ako. Kinakabahan tuloy ako habang hinihintay ko siya ngayon dito sa cafeteria.

"Hi, Lian." nakangiti siyang umupo sa tapat ko pero nawala kaagad 'yung ngiti niya nang makita niya 'yung lunchbox. "Ano 'yan?" tinuro niya 'yung lunchbox.

"Lunchbox?" patanong kong sagot.

"Obviously, I'm not stupid. Bakit ka nagbabaon?" tinaas niya 'yung isang kilay niya.

"Umh, ano... Bigay ni..." utal-utal kong sabi. "Bigay ni Drew." napapikit na lang ako at hinihintay na pagalitan niya.

"Okay, I'll just order." napakunot 'yung noo ko nang tumayo lang siya. 'Yun na yon? Walang pagalit?

"Okay lang?" tanong ko pagbalik niya sa table.

"No."

"Eh, bakit hindi ka nagalit?"

"Should I what? Throw it?" sabi niya habang inaayos 'yung pagkain niya.

"Liligawan daw niya ako." nailaglag ni Calynn 'yung kutsara sa plato niya at mabilis na napatingin sa akin.

"Come again?" tanong niya sa akin na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Liligawan daw niya ako." pag-ulit ko.

Running After Your Heart (Change Series #2)Where stories live. Discover now