Chapter 36

10.1K 225 87
                                    

"Para sa akin?"

Bahagyang nagulat si Drew. Pakiramdam ko ay umuulit ang mga nangyari noon sa amin noong mga panahong nagpapapansin pa lang ako sa kaniya. Nakakamiss tuloy, lalo ko tuloy siyang namimiss.

"Hindi, para sa mga tauhan mo." I chuckled. Sinabi niya rin kasi 'to sa akin noong dinalhan niya ako ng pagkain sa bakeshop.

"Okay," ngumiti siya nang tipid bago umalis sa harapan ko. Nanlaki 'yung mata ko. Binaba ko 'yung kamay ko na hawak 'yung cupcake. Napalingon ako sa kaniya na lumalakad na ngayon palabas dito sa building na ginagawa nila.

Tumingin ako kay Calynn at nag thumbs down ako. Napasapo pa si Calynn sa noo niya.

"What happened?" tanong kaagad ni Calynn paglapit ko sa kaniya.

"Mukhang ikaw na naman 'yung kakain." I laughed sarcastically.

"Omg naman!" padabog na umupo si Calynn sa isa sa upuan dito. Nilapag ko sa lamesa 'yung cupcake at umupo na rin pagkatapos ay tinanggal ko na 'yung hard hat ko.

"Hindi pa rin ako susuko." determinadong sabi ko habang nakatingin sa cupcake.

"Dapat lang," Calynn crossed her arms.

"Ano, tara na?" aya ko sa kaniya.

"Wait, I have a better idea." tumayo siya at tinawag 'yung isa sa contruction worker. Kinuha niya 'yung cupcake at inabot kay Kuya. "Sa inyo na po," ngumiti siya.

"Ay, Ma'am, talaga?" lumapit sa amin 'yung isa na halos kaedad lang namin.

"Pakibigyan na lang si Engineer Mendez kahit isa lang." sagot ni Calynn doon sa kaedad namin na construction worker.

"Calynn, anong ginagawa mo?" pabulong kong sabi. Baka narinig din naman nila dahil nasa tapat niya ako at nakaupo.

Lumapit sa akin si Calynn. "Hindi dapat masayang effort mo," bulong niya.

"Hala, Ma'am. Baka magselos si Engineer Gonzales, papagalitan po kami noon." biglang sabi noong isa sa kanila.

"Hindi sa akin galing 'yan." nagtakip siya ng bibig dahil natatawa. "Sa best friend ko ," tinuro ako ni Calynn.

"Thank you po, Ma'am?"

"Mendez." sagot ni Calynn kaya siniko ko siya. Nakaupo pa rin ako at nakatayo siya sa gilid ko. "I mean, Bernado. Ma'am Bernardo niyo."

"Okay po, Ma'am Bernardo." ngumiti sa akin si Kuya.

"Lian na lang po," ngumiti ako. Ngumiti rin sila at umalis na.

"Hoy, ikaw!" hinila ko siya paupo sa tabi ko. "Anong Mendez sinasabi mo riyan!" binatukan ko siya.

"Ouch!" hinawakan niya 'yung ulo niya.

"Hala, sorry!" tinignan ko kaagad 'yung ulo niya. Nakalimutan kong kakagaling lang niya sa aksidente.

"You want to kill me or what?" tumawa siya habang hinahaplos 'yung ulo niya.

"Pasensiya. Ano ba kasi 'yung pinagsasasabi mo?!"

"Yie, kunwari ka pa. Gusto mo rin naman." kinurot niya ako sa tagiliran.

"Babatukan talaga kita!"

Tumayo na siya. "Let's go na?"

"Sige." tumayo na rin ako at lumakad na kami. Napahinto lang ako noong nakita ko si Drew. Parang biniyak 'yung puso ko sa nakita ko.

"Does he like chowking or something?" tanong ni Calynn na nasa tabi ko.

Nasa labas si Drew kasama 'yung babae roon sa ospital. Nasa tapat sila ng kotse, hindi ko alam kung kaninong kotse 'yon. May bitbit na chowking 'yung babae at inabot 'yon kay Drew. Nakangiti pa si Drew nang tanggapin 'yon.

Running After Your Heart (Change Series #2)Where stories live. Discover now