Special Chapter - N

33.8K 1K 130
                                    

“Ano ibig-sabihin nito, Zayne? Hindi mo na ba ako itataboy? Okay na ulit tayo?” tanong niya sa akin pagkatapos kong hugutin ang pagkalalaki ko sa kaniya.

Kunut-noo akong umiling-iling sa kaniya matapos niyang itanong ‘yon. “Of course not. Avery is already pregnant. I just did it to make you stop, okay? Pinagbigyan lang kita ngayon para tigilan mo na ako. Now leave permanently and don’t you dare to come back!” sinunod naman niya ang sinabi kong umalis siya.

Nang tuluyan na siyang makaalis ay pagalit kong basta-basta na lang itinapon ang laman ng mesa ko, wala akong pakialam kung ano ang mga nahagis ko na kumalat na lang sa sahig. Matapos ‘yon ay napaupo na lang ako sa swivel chair.

“I’m sorry, Gian . . . I'm sorry for hurting you like this. I just can't accept the fact that you choose to make love with my brother, I just can’t accept that you do this to me. Umasa ako, eh. Umasa akong enough na ako sa ‘yo! Umasa akong ‘di mo magagawa ito dahil lang sa nagawa ko, akala ko maiintindihan mo ‘ko! I'm sorry for hurting you the way you hurt me, I’m sorry . . .”

Nang mahimasmasan ako ay naisipan kong yayain ang mga kaibigan ko sa isang bar.

“Iuuwi na kita.” Nagulat ako ng bigla na lang sumulpot si Gian sa harap ko.

“Tara na, Zayne. Kailangan mong magpahinga,” hinawakan niya ako sa may pulsuhan ko na wala pang ilang segundo ay tinabig ko na ang kamay niya.

Lumingon ako sa kaliwang side ko pagkatapos ay hinila ko ang kaibigan niyang babae. Kahit hindi ko ito masyadong nakikita ay sigurado akong kaibigan ito ni Gian dahil kapatid ito ni Tamarind. Talagang ang liit ng mundo para sa amin.

Nang tuluyan ko itong mahila ay hindi ko na pinalampas ang pagkakataong halikan siya sa labi. Halata sa mukha ng kaibigan ni Gian ang gulat matapos ko itong gawin,  nanlalaki ang mata nito na hindi magawang kumilos kaya nanatiling magkalapat ang mga labi namin, at dahil na rin siguro sa dala ng alak ay nagawa nitong gantihan ang paghalik ko.

Napatingin pa siya sa kung nasaan si Gian kaya naman mas lalong dumipina ang panlalaki ng mata niya na agaran naman akong tinulak.

“G-Gian . . .” Nauutal na tawag ng kaibigan ni Gian sa kaniya. “Mali ka nang inaakala,” paliwanag nito.

“Masyado kang halata, Tammy. Wala pa nga akong sinasabi ay dumidepensa ka na, H’wag mo akong gawing tanga!”

Patawad Gian sa nagawa ko, pero kung ito lang ang paraan para lubayan mo ‘ko ay ‘di ko na sasayangin pa, mahal kita pero masakit kang mahalin.

Ayaw ko na rin na mahirapan ka pa. Ayaw ko na ipilit pa natin iyong nasimulan natin dahil ayokong masaktan kita ng paulit-ulit. Hindi ko na kakayanin makita kang nadudurog.

Hindi natin siguro deserve ang isa’t isa. Umaasa ako na makahanap ka ng lalaki na magmamahal sa ’yo ‘di gaya ng pagmamahal ko.

Ramdam ko naman na nagsisisi ka sa nagawa niyo sa akin. Pero kung ito lang ang paraan para tuluyan tayong humilom pareho. Handa akong sumuko.

Ang sakit masilayan ang lungkot sa mga mata mo, Gian. I’m hoping that someday, you'll find a man who can make your eyes to smile.

Nang makaalis na si Gian ay humarap sa akin ang kaibigan niya at ginawaran ako ng isang sampal. “Why did you do that? Why did you kiss me?! See what happened?! Babangasan ko talaga iyang mukha mo kapag tuluyang nagalit sa akin si Gian!” pagkasabi niya no’n ay hinabol na niya palabas ang kaibigan niya.

Bumalik na lang ako sa table namin at mabilis kong kinuha ang inumin na kaagad kong nilagok. “Damn man! Slowly, you’ll get drunk on that right away.” Puna ni Aiden sa akin.

His Innocent Secretary (Secretary Series #1)Where stories live. Discover now